Chapter Four

7.5K 314 89
                                    

Nagmumukha mang batang nakatira sa kalsada ang itsura ko ay hindi ako nagpadaig sa mga feeling maldita at feeling magandang mga estudyante dito sa hallway na nagkakalat ng mga kadiliman.

Nandito na naman kasi ako sa eskwelahan dahil wala naman akong choice kung hindi ang pumasok.

Dito na lang din ako magkakalat ng kalokohan.

"Marecakes! Nag resign na raw si Ma'am Tamnad!"

Tsismis is the key every morning pagdating sa mga kaklase kong pangit. Puno ng tsismis ang mga kaklase ko kahit saan sila magpunta. Iyon na lang daw kasi ang bumubuhay sa walang k'wenta nilang buhay.

"Ano, Tamad?" Natatawa kong komento kay Lucky na siyang sumigaw at tumakbo palapit sa akin. Anak ng tinapa, parang pangalan lang ng aso ni Ashlyn ah.

Araw-araw nasisira ang buong maghapon ni Ma'am Tamnad dahil sa amin. Kaya siguro nag resign na siya. Inaasar kasi nila Anding e.

Promise, wala akong kinalaman doon.

"Alam mo ikaw, hindi ka na talaga natuto." Akala mo naman siya e natuto na. "Lagot ka kay Coach Henares. Siguradong lagot ka do'n." Napaismid ako sa narinig. Kakarating lang niya ay ang aga ng tsismis niya tapos ipapaalala pa sa akin ang ginawa ko kahapon sa practice.

Akala naman niya ay matatakot ako sa pananakot niya tungkol kay Coach.

Nasaan na ba si Anding? Muntanga talaga iyon. Nasobrahan na sa kapagungan. Siguro ay magdamag na naman nanonood ng anime. Ibang klase din ang kaadikan ng babaeng iyon.

Si Coach Henares naman ay wala ng ginawa kung hindi ang pagalitan ako at pagsabihan.

Ayon nasanay na ako. Pasok sa tenga labas sa ilong.

"So, wala naman magagawa iyon si Coach e! Nangyari na ang nangyari." Ngisi ko sa kausap.

Tuloy lang kaming dalawa sa paglalakad sa gitna ng hallway. Feeling mga mayabang pa ang asta naming dalawa. Bakit ba? Mga attention seeker kami e. Taas noo pa akong ngumingisi sa ibang mga estudyanteng napapatingin sa amin.

Lalo na ang ibang nagpapa-cute na sinasabi ni Anding na puro sex lang naman ang habol sa akin. Isa silang mga pashneang adik sa kagandahan ko.

Sinasabi ko na nga ba't makasalanan ang kagandahan na meron ako.

"Nasaan na si Andrea?"

"Malay ko."

"Eh 'yong iba, nasaan?" Tanong na naman niya.

"Ang ingay mo, Lucky. Pinanganak ka ba bilang tsismosa?" Inis na tanong ko sa kaniya. Namumuro na rin siya sa akin e.

"Gago! Anong konek ng tsismosa sa maingay?"

Parehas lang naman siguro iyon. Ang iingay kaya ng mga tsismosa. Parang siya lang din. Palibhasa kasi ay nadadamay na sa pagiging tsismosa at maingay ni Anding.

Hindi na ako natutuwa at nahahawa na ang lahat.

P'wede ko na silang ipasabit sa rocket papunta sa mars. Bagay naman sila doon.

Para tumahimik na rin ang mundo.

"Buksan mo ang pinto at nang may mapala naman ako sa 'yo. Puro ka tanong." Iritang sambit ko kay Lucky. Napairap naman ang gagong ito pero binuksan naman niya ang pinto ng pagkalas-lakas. "Gumaganti ka?"

"Hindi ba halata?" At talagang ngumisi pa siya sa akin.

Wala naman akong pakialam kung buksan niya ng malakas ang pinto. Ayos lang iyan dahil wala naman na pala si Ma'am Tamnad na unang Professor namin sa umagang ito.

Stealer (ViPe Series #4) [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon