Chapter sixteen: Life as a student council

202 14 1
                                    


“We're quite disappointed with the both of you. And you Sebastian, you're the vice president of the student council, and now you're disrupting our educational excursion? Why did you suddenly punch that young man, hah?” ani ng head council pagkapasok namin sa loob ng opisina. Nakaupo kaming dalawa ni Sebastian sa harapan nito habang taimtim na nakikinig si Sir Domingo sa aming likuran.

“He’s…he’s causing trouble to Ciel. When I saw his filthy hands around Ciel's waist, I did what was right.”

“And you believe punching someone is the proper thing to do?”

Hindi nakaimik sa Sebastian bagkus naikuyom na niya lamang ang kanyang kamao.

“Alam niyo bang malaking gulo ang mangyayari once na kumalat ang issue na ‘to? Lauren High’s reputation will be ruined!” pangangaral nito sa amin at ramdam ko ang galit nito sa kanyang boses. Miski si Sir Domingo ay hindi makuhang pumasok sa usapan dahil masyadong mabigat ang mga nagaganap.

“We’re not against the third community but you’re aware that Lauren High is an exclusive school for boys. Nakukuha niyo ba ang sinasabi ko?” 

Parehas kaming napatango. Bumuntong hininga ang head council at napahilot sa sintido.

“Sebastian, you've been a great vice president for years. Since I'll take this into account, the greatest thing I can do is to remove you from your current position. In the worst-case situation, you will be expelled from university, but I don't want to waste your potential.”

Nanghina ang aking katawan sa narinig. 

Sebastian will be kicked out of his position?

No. Hindi pwede ‘to. Ako ang puno’t dulo ng lahat kaya kung sino lang ang dapat na maparusahan dito ay ako.

“Excuse me but please sir, don’t do this to Sebastian. Ako po ang may kasalanan ng lahat kaya aakuin ko po lahat ng responsibilidad. Huwag niyo po siyang tanggalin sa posisyon niya. Kung sino man dito ang dapat maparusahan, ako po ‘yon. I will gladly accept it even expulsion.”

“W-what? Hell no!” bulong na sabi sa akin ni Sebastian pero binigyan ko lang ito ng pilit na ngiti. I know this is the right thing to do kaya wala akong pinagsisisihan.

“It could be. We can get rid of this issue if one of you will be expelled from the university. I know it sounds so immature and below the belt but we can manage to bring down the fire eventually. And to your offer, Mr. Phantomhive, are you willing to get expulsion to save the position of Mr. Michaelis?”

Sa puntong ito ay hinawakan na ni Sebastian ang aking kamay sa ilalim ng mesa at paulit-ulit itong umiling. Namumuo na rin ang luha sa kanyang mata but I already decided. Kung ito ang makakabuti sa lahat, I will face the consequences. Mapait akong ngumiti sa head council at unti-unting tumango ang ulo.

“Yes, sir. I am willing to do that.”

“Then, the problem’s settled. After this invention, Ciel will be instructed to make his expulsion letter. Just wait for further announcements. You can go the two of you.”

Napapikit ako dahil halo-halo nang emosyon ang aking nararamdaman. Masaya dahil hindi na kailangang bumaba sa posisyon ni Sebastian sa pagiging vice president at hindi na rin mae-expell sa university. Pero kalakip nito, kailangan kong magparaya para matupad itong lahat. 

Pagkabukas namin ng pinto ay una naming nabungaran sina Krypton, Joseph at Ellaine na may pag-aalala sa mga mata. Lumapit silang tatlo sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Hindi ko tuloy mapigilang umiyak dahil napalapit na rin sa akin ang tatlong ito kahit sa maikling panahon man.

“I guess you overheard our conversation…”

“Ciel…why did you come up with that pathetic solution? There’s another way para malagpasan ang issue na ‘to.” sabi ni Krypton na siyang sinang-ayunan ng dalawa. Umiling ako rito bago sumagot.

“Yes, there’s another way to solve this problem but this is the best way. Ngayon pa lang, nagpapasalamat ako sa inyo because you gave meaning my college life. I experienced new things na hindi ko pa nasusubukan. Habang buhay kong tatanawin ang utang na loob dahil malaking bagay ang naidulot niyo sa buhay ko. Thank you guys, I will miss this bond.”

“Shet Ciel, nagpapaalam ka na ba?!”

“Parang ganoon na nga, Joseph. After this educational trip, maaaring hindi niyo na ako makita inside  the campus. Hinahanda ko lang ang sarili ko ngayon kasi kahit ako nasasaktan din sa mga nangyayari.”

“Kung hindi lang dahil sa lalaking ‘yon, wala na sanang nangyayaring ganito. Kung ako lang ang sumuntok ‘don kanina, baka wasak na ang bungo ‘non! Nasusuka raw siya dahil may namamagitan sa inyo ni Sebastian eh siya nga ‘tong may balak na masama sa’yo. Mabuti na lang na-dudpend siya for four months kaya homeschooling na lang ang ulupong. Siya dapat ang ma-expelled, hindi ikaw!” hirit na sabi ni Joseph na nagpagaan ng loob ko. 

Naagaw ang atensyon naming lahat nang umalis si Sebastian at muling pumasok sa loob ng opisina. Napayuko na lang ako dahil alam ko ang nararamdaman niya. Alam kong galit siya sa akin ngayon dahil sa naging desisyon ko. Pero ayos na rin ‘yon, at least may maganda naman itong pinatunguhan at maaayos ang gulong nagusot.

“Pabayaan na muna natin si Sebastian. Mahirap din ito para sa kanya lalo na’t ngayon lang namunga ang pinaghirapan niyang pagpapansin kay Ciel. Masaklap nga lang ang naging dating kasi kailangang may mamaalam.” banggit ni Ellaine sabay hagod ng aking llikod. Muli akong ngumiti ng mapait bago muling tiningnan ang pinto kung saan pumasok si Sebastian.

-

Two days passed at ngayon ay nakalipat na ako sa Revlon College. Ang family driver namin na si Mang Gaston ang kumuha ng aking gamit sa dorm area ng Lauren High kaya hindi na ako nakapagpaalam nang maayos kina Sebastian. Nagtaka sina mommy and daddy kung bakit ako lumipat ng ibang university sa kalagitnaan ng semester pero ang sinabi ko na lang ay ginawa akong exchange student dahil pumayag ‘ika’ ako na pumalit sa scholar na gustong pumasok sa Lauren High. Mabuti na lang ay hindi na inusisa pa ng mga magulang ko ang tungkol dito bagkus sinuportahan na lang nila ako sa paglipat.

Kasalukuyan kong binabagtas ang bagong paaralan na aking papasukan. Nakakapanibago ang lahat dahil bagong-bago sa aking mga mata ang nakikita. Natunton ko ang aking magiging classroom at pinapasok na ako ng propesor ‘di kalaunan. Nagpakilala ako sa kanilang lahat bago umupo sa bakanteng upuan.

Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang magsiiritan ang mga babae. Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil abala ako sa pagsusulat ng notes.

“Another transfer student? Shet, ang gwapo niya! Omaygash girl, papalapit na siya rito!” rinig kong banggit na sabi ng babae sa aking unahan.

Naramdaman ko ang pag-upo nito sa aking tabihan pero hindi ko pa rin nakuhang tingnan ito. Pinakiramdaman ko ang paligid at tila may naamoy akong pamilyar na pabango. Sinundan ito ng aking ilong pero bigla itong nawala sa aking isipan nang bumagsak ang aking ballpen. Aabutin ko na sana ito pero may isang kamay ang pumulot nito at ibinalik sa aking lamesa.

“Thank you—

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Fuck! Anong ginagawa mo rito Sebastian?!”

To be continued...

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now