Chapter eleven: The other side

151 13 1
                                    


“Maraming salamat po.” sabay naming sabi ni Sebastian sa pulis na nagroronda. Nagkatinginan kaming dalawa bago nagsimulang maglakad.

“Wala ka man lang sasabihin sa’kin?” tanong ko rito sa gitna ng paglalakad. Nag-alangan pa siya kung sasagutin niya ito o hindi.

“Ang galing mong umarte.”

“Kailangan kong mag-pretend na nahimatay para matakot sila. Pero hindi eh, alam kong may gusto ka pang sabihin sa’kin ngayon.” Pagpipiga ko sa kanya para marinig ang gusto kong lumabas sa bibig niya.

“Don’t do pointless things from now on. Don’t meddle with someone else business para hindi ka madamay sa gulo.”

“But…okay, I got your point. Pero, sino ‘yung mga lalaki kanina? Ano raw ‘yung sikreto na ikakalat nila tungkol sa’yo?”

“We were friends in middle school. About that secret thingy, it’s nothing.”

“Ah, I see.” tumango na lang ako sa kanya at hindi na inusisa pa ang mga kaganapan kanina. Ayokong masyadong manghimasok sa buhay niya lalo na’t risky pa ang relasyon namin.

“But isn't it exhausting to draw a line against people? Kasi sa’kin oo”

“What? A line?”

“I was similar to you—ay hindi, I was worse. Sinabi ko dati sa sarili ko na hindi ko kailangan ng kaibigan, and I drew a line. Pinanghawakan ko ang pangakong ‘yon to the point na hindi ko kinakausap ang mga taong nakapaligid sa’kin. But, I suddenly thought it would be nice to have friends. My parents motivated me to take the first step na makipagkaibigan and I was thankful to Sir Domingo dahil siya ang naging stepping stone ko para mangyari ‘yon. That’s why I join the student council.” Mahaba kong kuwento sa kanya at nakita kong nakikinig naman siya. 

“I’d really like it if you didn't hate me. I could be a better person than you think I am, and you could be a better person than I think you are. Sinabi sa akin ni Krypton na mabait ka raw na tao.” Ngumiti ako sa kanya nang banggitin iyon. Napatigil siya sa sinabi ko at kinuha ko itong pagkakataon para tuluyan nang tuldukan ang awkwardness sa aming dalawa.

“Krypton says everyone is a good person.” Tanging sagot lang nito sa akin.

“Pero sabi mo sa’kin noon sa banyo na nakakainis ako and always get on your nerves. Do I still get on your nerves? Let’s say at this time, niligtas kita sa sinasabi mong mga kaibigan.”

Huminga siya nang malalim bago ibinaling sa akin ang tingin. “I really don’t like you.” Sabi niya at nauna nang maglakad.

“Tss, tingnan mo ang lalaking ‘to, siya na nga ang tinulungan pero hindi man lang nakuhang magpasalamat.” mabilis ko siyang hinabol at sumabay sa paglalakad.

Nakarating kami sa dorm base area sa saktong oras. Inilista namin ang pangalan sa attendance record bago pumanhik sa kaniya-kaniyang room. Kinapa ko ang aking bulsa at halos takasan ako ng bait dahil wala akong makapang susi. Hinalughog ko ang aking bag para doon tingnan but unfortunately, wala rin doon. Atsaka ko lang naalala na naiwan ko sa locker ng head office ‘yung susi dahil naglinis kami kanina. Napasapo ako sa aking noo at dali-daling bumaba sa landlady sa reception area. 

Tinanong ko rito kung may spare key ang aking silid pero nasa ka-doormmate ko raw ito na kasalukuyang nasa ibang lugar para maghanda sa football match. 

“Paano na ‘ko nito?” problemado kong banggit at nag-iisip kung saan matutulog. Alangan namang kunin ko sa head office ‘yung susi, eh paniguradong naka-lock na iyon. Atsaka kung babalakin ko mang gawin ‘yon, wala na akong maaabutang bukas na dormitory dahil sarado na ito pagkabalik ko. 

“Shems, wala na akong choice.” umakyat ako sa taas at pinuntahan ang isang room na matatakbuhan ko sa mga oras na ito. Kumatok ako ng tatlong beses at kagat-labing naghihintay para pagbuksan ako. Kakatukin ko ulit sana pero nagbunyi ang aking isipan nang buksan niya ito.

“What do you need?” Matamlay niyang tanong habang nakahawak ang kaniyang kamay sa pintuan.

Siomai! Ang hot ni Sebastian sa puwestong ‘yon! Idagdag mo pa ang messy hair na tinernohan ng sando at boxer shorts. Napalunok ako sa bandang gitna ng kaniyang katawan dahil gusto yatang kumustahin ako. 

“Done scanning my body?”

Napailing ako sa malaswa kong iniisip kaya napatampal ako sa sarili kong mukha. Remember Ciel, matutulugan ang kailangan mo, hindi kamunduhan!

“A-ah Sebastian, may request sana ako sa’yo. Kailangan na kailangan ko lang kasi.” Nahihiya kong tanong dito at tinatago ang namumula nang mukha.

“What is it?”

“P-puwede ba akong makitulog sa room mo? Naiwan ko kasi ‘yung susi sa locker tapos nasa doormmate ko ‘yung spare key. Wala na akong mahingan ng tulong except from you. Sana, m-matulungan mo ‘ko.”

Hindi siya sumagot bagkus naglakad lang ito papasok sa loob. Pinanghinaan na ako ng loob dahil ligwak ang paghingi ko ng tulong. Akala ko pa naman, patutuluyin ako ni Sebastian—

“Ano pang ginagawa mo sa labas? Get inside now.”

Napaangat ako ng mukha at rumehistro ang hindi makapaniwalang mukha.

Totoo ba 'to? Ang isang Sebastian na mahilig umayaw ay pumayag na makitulog ako? Ano kayang nakain ng lalaking 'to?

Imbes na mag-isip pa ng kung ano-ano, pumasok na ako ‘di kalaunan at may sinseridad na nagpasalamat sa kaniya. Mabuti na lang, football player din ang kasama niya kaya mag-isa lang din siya sa silid. 

Naglatag siya ng comforter sa ibaba ng kama niya at naglagay ng sapin, unan at kumot. 

“D-diyan ako matutulog?”

“Alangan namang ako. Nakakahiya naman sa’yo.” masungit nitong tugon sabay higa sa kaniyang kama.

Oo nga naman. Alangan namang ako ang matulog sa kama niya tas siya ang nasa ibaba. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganoon ang set-up. Nagbanyo ako saglit para magpalit ng damit at muli kong pinasalamatan si Sebastian dahil pinahiram niya sa akin ang damit niya. Duster na nga kung maituturing dahil sa laki nito at nagmistulang shorts na ang boxer shorts na suot ko.

Parehas kaming nakahiga at nakatingin sa bubong. Kanina pa niya pinatay ang lamp shade sa bed side table at sinabing matutulog na raw siya.

“Sebastian.”

“What?”

“Can you…can you at least try to like me?” tanong ko rito habang pinipigilan ang antok. Napapapikit na rin ako sa pagkakataong ito pero mukhang magiging maganda ang gising ko sa narinig. Mahina man ito ngunit naging dahilan ito para matulog ako nang nakangiti.

“I already do.”

_

Shheeetttt!!! Kinikilig akooooo!!!! Pahingi ng inhaler, hindi ako makahinga!

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now