Chaptah Fipti nayn

2 0 0
                                    

Nebula~


THIRD PERSON

Bitbit ang isang lalaking nakasuot ng pang-royal guard na uniporme, pumasok si Prince Lander sa nasunog na mansion ni Lt. Lorius at ng asawa nito na si Princess Xanthal.

Binitawan niya ang royal guard at saka itinutok ang kan'yang kamay na nagwangis kutsilyo sa leeg nito. Ang abilidad ni Prince Lander ay ang gawing metal ang kan'yang buong katawan at baguhin ang anyo ng bawat parte nito ayon sa kan'yang nais.

"Bring me now to your leader or I will kill you." may pagbabantang sabi niya.

Nanginginig na tumayo ang lalaki at pinangunahan ang daan papunta sa kinaroroonan ng kan'yang pinuno habang may patalim pa rin na nakatutok sa kan'yang leeg.

Huminto ang royal guard sa tapat ng pintuan ng basement ng mansion at tinuro ito sa Prinsipe. Sinuri ito ni Prince Lander at nakita niyang kailangan ng eyeball verification para mabuksan ang pintuan.

Lumingon siya sa royal guard. Tumitig siya sa mga mata nito bago ginamit ang kan'yang nagbabagong anyong kamay upang tanggalin ang isang mata ng lalaki.

Napahiyaw ito sa sakit habang walang tigil na dumadanak ang kan'yang dugo.

"If you opened the door yourself, that shouldn't have happened to you." sabi ni Prince Lander na walang kaemosyon-emosyon sa mukha.

Nang itutok niya ang nakuhang mata ng lalaki sa may gadyet na nasa gilid ng pintuan, ay agad itong nagbukas.

Muli niyang binitbit ang katawan ng wala nang malay na royal guard at saka pumasok sa loob.

Maraming kalaban ang sumalubong sa kan'ya ngunit hindi siya nanlaban. Hinayaan niya ang kan'yang sa sarili na igapos ng mga ito at dalhin sa kanilang pinuno—dahil iyon naman talaga ang gusto niyang mangyari.

"Prince Lander," may nakakalokong ngiting bati sa kan'ya ni Lt. Lorius na naka-upo sa isang itim na swivel chair. Nasa tabi nito ang kanang kamay niya na si Sgt. Rigel. Habang ang Prinsipe ay nakatayo sa harap ng mesa habang hawak ng ilan nilang tauhan. "How brave of you to come here alone."

"I didn't went here to fight with your organization." sagot sa kan'ya ng Prinsipe.

"But you killed one of my men."

"I did that because he's an idiot. Too idiot to be one of you. Speaking of that, I went here to—"

Pinutol na ni Lt. Lorius ang kan'yang sasabihin at ngumisi. "—to be my alliance? I know you, Prince Lander. You're envious to your brother because the deceased King chose him to be his successor. And then when he backed out, your sons aren't even chosen as the crown prince. Instead it was, Xavier. Your brother's half human son."

Kumuyom ang mga kamao ni Prince Lander dahil totoo ang lahat ng sinabi ni Lt. Lorius. May galit siya sa kan'yang kapatid, pamangkin, at ama dahil sa pagnanais niya na makuha ang trono mula kanilang lahat. At iyon nga ang dahilan kung bakit siya nandito. Upang makipagsabwatan sa mga kalaban.

"You're right." sagot ni Prince Lander. "I know that you don't want to be the King of Acelatoria and being in the shadows is your thing. Your job is to remain the legacy of my grandfather because it is Mr. Lucius' will to the every generation of your family. Now, if you will let me lead, I can assure you that the reign of King Xzarviar will be surely reincarnated."

Hindi nakasagot agad sa kan'ya si Lt. Lorius at halatang nagawa niya itong pag-isipin. Maya-maya lang ay muling nag-angat ito ng tingin sa kan'ya.

"Your nephew is a big problem to my plan." sabi nito na seryosong nakatingin sa Prinsipe. "I  can feel that he's merely surpressing his ability but the powers he has, it's very potent. He should never learn how to control his ability and the only way I'm thinking of is to mess up with his emotions. That is his weakness. So if you can present to me a plan that can automatically defeat Xavier before the war, I will accept your offer."

Planet Acelatoriaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن