Chapter One

12.7K 353 152
                                    

Nakasimangot ako.

Walang gana habang kumakain ng puto na binili ko pa sa kanto. Masarap ata ito 'pag may kasama pang pansit. Parang 'yong nagpunta ka sa birthday at may pa-puto at pansit pa sila.

Libreng meryenda at bawas gastos pa. Masaya nga 'yon e. Ang sarap sa feeling.

Pupuntahan ko kasi dapat si Anding ngayon nang maalalang nasa Probinsya pa ito. Kung sana ay sinama na lang niya ako ay hindi ako na bo-bored dito na pa lakad-lakad sa kung saan-saang lupalop ng buong Manila. Kung ano-anong katarantaduhan pa ang ginagawa ko sa buhay ko.

Sobrang nakaka-bored naman kasi e. Pero kaya ko naman ang sarili ko ng mag isa. Kaso hindi ko ma-entertain ng maayos kasi tinatamad din akong i-entertain ang sarili ko.

Basta ano lang... taga gawa ng kalokohan sa tabi 'pag may nakita akong p'wedeng pagtripan.

Napapakibit balikat na lang ako habang naglalakad.

Isusubo ko na sana ang tira at nag iisang piraso na lang na puto ng may makabangga sa akin kaya wala sa oras na nahulog ang pagkain ko. Gulat at naghihinayang ako sa putong gumulong pa sa sahig.

Pati ang inosente at masarap na puto ay nasayang dahil sa hindi marunong tumingin sa dinadaanan.

"Anak ng siopao! Ang puto ko!"

Napalingon ako bigla sa bumunggo sa akin na naglalakad na palayo sa akin.

Ang mahal ng puto sa kanto! Kinse na nga isang balot tapos iilan lang ang piraso no'n. Sana kung papalitan niya.

Wala tuloy sa sarili na sinundan ko ang babaeng nakabangga sa akin at hinila ito.

"Hoy! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" Sigaw ko sa kaniya na mapatingin na ito sa akin. "Nasayang ang pagkain ko dahil sa 'yo!"

Nabunggo ba naman ako, dadaan na nga lang sa gilid ay hindi pa inayos. Anak ng siopao talaga! Bulag ba siya o ano? Kaluwang ng daanan, nagawa pang mangbunggo. Grabeng kabastusan naman ng mga tao ngayon!

Ipalaman ko siya sa siopao e para malaman niya.

"What? Excuse me? Wala naman akong ginawa sa 'yo— wait, you again?!"

Anong 'you' again? Anong sinasabi naman nito?

Naningkit ang mata kong tumitig sa babaeng medyo may katangkaran na nakatayo sa harapan ko. Babaeng mukhang diamond ang shape ng mukha. Masyadong mapula ang labi na ikinangiwi ko. Ang pula kasi masyado eh. Mahaba ang buhok nitong straight na straight at nakasuot ng formal attire. Nice, mukhang rich si ate girl, p'wede kaya manghingi sa kaniya ng barya? Kaso parang ang pangit ng ugali ha, parang masungit na dalagang walang asawa.

Maka- 'you again' ba naman akala mo e na meet na niya ako. Hindi naman.

Baka naman kasi assuming siya tapos nagpapapansin lang? Sa ganda ko ba naman 'to? Ha, kahit sino siguro ay mahuhumaling.

"Hey, you!" Nagitla ako ng sumigaw na naman siya. Ngumiwi tuloy ako sa pangalawang pagkakataon. Ang tinis ng boses, jusko. Nakakahiya naman sa mga taong nakakarinig sa kaniya at sa kamalditahan niya.

Napapalingon tuloy ang iba. Ang ingay-ingay ba naman kasi!

"Bakit ka ba sumisigaw? Ang sakit mo sa tainga ha!" Matalim itong tumitig sa akin. Anong kasalanan ko sa babaeng ito? "Teka Miss—" Nahihintakutan akong umatras saglit palayo sa kaniya. "Huwag mo akong titigan na parang gusto mo na akong mamatay ha?! Kasi kung mamamatay ako, dapat mauna ka na lang! Ako dapat ang nagagalit kasi dahil sa 'yo nasayang ang puto ko! Aba inunahan mo akong magalit?"

Nanglilisik kasi ang mata niya na akala mo ay may nagawa akong karumal-dumal sa kaniya. Sa sinabi ko ay mas lalo ata siyang nagalit. Kulang na lang ay bumuga ng apoy galing sa bibig at usok naman sa ilong niya.

Stealer (ViPe Series #4) [UNDER REVISION]Where stories live. Discover now