Wala siya sa sariling tumango habang awang ang mga labi.

I must have gone crazy, huh?

Nang huminto pa kami sa ibang bus stop ay lalo pa kaming nasiksik sa gitna.

"Are you okay?" Nag-aalala kong dinungaw ang kanyang mukha.

Hangga't kinakaya ko ay nananatili akong nakadistansya sa kanya. Tumingala siya sa akin at namumula ang mga pisnging tumango.

"Hindi mo na sana ako sinamahan. Dati ko namang ginagawa ito."

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon sa sinabi niya. Nasisiguro kong hindi siya komportable. Sa galaw pa lang ay alam kong hindi na siya mapakali.

"Are you sure you're okay?" muli ay tanong ko.

Mahinang tango lang ang isinagot niya sa akin.

Nang muli kaming masiksik sa gitna ay hindi ko na alam kung papaano pa siya ilayo sa mga lalaking nakapaikot sa amin.

Hindi man siya magsabi ay ramdam ko ang tensyon sa kanyang katawan. This isn't good. Ganitong-ganito rin kanina.

"Gusto mong bumaba?"

Umiling lang siya habang mahigpit na nakakapit sa handrail.

Ganito pala kahirap ang mag-commute. Kaya pala ganoon na lang din ang daing ni Thayne nang alisan siya ng kotse ni Dad bilang parusa sa walang tigil niyang pagbubulakbol noon.

"Hey, Max... Look at me."

Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha. Ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Am I making you uncomfortable?"

Kinagat lang niya ang kanyang labi.

"Can you trust me?"

Hindi siya kaagad nakasagot. Alam kong hindi ang sagot sa tanong kong iyon.

"Alam mo kung anong name ng parents ko?"

Umiling siya at nagtatakang tumitig sa akin. That would do the trick. Siguro ay kung hindi ako titigil sa pagtatanong at pagkukuwento ay mababaling ang atensyon niya sa akin at hindi sa mga bagay na ipinag-aalala niya.

At nang lumaon nga ay unti-unting naging normal ang dating ng kanyang paghinga at nawala rin ang takot sa kanyang mga mata. Napatawa ko siya sa mga kuwentong may kinalaman sa mga kapatid ko.

"So, sino ang mas gwapo sa inyo ni Sir Thayne?"

"Itinatanong pa ba 'yon?"

Naiiling lang siyang tumawa.

Parehas na kaming nakaupo at kaswal na nagkukuwentuhan.

"May kapatid ka, Max?"

Umiling lang siya. Agad ko ring naramdaman na hindi siya komportableng pag-usapan ang tungkol sa kanya kung kaya nagbukas na lang ako ng ibang paksa.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa kantong babaan papunta sa kanila.

Kahit papaano ay naging pamilyar na sa akin ang lugar dahil sa nakaraang pagsunod ko sa kanya noon.

"Puwedeng dito ka na lang para makasakay ka ng taxi."

"Let me walk you home," giit ko pa.

"Malapit na lang ang sa amin."

Gusto ko sanang magprotesta pero itinikom ko ang aking bibig. Alam kong mahaba pa ang lalakarin niya.

"No, it's okay. Samahan na kita. Para naman alam ko na rin ang bahay mo."

Magpoprotesta sana siya pero hindi ko na hinayaan at agad na nagpatiuna sa paglalakad.

"Nasaan nga'ng bahay ninyo?" Isinuksok ko ang aking mga kamay sa bulsa.

Hirap akong magsinungaling. Pakiramdam ko ay mababasa ng kausap ko ang nasa isip ko.

"Sir, okay lang talaga kung ako na la—"

"Maglakad na lang tayo, Max," pagbalewala ko pa sa sasabihin niya.

Ngumuso lang siya at nagkamot ng ulo. Kung bakit ko ginagawa ito ay hindi ko rin kayang ipaliwanag. Basta ang alam ko lang, nag-aalala ako para sa kanya.

"Akala ko ba ay malapit lang?"

Ngumiwi lang siya.

"Nakahihiya kasi ang lugar namin."

"Bakit naman?"

"Wala po kasing mansion dito, sir."

Umiling-iling lang ako. "Hindi naman ako naghahanap ng mansion."

Kinagat niya ang kanyang labi at naiiling na ngumiti. She's got the most beautiful smile I've ever seen.

Just what the fuck is wrong with me, huh?

Nang may madaanan kaming nag-iinuman ay agad na sinipat ng mga ito si Max na agad naman ding na-concious.

"Akala ko ba tomboy, p're? E, bakit may kasamang boyfriend?"

Malakas na sabi ng isang lalaki. Para bang sadyang ipinarinig sa amin.

"Hindi kaya nagpapanggap lang?"

Nagtawanan sila. Alam kong gulo lang kung papansinin pa namin iyon. At hindi rin makabubuti kay Max kung sisitahin ko pa 'yon. Wala ako sa tabi niya sa lahat ng oras. I think she should consider moving to a safer place.

Sumulyap ako kay Max na noo'y nakayuko at pilit na itinatago ang mukha sa suot na cap. At gusto ko mang punahin iyon ay mas pinili ko na lang ang manahimik. May tamang pagkakataon para sa mga bagay-bagay at hindi pa ito iyon.

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon