Chapter Eleven

8.3K 355 155
                                    

A/N: Spg Alert!


Nakailang shot na rin ako ng iba't ibang alak pero hindi pa rin nawawala sa diwa ko ang nangyari kanina.

Pinipilit kong iwala ang taong 'yon sa isipan ko para naman makasabay sa dalawang kaibigan na nagsasaya.

Panay lang ang inom namin at nakikisigaw sa mga sumasayaw. May nag away pa nga kanina pero mabilis din silang nailabas.

Sabi ko na nga ba at magaling na talaga ako. O baka alak lang ang kulang kaya nagkasakit ako.

"Sayaw tayo, Simang!" Nagulat ako ng biglang tumayo si Cris at humawak sa braso ko.

"Ayoko!" Natatawa ako kasi halatang may tama na 'to. Saktong tama lang naman na makakauwi pa sa mga bahay nila.

"Tara na!"

Nagpatianod na lang ako sa trip nila at doon sumayaw nang sumayaw.

Tawa ako ng tawa dahil sa ginagawang pagsayaw ni Anding. Nakainom na rin siya at halata iyon. Mababa lang naman ang alcohol tolerance nilang dalawa na hindi gaya sa akin na parang tubig ko lang ang alak.

Nahila ni Cris si Anding nang muntik itong madulas. Napangiti ako dahil nagkatinginan ang dalawa.

Naalala ko naman bigla ang mga tsismis sa University. Kabilang na doon ang usapan na may gusto si Cris kay Anding.

Alam kong mayroong ginagawa itong si Cris eh. May galawan itong nagsasabing may pagtingin siya kay Anding pero kita ko na walang malisya sa mga tingin at titig niya.

Hindi ko maintindihan kung totoo ba o sadyang sinasadya niyang maging gano'n ang tingin sa kaniya.

Pero hindi ako maloloko ng mga galawan niya. Wala siyang gusto kay Anding.

Kung mayroon itong pinagdadaanan ay magsasabi naman siya. Alam ko ring hindi maniniwala si Anding sa mga tsismis sa University.

Lumapit ako kay Cris at tinapik siya.

"Ikaw na bahala sa kaniya!" Sigaw ko rito. Hindi kasi kami magkakarinigan kaya para kaming mga tanga. Nag sign ito na hindi niya ako maintindihan kaya lumapit ako at sinigaw sa tainga niya kaya napalo ako sa braso. Ngumiti rin ang huli at tumango sa akin.

Iniwan ko na lang sila at bumalik sa p'westo ko. Kita ko ang ilang natirang shot ng tequila. Inubos ko iyon lahat. Kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako tinatablan. Baka fake ata iyong alak nila? P'wede ko na ring gawin tubig ang alak ano? Ilagay ko sa baunan ng tubig at iyon ang dalhin sa University. Tignan natin kung mahuhuli ako ng mga strict na SSC members.

Hihingi pa sana ako ulit ng alak ng may bumangga sa likuran ko. Takang nilingon ko ito.

Uso bang banggain ako?

"O-Ow, sorry, Miss." Hindi ko alam kung tatawanan ko ba ang babaeng ito o sisinghalan. Mabuti at rinig ko siya dahil pinalitan ang kanta ng medyo soft at hindi masakit sa tainga. Sapat para marinig ang kausap.

Hindi ko rin mawari ang mararamdaman dahil kilala ko 'to. Nagtataka akong napatingin sa taong halatang lasing na.

Akala ko ba— akala ko ba wala na siya rito?

Si Miss Watson.

Nandito pa siya. Akala ko ay nakauwi na. Pansin ko rin na iba na ang suot niya at hindi na gaya kaninang una ko 'tong nakita.

Nakasuot na ito ng isang mini dress na pula. Medyo magulo na rin ang buhok at pasuray-suray ang lakad. Halatang tinamaan na ang lintik.

Sininok pa siya kaya doon na ako tuluyang natawa. Kaya lang ay napansin niya kaya nilingon niya ako.

Stealer (ViPe Series #4) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now