Chapter Six

7.7K 309 91
                                    

"One."

Pabalik-balik akong naglalakad dito sa loob ng gym. Ngata-ngata ang daliri dahil ilang gabi na akong hindi nakakatulog.

"Two... three... four—"

"Tumahimik ka nga muna, Anding. Ano bang binibilang mo diyan?" Napakamot ako sa ulo dahil bigla akong na distract sa kaingayan ng kaibigan ko. "Ang ingay mo e."

"Binibilang ko lang kung nakailang balik ka na ba sa ginagawa mo. Ako 'yong nahihilo sa 'yo. Kinakabahan ka ba sa practice mo?"

Nagpahalumbaba ito at tumitig sa akin. Napairap na lang ako at hindi na siya pinansin. Muli akong nagpabalik-balik. Paroon at parito.

Inaantok ako at walang lakas ang katawan ko sa mga oras na 'to. Naiinis kasi ako na kahit anong antok ko pa ay hindi man lang ako makatulog.

Ayaw akong patulugin ni Miss Watson sa isipan ko. Kung makakatulog man ako ay mapapanaginipan ko pa siya. Malala pa nga na pati 'yong halik na ninakaw ko sa kaniya ay naiisip ko.

Ano ba kasing meron?

Bakit laging nasa isip ko na siya tapos hindi na mawala-wala?

Sino ba siya para guluhin ang isip ko?

Badtrip naman e. Pati sa panaginip ko ay punta siya ng punta. Sana hindi rin siya makatulog para fair.

"Simang? Siguro naman ay hindi ka pa nababaliw, 'di ba?" Napairap ulit ako nang si Lucky na ang nagtanong sa akin.

"Huwag mo akong kausapin, Lucky, at baka mauna kitang patayin." Hindi pa man nag uumpisa ang practice namin sa volleyball ay hindi na talaga ako mapakali.

Oo at may practice naman talaga kami tapos hindi ko rin alam kung bakit nandito si Anding at Lucky ngayon.

Siguro ay isang linggo na din ang nakalipas simula ng mag umpisang magturo sa klase namin si Miss Watson. Hindi na rin nga nawala sa isip ko iyong biglaan niyang paglitaw dito sa BLU tapos ang pamimintang nito sa akin na kumuha ng cellphone ni Rogers.

Hay naku na lang talaga.

Nanuno pa ata ako.

"Bakit ako pa? Si Anding na lang." At talaga nga namang sumagot pa si Lucky.

"Ako na naman?! Wala nga akong ginagawa diyan kay Simang e! Gusto mo lang na iligtas ko ang kamatayan mo. Ipapalit mo pa talaga ang buhay kong mala reyna ng mundo." Tila ba parang mayabang na sumagot si Anding kay Lucky at parang nagmamalaki.

"Reyna ng katangahan kamo?" Napaismid si Anding sa akin. "Kung pag untugin ko kaya kayong dalawa?" Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Tumawa pa nga si Lucky sa kaniya na ngayon ay ikinasimula ng away. May klase si Katya ngayong hapon kasama si Cris kaya wala silang manonood sa practice namin dito sa gym.

Akala ko nga ay makakapunta sila pero ayaw naman lumiban sa klase at mas mahalaga raw ang pasok nila kesa sa akin na kaibigan nila.

Tutal ay practice lang naman daw ito.

Kaya si Lucky at Anding lang ang dalawang nandito na nanggugulo sa akin.

"Hindi ko talaga alam kung maiinggit ako diyan o ano." Nagtataka akong napalingon kay Lucky. Tumayo na rin siya sa pagkakaupo niya sa sahig kasama si Anding. Tapos na pala silang mag away.

"Anong ano naman ang pinagsasabi mo na naman diyan?" Ngumuso ito. Pero mas lalong hindi ko naintindihan ang sinasabi niyang pag nguso. "Kamukha mo na si Anding na parang pato sa kahabaan ng nguso mo. Ano ba 'yon?"

Malakas na tumawa si Anding na nakaupo pa rin.

Mukha bang siya ang kausap ko at bakit siya tumatawa? Nababaliw na naman ba siya? Bakit kaya ganiyan ang lahi niya? Pinaglihi ba siya sa mga baliw?

Stealer (ViPe Series #4) [UNDER REVISION]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora