Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin, I look nice with my pink cute top and a pair of mom jeans. I smiled one last time before going out of the room.
I tried looking for mom but she's not in her room. I checked my brother's and I found her there. She is teaching my brother how to read and pronounce the filipino words correctly.
I knock on the door, trying to get her attention. She turned to me and surveyed my outfit.
"Saan lakad mo?" she asked, brows furrowed.
"Sa mall. 'Di ba nga inutusan mo akong bumili ng school supplies namin?
She snapped.
"Oo nga pala! Halos nakalimutan ko na 'yon ah. May pera ka na ba?"
"Wala pa kaya nga kita hinahanap eh."
Tumango siya saka tumayo at naglakad palabas ng silid. Pag-balik niya ay may dala na siyang pera. She stopped in front of me and handed me three thousand bills.
Kumunot ang noo ko.
"Isn't this too much?" I asked.
"Ibalik mo nalang sa akin kapag malaking halaga 'yong sobra. Bumili ka na rin ng pizza for dinner, three boxes."
"Yeah sure. I'll go now, Ma."
She nodded. "Magpahatid ka sa Tito mo. Ingat kayo."
Nasa labas ako ng bahay habang hinihintay si tito. Nakita ko ang kapitbahay namin na nagsasampay ng mga bagong labang damit kaya tinawag ko siya saka nginitian.
"Good day Ate Tina!"
Her mouth formed an 'o' when she saw me.
"Ahh yamats! Sexy-ha man gud nimo lang!"
Natawa naman agad ako.
"Ate Tina bugal-bugalon HAHAHAH!"
"Bitaw uy, asa man ka paingon Kezang." Napanguso ako sa tinawag niya sa akin. Kezang pa nga!
"Sa gaisano po, Ate." sagot ko at natawa naman siya.
"Malingaw man jud ko sa imong accent inday uy. Amerkana kaayo ba!" I just chuckled. Magaling naman akong mag-bisaya noon pa, pero halata pa rin talaga 'yong american accent sa pananalita ko. I've been living in Chicago since one, so na-adapt ko na pati ang accent nila.
"Nasaan po si Liah?" mayamaya pa'y tanong ko.
"Nandoon kina Paris."
"Aano po?"
"Gagala daw sila."
"Without me!?" hindi ko napigilang maisatinig.
Ate Tina laughed.
"Eh kasi ang sabi mo sa kaniya'y may lakad ka raw, kaya hindi ka na niya sinabihan."
"Kahit na amp!" nakangusong reklamo ko. Hindi na nasundan ang paghihimutok ko dahil narinig ko na ang pag-andar ng sasakyan nila lola kaya nagpaalam na ako kay Ate Tina.
Pumasok ako sa backseat nang nakasimangot pa rin. Tiningnan ako ni Tito mula sa rear view mirror at napakunot ang noo nang mapansin ang lukot na ekspresyon ko.
YOU ARE READING
Strings Between Us
Teen Fiction"We maybe a million miles apart but we will always be connected by the strings of our heart." **** Kiezara is an aspiring lawyer who first entered rpw because of a story she got addicted into. At a very young...
