Chaptah Fipti seben

2 0 0
                                    

Third party~



"Ms. Clardia!"

Agad umupo sa gilid ko si Sgt. Harvey pagkapasok niya ng kuwarto ni Xavier. Mukhang agad siyang tumakbo papunta rito nang marinig ang pagbagsak ng mga gamit.

"Clardia..." sambit ni Tito Cranstan pagkalingon niya sa aking gawi. He immediately walked towards me and checked my condition.

"W-What happened?" He asked. Pinagmamasdan ko pa rin ang mga daliri kong may dugo galing sa pagitan ng aking mga hita habang isa-isang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi ako nakasagot kay Tito dahil maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko. Why am I bleeding? Am I... pregnant? Kung oo, ibig bang sabihin nito... nalaglag na ang baby namin?

"Call the doctor again!" sigaw ni Tito Cranstan kay Sgt. Harvey. Bahagyang natutulirong tumalima ito.

"I will carry you, Clardia, okay?" Wala na 'kong ibang naisagot kung hindi isang tango. Bago pa kami makalabas ng kuwarto ay nilingon ko si Xavier. I can't clearly see his face because of the dimness but, he's certainly gazing at me too.

Pagkapasok namin sa kuwarto ko ay agad-agad lumapit si Zain at Kiefer na parehas nabigla nang makitang dinudugo ako. The former immediately assisted me as I was put on my bed by Tito. Natataranta siya at hindi alam ang gagawin.

"A-Ano bang nangyari, C-Clard? Bakit ka n-nagkaganyan?" She started crying as well. Tiningnan ko lang siya sa mata habang patuloy rin ang pag-agos ng aking mga luha.

"We need to call the doctor again." sabi ni Kiefer na sinusubukang manatiling kalmado.

"I already asked Sgt. Harvey to do that." sagot ni Tito. Napansin ko si Celeste sa gilid na nag-aalalang nakamasid sa akin habang kinukutkot ang kanyang mga daliri.

Maya-maya lang ay nagmamadaling pumasok muli ang doktor kanina sa aking kuwarto. Agad niya akong nilapitan.

"What happend to her, Prince?" He turned his gaze to Tito.

"She's bleeding."

Then he turned again to me. He put his stethoscope on my chest. While he was doing that, I asked him a question.

"Am I pregnant?" Lumuluha akong nakatingin sa kan'ya. Nawala ang kan'yang atensyon sa ginagawa at bahagyang sumilip kay Tito Cranstan.

"Am I pregnant, Tito?" This time kay Tito Cranstan naman ako tumingin.

Tumitig din siya sa'kin bago bumuntong hininga. "Yes... You are, Clardia."

Napalunok ako at yumuko kasabay ng aking paghagulgol. Ang sakit ng tiyan ko ay tila hindi ko na maramdaman dahil sa sakit ng puso ko.

Nagbunga ang pagmamahalan namin ni Xavier. Buntis ako... May anak kami...

I sniffed and lifted my gaze at the doctor. "Is my baby... still here?"

At this moment he met my eyes.

"I will see, Ms. Clardia. For now, can I ask you to remove your sweater and lie down to your bed?" he said and I nodded.

Zain helped me to remove my top kaya ang natira na lang sa suot ko ay ang aking pantulog na mahabang dress. She also helped me to lie on my bed.

After that, the doctor touched my lower tummy with his bare hands. He closed his eyes. Ginalaw-galaw niya rin ang kan'yang kamay sa tiyan ko. Lahat kami sa kuwarto ay natahimik habang ginagawa niya ito. Makalipas ang halos isang minuto ay dahan-dahan siyang dumilat.

Planet AcelatoriaWhere stories live. Discover now