Isa-isa kong nginitian at pinasalamatan ang mga kaibigan ni Niel na bumati sa akin. Carol looks so elegant in her beige colored satin dress. Si Gail naman ay mas lalong lumitaw ang kaputian dahil sa suot nitong itim na turtleneck dress. Yena, on the other hand, looks like a living barbie doll with her blond hair and pink cute dress. Tanging si Niel lang talaga ang naiiba ang suot sa amin dahil isang puting dress shirt ang suot nito. Nakataas pa hanggang siko ang sleeves ng suot niya at naka-tuck in sa itim niyang jeans. Agaw pansin din ang tatlong nakabukas na butones ng suot niya. He looks so freaking hot! Ang kaso-kumekembot.

"Naks naman! Ang pogi natin ngayon ah," pang-aasar ni Yena kay Niel.

"What the fak ka ba? Naiinis nga ako eh. Bakit pa kasi naimbento pa ang mga polo, dapat mag-dress na lang ang lahat para fair sa aming mga diyosa," reklamo naman ng lalaki.

"Fair sa inyong mga bakla, pero unfair naman sa mga lalaki." ani Carol.

"Bakit naman unfair eh dati nga naka-dress naman sina Moses," katwiran niya dahilan para matawa ako.

"Jesus christ! HAHAHAHA how can you say those things without laughing?" I said, still laughing.

"Ayan Niel nag-english na naman. Huwag mo 'yang patatawanin kasi nag-eenglish," ani Yena. Mas lalo akong natawa dahil do'n. I don't know, hindi naman siya masyadong nakakatawa pakinggan pero 'yong expression kasi ng mukha niya while saying those things ay nakakatawa.

"Pero seryoso kasi, all in one na kaming mga gaylalu. Maganda na gwapo pa, oh sa'n ka pa? Sa beki na!"

"Girl shut up ka na lang. Kita mo 'yon? Iyong lalaking naka itim na polo?" Nilingon naman naming lahat ang lalaking itinuro ni Yena.

"Oo, bakit? Anong meron sa kaniya?" Carol asked.

"Siya 'yong sinasabi kong crush ko! Ang pogi 'diba? Sabihin niyong hindi at babarilin ko kayo!"

"Sige umangal kayo, anak pa naman 'yan ng mafia boss HAHAHAH," natatawang ani Gail. Si Yena naman ay prente lang na nakaupo habang hinihintay ang sagot namin. Nilingon kong muli ang lalaking sinasabi ni Yena, only to find out that he was also staring at me!

I gulped. Why is he looking at me? Pero...sa akin nga ba talaga? Nilingon ko ang babaeng katabi. Yena is also staring at the guy. She's even smiling widely! Geez, maybe I'm just hallucinating. Yeah right, bakit naman ako 'yong titignan ng lalaking 'yon. I mean, yeaaah, he's undeniably handsome but I don't wanna share a crush with a friend. Ang gulo kaya kapag ganoon!

"Iyon ang crush mo!?" biglaang pag-angal ni Niel.

"Oh bakit? May problema ka huh?"

"Giiirl, mukha namang bakukang 'yang crush mo eh! Omg ah, hindi ko knows na ang pangit pala ng taste mo."

"Anak ng-ang kapal naman ng mukha mo. Eh ikaw nga mukhang lasing na tarsier. Ang laki laki ng mata mo tapos mukha ka pang inaantok lagi!"

Niel exasperatedly gasp and even held his chest. "How dare you! That is what we call twinkling eyes!"

"Aysuuus twinkling twinkling pang nalalaman. Wala! Mukha ka talagang lasing na tarsier."

"Eh anong tawag sa'yo? Sisiw na rock star?" Yena's eyes widen while Niel just smirk. Bull's eye.

"Pakiulit nga iyong sinabi mo," nanghahamong sabi ni Yena.

I crossed my arms in front of my chest. Nage-enjoy ako sa bardagulan nila.

"Sisiw na rock star."

"Ang tibay inulit nga!"

"Gaga! Eh 'diba sabi mo ulitin ko!?"

"Oo nga! Pero sarcasm 'yon. Hindi mo ba 'yon alam huh!?"

"Alam ko kung anong ang sarcasm! Hindi ako bobo!"

"Alam mo naman pala edi bakit mo pa inulit? Pinapatunayan mo lang talaga na gag-"

"Can I dance with you, gorgeous lady?"

Natigil ang sigawan ng dalawa. Si Yena naman ay naiwang nakanganga dahil hindi natapos ang dapat na sasabihin. Ang kanilang atensyon ay napunta sa lalaking nakatayo ngayon sa aking gilid at inaaya akong sumayaw.

Yena glances at my direction with her eyes who screams betrayal. Si Niel naman ay hindi makapaniwalang pinalipat-lipat ang tingin sa akin at sa lalaking kanina lang ay naging dahilan ng pagtatalo nila ni Yena.

"Can I have this dance, my lady?" tanong nitong muli dahilan para mapasinghap si Yena at Niel.

Anak naman ng kagang oh! Wala pa nga akong nagiging kaibigan mukhang magkakaroon na agad ako ng kaaway!

"Please?" Jusko kayo na pong bahala sa akin Lord. Kinuha ko ang kamay ng lalaki dahilan para mapangiti ito ng sobrang lawak. Hindi ko kayang tagalan ang mga titig ni Yena sa akin kaya sumama na lang ako sa lalaki.

"Put your hands on my shoulders~" pagsabay ng lalaki sa kanta habang nilalagay ang mga kamay ko sa balikat niya. I looked down when I felt his hands encircling my waist. He lifted my chin up making me meet his intense gaze. Para akong matutunaw sa tindi ng kaniyang mga titig. Lupa lamunin mo na ako!!

"Hey, look at me," he said and I obliged.

"You look so beautiful."

My heart raced inside my chest. Ano ba naman 'to nakakahiya!!

"Ah hehe, thank you?" I heard him chuckle.

"Kinakabahan ka ba? Are you... not comfortable with me?" I slowly nodded.

"H-hindi lang kasi ako sanay na makipagsayaw sa isang estranghero."

He let out a short laugh. "Grabe ka naman sa estranghero. Mabait naman ako eh. Pero sige, my name is Earl. Now, am I still a stranger to you?" I again nodded.

Sino ba kasi 'to!? Kahit naman alam ko na ang pangalan niya ay hindi ko pa rin siya kilala. Malay ko ba kung anak pala 'to ng mafia boss tapos paglabas ko ng school may bigla na lang bumaril sa akin kasi bawal pala lumapit sa mga babae ang taong 'to.

He laughed once again.

"Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Wala naman sigurong babaril sa akin kapag sinabi ko sa'yo ang pangalan ko 'diba?" He stared at me with confusion written in his face.

"What do you mean?"

"Hindi ka naman siguro anak ng mafia boss ano?" He didn't answer. He was just looking at me with amusement in his face. Iniisip na siguro nito na baliw ako. Omg!

"No haha. Hindi ako anak ng mafia boss, kung 'yan ang ikinakatakot mo. Ngayon, pwede ko na bang malaman ang pangalan mo?"

"Ah basta! Tawagin mo na lang akong anak ni Cinderella!" And with that, I run and left him at the middle of the crowd. Narinig ko pa itong tumawa bago ako tuluyang makalayo. Jusko buang ba 'yon?

PHILORINA

Strings Between UsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin