Chapter Eight

6.9K 286 59
                                    

Sa bahay nila Ate Alex kami natulog ni Anding kasama sila Momma Jade. Hindi na kami nagdalawang isip dahil maraming pagkain ang nakahain sa harapan namin na p'wendeng-p'wede kainin hanggang bukas.

Puro k'wentuhan at asaran lang ang ginawa nila tapos nakikinig na lang din ako habang ako at si Anding ay nakikipaglaro sa mga bata. Kung titignan ay parang mas matured pa mag isip at gumalaw si Ashlyn at Jesryl kaysa sa aming dalawa ni Anding.

Hindi ko naman masisisi ang magsasabi no'n, kasi nga baby face kami e. Gano'n talaga ang buhay.

Sa buong magdamag ay gano'n lang ang ginawa namin. Hanggang sa hindi ko na lang namalayan na panibagong araw na naman ang tatahakin at hihintaying matapos para sa sunod ulit na bukas.

Sa sobrang pagod ay nagbalak akong huwag pumasok ngayong araw sa eskwelahan. Maski si Anding ay hindi na rin pumasok.

Mas'werte na lang kami dahil wala pala talagang pasok. As in kung kailan kami nagbalak na hindi papasok ay doon naman nagkaro'n ng emergency ang eskwelahan.

May emergency meeting pa nga ang lahat ng Professor sa college namin. Hindi ko naman natanong si Momma Jade kung ano ang nangyari pero 'di bale na lang.

Blessing na rin na walang pasok.

Isa pa pagod naman din ako e— pagod pero nandito sa loob ng Mall.

Parang gusto ko tuloy tumawa ng parang nababaliw. Sabi ko kasi ay magpapahinga ako kaya nagbalak hindi pumasok pero heto ako, gumagala mag isa.

Para pa nga akong nawawala sa itsura ko e. Parang nawawala dahil sa suot na pang bahay at nakabonet pa ang peg ko ngayon.

Wala e, ito lang ang kinaya ng mood ko—

"Aray naman!" Napakagat ako sa labi dahil sa sobrang lakas na pagkatama sa balikat ko. Merong isang babae ang nakabangga sa akin ng sa tingin ko naman ay hindi sinasadya.

Pero masakit 'yon!

Ang ganda-ganda ng lakad ko tapos may makakabangga lang sa balikat ko! Maiinis na sana ako dahil nasaktan ako pero naawa naman ako sa dami ng nahulog at nagkalat na gamit sa sahig. Walang pagdadalawang isip na tinulungan ko ang taong may ari nito.

May ilang libro pa nga na bagong bili.

Sige na nga, nagdesisyon na ako. Hindi na ako galit. Maaawa na lang ako kahit masakit 'yong balikat ko.

Ewan ko ba kung nasiko ako o ano eh.

"Sorry—"

Naiiling akong tumayo pagkatapos damputin ang mga pinulot at para harapin na rin ang babaeng nakabunggo sa akin.

Balak ko pa nga sanang iabot ang dalawang paper bag ang kaso nauwi sa ngiwi ang awa na meron ako.

Anong ginaga ng halimaw na 'to rito?

"Simang— Simang?"

Iniwasan kong mapangiti ng kahit na maliit dahil sa naging reaksyon nito. Para kasing pagkabanggit niya ng pangalan ko e doon lang pumasok sa isip niya na ako nga ito. Kaya biglang naging patanong ang pangalan ko.

"Miss..."

Sumeryoso din agad ang mukha niya. Maayos pa niyang kinuha ang hawak kong paper bag.

"What are you doing—"

Hindi pa man natatapos ni Miss Watson ang sasabihin niya ng meron ng tumawag sa pangalan ko. "Simang?"

At oo, si Miss Watson ang babaeng nakabangga sa akin. Ang babaeng hindi ko inaasahang makikita ko sa kung nasaan ako ngayon.

Pareho naman kaming napalingon sa taong tumawag ng pangalan ko.

"Ate Violet?" Kunot noo akong tumitig sa kaniya. Si Ate Violet na nakasuot ng business attire at sobrang neat at ganda ng ayos niya. Tinakbo ko ito para yakapin ng ma-realized kong nasa harapan ko talaga siya. "Anak ng siopao, Ate! Nandito ka pala?" Tumango siya sa akin agad at niyakap din ako pabalik.

Stealer (ViPe Series #4) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now