Humagolhol ako doon at buong lakas na sumigaw. Nilabas ko ang sakit nararamdaman ko. Kahit ano pang pagsisi ang gawin ko ay hindi na maibabalik si Emerald.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Diba sya yung nagsampal kay Enzo kahapon?",

"Oo sya yan",

"Patay tayo kay Ruby dyan",

"Humanda sya kay Queen Ruby", Queen ng kalandian dapat!

Ang dali-daling kumalat ng balita. Ang raming marites dito ah. Kinakalat ng mga bubuyog ang tungkol sa nangyari kahapon.

"Kyahhh!",

"Enzo!! Ang gwapo mo",

"A blooded Queen Ruby!",

"Selene babe",

"Darius!!!",

"Look at me Jacob!",

"Ang sexy mo Abby!!", sigawan ng lahat sa likuran namin.

Lumingon ako at napatingin naman sa akin si Ruby. Kita ko ang pagbago ng kanyang mukha, mula sa nakangiti ay napalitan ng galit.

Inirapan ko sya at muling tinuon ang tingin sa daan pero napatili ako ng may humablot sa buhok.

Lintik ang sakit ng anit ko!

"LET. HER. GO or else I break your arm", diing utos dito ni Anthony.

"Try it!", rinig ko ring sabat ni Enzo.

Hinawakan ko ang buhok kung hawak parin ni Ruby. Napalingon ako sa kanila. Nakita kung paano nagtitigan sila Anthony at Enzo. Nakahawak ang kamay ni Anthony sa pulsuhan ng kamay ni Ruby na nakahawak sa buhok ko habang si Enzo naman ay nakahawak ang kamay nito sa pulsuhan ni Anthony.

Hinila ko ang buhok ko mula sa pagkahawak ni Ruby pero lalo nya itong hinigpitan. Lintik na babaeng ito! Agad kung hinawakan ang mga daliri nya at sapilitan itong tinanggal sa buhok ko.

Natanggal ko ito at walang pagdadalawang isip kung pinadapo ang palad ko sa makapal nyang mukha. Napasinghap ang lahat sa ginawa ko.

Tinakwil naman ni Anthony ang kamay ni Enzo na nakahawak sa kanya. Tumabi si Anthony sa akin at inayos ang sarili.

"Ikaw! Sinampal mo ang boyfriend ko dahil lang hindi sya pumatol sayo! Palibhasa kasi Pangit!", sigaw sa akin ni Ruby at dinuro pa ako.

What the Fuck!

Napatingin naman ako kay Enzo pero isang ngisi lang ang binigay nya sa akin. Anong kagaguhan ang pinagsasabi nya sa malandi at uto-utong babae na ito.

"Hoy babae! Para sabihin ko sayo! Maganda ako! Never kung inaakit ang boyfriend mo at kahit kailan man  ay hindi ko aakitin ang unggoy na pagmumukhang iyan!", banat ko rin sa kanya. Hello! Hindi ako naging Amethyst para sa wala lang!

"Ang gwapo ng boyfriend ko tapos ikumpara mo lang sya sa unggoy?! How dare you!", inis nitong sigaw sa akin at nagliparan naman ang laway nya sa akin kaya naman mabilis akung umatras at iniwasan ang laway nya. Nakita ko namang nalilito sila sa ginawa ko. Si Anthony naman ay hindi mapigilang humalakhak.

"My Gosh! Dahan dahan naman sa pagsasalita at sa pagsigaw tumitilapon ang laway mo. Alam mo namang ayaw ko sa marurumi lalong lalo na kapag nanggaling sa malandi", sabay flip hair ko ng matahimik sila. Nakita ko namang namumula sa galit si Ruby.

"You bitch!", aakmang susugod sya sa akin ng tinaas ko ang kaliwang kamay ko sa kanya. Napatigil naman sya. Nilapit ko naman sa akin ang braso ko at tinitigan iyon. Naguguluhan naman silang napatingin sa akin.

"Kyaahhhhhh!", tili ko kaya nagulat sila. Lumapit naman ako kay Anthony at pinakita sa kanya ang braso kung may laway." Anthony!!!",

Agad namang kumilos si Anthony at kinuha sa bag nya ang ethyl alcohol at ini-spray ito sa braso ko hindi nya naman pinalampas ang pagkakataong makalapit kay Ruby sabay spray nya sa mukha dito kaya napatili naman ang malandi at umatras palayo kay Anthony habang ang kamay nito ay nakaharang sa mukha nya. Dahil sa ginawa ni Anthony nawalan ng balanse si Ruby at  napaupo ito sa hallway.

"That's Enough, Anthony", seryoso kung sabi kaya naman huminto si Anthony at bumalik sa tabi ko. Tiningnan ko naman si Ruby na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa sahig. Tinitigan ko sya na parang isang insekto."Dyan! Dyan ka nababagay! Wala kang karapatan para makisalamuha sa tulad naming nasa matataas! Isa ka lamang linta na kumakapit para lang makaangat!", tinitigan ko syang muli at tumalikod sa kanila.

Narinig kung may sinisigaw sya sa akin pero hindi ko na iyon pinakinggan. Ang unang matutumba ay syang talo. Lahat kayong nagkasala kay Emerald ay magbabayad. Paglalaruan ko kayo. Papahirapan. Kukunin ko ang lahat ng sainyo at ibabagsak hanggang sa gumapang kayo sa lupa.

"Masakit ba ang kamay nyo, Boss?", tanong ni Anthony sa akin kaya napahinto ako kaya napahinto rin sya.

"Masakit", saad ko kaya agad nya namang kinuha ang kamay ko. "Masakit dahil sa kapal ng mukha ng babaeng iyon", agad namang binitiwan ni Anthony ang kamay ko habang natatawa ako sa kanya.

"Sa susunod hindi na ako magtatanong", nakasimangot nitong sabi.

"Tumawag pala Girlfriend mo sa akin. Sabi nya....", Nagliwanag ang mukha nyang  tumingin sa akin  at hinihintay ang susunod kung sasabihin pero bigla akung tumawa kaya muli syang napasimangot. "Naloko kita. In love ang gago!", malakas kung tawa habang hinahampas sya sa balikat.

"Na miss mo ba sya?", tanong ko at tumango syang nakasimangot."Gusto mong umuwi? Papayagan kita", dugtong ko pa.

"Ayaw!", sagot nya.

"Bakit naman?",

"Babalik ako sa Italy oras na matapos ka sa paghihiganti mo.", sagot nya kaya hindi ko mapigilang yakapin sya. Ito talagang si Anthony ang pinaka-close ko sa mga bodyguard ko. Hindi ko lang sya tinuturing na bodyguard kundi isa ring matalik na kaibigan.

The Angel is Down  The Devil will RiseWhere stories live. Discover now