CHAPTER 109/1: Tokyo Vs. Akita

Începe de la început
                                    

"Tama ang sinabi mong yan, Coach. Malaki ang potential ng batang Sakuragi na yan. Ano kaya ang pakiramdam ni Coach Kawarama ngayon?" Nakangiting tanong ng Fujidenzo Coach.

"Hindi pa natin alam kung anong relasyon ni Coach Kawarama sa batang Sakuragi na yan. Baka apo niya sa kapatid." Wika rin ni Ajinomoto Coach.

"Malay natin..." Toyota Coach

Naghiyawan ang cheering squad ng Akita Team dahil sa wakas ay nakapuntos din sila sa 2nd half. Ang kaninang 48 points mula sa 1st half ay ngayo'y 50 points na. Kahit nadagdagan na ang kanilang puntos ay kailangan pa nilang habulin ang 6 points na lamang ng Tokyo Team.

Napatayo naman si Sawakita sa kanyang kinauupuan.

"HOY AKITA GALINGAN NIYO NAMAN!" malakas niyang sigaw para sa kanyang mga dating kasamahan.

Ang mga taong nakakakilala sa kanya ay nagulat. Lalong-lalo na ang Tokyo Team.

"S-Si Sawakita?" Natigilan si Fukatsu.

"Ang ingay talaga kahit kailan." Maktol ni Masashi.

"Uyy nandito pala si Kuya Eiji." Nakangiting sabi ni Mikio saka kumaway sa gawi ni Sawakita.

Kumaway pabalik si Sawakita sa kanya na parang isip bata. Kinuha naman ni Moroboshi ang kanyang kamay at binaba.

"Ano ba Sawakita pinagtitinginan tayo..." Suway niya.

Samantala si Maki, Sendoh at Sakuragi ay nakatingin lang sa kanila.

"Moroboshi..." Maki

"Kitasawa..." Sendoh

"Rukawa..." Sambit din ni Hanamichi. "Ang yabang talaga ng pagmumukha niya. Kanina pa ba ang sorong yan? Di ko napansin ah!"

Napangiwi na lang si Rukawa. "Gunggong talaga."

"Tayo na mga kasama, opensa tayo!" Bumalik silang tatlo sa wisyo nang mapukaw sila sa sinabi ni Watanabe.

"Tara na!" Sabi ni Maki at nagtakbuhan na sila.

Mabilis na dinribol ni Watanabe ang bola palabas sa half court ng Akita Team. Ang bolang hawak niya ay pinasa niya sa nakalibreng si Nishizaki.

Si Nishizaki ay nasa outer area. Ginagawan niya lahat ng paraan para maging libre siya palagi sa area na yun dahil doon siya magaling maliban sa kung matibay ang depensa ng opponent player. Libre parin siya nang makarating siya sa shooting guard area. Nagpose siya at agad na nagjumpshot.

*Shoot!*

*PAKKK!*

"HAH!" Napasigaw si Nishizaki dahil sa biglaang sulpot ni Matsumot kasabay nun ang pagpalpal ng bola .

"Hindi ko siya namalayang palapit sa akin. Para siyang hangin."

Ang bola ay napalpal paibaba at saktong natanggap yun ni Kishimoto. Hawak na ulit ang bola.

"FAST BREAK!" sigaw nito saka hinagis ang bola na may pwersa.

Nagtinginan naman si Masashi at Hanamichi.

"..." Masashi

"..." Hanamichi

Kumaripas agad sila nang takbo para abangan ang bola sa kabilang half court.

Samantala si Nishizaki ay napatingin na lang kay Matsumoto. Nahuli naman nito ang kanyang tingin saka nagsalita.

"Wag mong maliitin ang kakayahan ng isang Sannoh Player, bata." Tanging wika nito saka tumakbo paalis.

Habang si Nishizaki ay nakatingin lang sa kanyang gawi. "G-grabe... Ang galing ni Koya."

"BILISAN MO MASASHI!"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum