"Gusto mo pa?"

Kagat ang labing umiling lang siya.

"Thank you. Hindi na sana kayo nag-abalang magkapatid."

"It's okay. Don't mention it. Maliit na bagay lang 'yan. How are you feeling?"

"Ayos lang po, sir. Salamat po talaga."

"Come on. I'll take you home."

"Naku! Hindi na po, sir! Sobrang abala na!" umiiling pang aniya.

"It's a little late. I'll take you home."

Napalunok siya at napatitig lang sa aking mukha. Hindi ko sigurado kung matinding takot ba ang gumuhit na ekspresyon doon.

"K-kaya ko n-naman pong umuwi mag-isa, s-sir."

Tumango ako. Hindi ko siya kailangang pilitin kung hindi siya komportable.

"Okay... Ihahatid na lang kita sa bus station. Okay na ba sa 'yo 'yon?"

Alanganin lang siyang tumingin sa akin. Parang gustong magtanong pero walang sapat na lakas ng loob.

Bandang huli ay napilitan lang siyang tumango at hinayaan ako sa gusto ko.

"Pag-aari mo ang bookstore?" kuryosong aniya nang makalabas kami.

Tumingala ako at inginuso ang karatula.

"JT's Books etc.," marahang basa pa niya.

Mariin lang siyang napapikit at nagkakamot ng ulong napangiti sa akin.

"Hindi ko naisip. Sorry."

"It's all right, Max. Ayaw na nilang mag-isip ng ipapangalan sa business," natatawang kuwento ko. Kaya nga hindi na rin maikakaila agad kung pag-aari namin ang establishment.

"Pero nagpunta ka sa kabilang bookstore."

"Yeah. Hindi pa naman open ito noon. My older sister Jas is the one managing this one. Sobrang hilig niya sa books kaya ginawa niyang negosyo."

"Pero mahilig ka rin sa books, 'di ba?"

Tumango ako. "Hindi nga lang kasing-hilig ni Jas. She loves reading romance fiction books, kaya hopeless romantic."

"Pero married na siya?"

"Yup. Happily married. Wala pa nga lang anak."

Binagtas namin ang daan papunta sa bus stop. Marami pa rin ang mga tao kahit pa medyo gumabi na.

"Ayaw mo bang ihatid na lang kita?" Hindi ko maiwasang mag-alala sa hindi ko rin malamang kadahilanan.

Marami pa ring commuters at hati rin ang bilang ng mga lalaki. Worried lang ako na hindi siya maging komportable sa pagsakay lalo pa nga at dikit-dikit pa rin sa dami ng sumasakay.

"I'm okay, sir. Sobrang abala ko na."

Napahugot ako ng malalim na buntonghininga at tumango-tango. Sana lang ay huwag siyang magkaroon ng episode na gaya ng kanina.

Saglit kaming pumila at nang dumating ang sumunod na bus ay tantiyado ko na ring makakasakay siya.

Nakatayo siyang nakasakay ng bus at napalilibutan ng mga lalaki. Saglit siyang nagbuklat sa bag at agad na nagsuot ng cap. So, that's part of her disguise?

Nang makita ko ang panic sa kanyang mukha ay wala na akong pagdadalawang-isip na sumakay at nagpumilit na makarating sa gitna.

Ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita ako.

Pero sa halip na kumibo ay kumindat lang ako at lumagay sa harapan niya.

"Dito ka lang sa mukhang 'to tumingin, okay?" utos ko pa.

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt