Chapter six: It's a no

178 17 1
                                    


"No. Hindi ako papayag."

Ang tutol na pagkakasaad ng walang iba kundi si Sebastian na pinaglihi sa sama ng loob. Ay hindi, pinaglihi na pala kay Hudas dahil ang sama-sama niya!

Pinagdedebatehan ngayon ng buong miyembro ng student council kung pwede ba raw akong makapasok dito. Kanina lang ay nagsidatingan sina Krypton, ang president, si Joseph, ang scouted member, pati ang ilan sa may mataas na ranggo.

Ipinaalam muna sa mga miyembro ni Sir Domingo ang pag-aapply ko sa student council na siyang sinang-ayunan ng lahat. Una pa ngang sumagot si Krypton na magandang sumali ako para raw may dumagdag sa tutulong kapag may gaganaping event.

Ayos na sana ang lahat at nagbubunyi na ang puso ko kaso nang huling tanungin si Sebastian, halos lahat ay napabuntong hininga na tila alam na nila kung ano ang isasagot nito.

"Ayyt! Sinasabi ko na nga ba! Alam mo Sebastian, kahit kailan talaga, napaka-KJ mo! Ayaw mo 'nun, may bago tayong member sa student council. Nakakapagod kaya 'yung lagi na lang tayo 'yung inuutusan!" Asik ni Joseph sabay nag-peace sign kay Sir Domingo nang mabanggit niya ang huling kataga.

"Basta ayoko. Hindi ko na dapat ipaliwanag pa." Salita nito na akala mo'y siya ang batas.

"Bakit ba ayaw mong isali si Ciel sa student council?" Tanong naman ni Krypton.

"Basta, ayoko!"

Kung pwede nga lang mangmura ng tao, ginawa ko na. Pero sa pagkakaalam ko, hindi ko kayang gawin iyon dahil tiklop na talaga ang dila ko sa mga nangyayari.

"Hindi naman pwedeng ganon, Sebastian. Pag-isipan mong mabuti bago ka magsabi ng hatol mo."

"Can't you see? Pinag-isipan ko rin nang mabuti 'yung desisyon ko. If I were know, tapos na ang election kaya wala nang dahilan para magdagdag pa tayo ng isang member."

"Ah, tungkol pala diyan, alam kong hirap na rin kayo in the past years sa pag-aasikaso sa mga event dito sa Lauren High kaya maganda itong pagkakataon para magdagdag tayo ng member, right?" Singit ni Sir Domingo na ikinatango naman ng lahat.

"Oo, tama si Sir Domingo kaya pumayag ka na Sebastian. Wala namang mawawala sa'tin eh!" Pangungumbinsi ni Joseph pero matigas talaga ang apog nitong si Sebastian at ayaw pa ring magpaawat.

Sa huli, hindi ako tinanggap na maging parte ng student council dahil kailangan daw ay lahat umapruba sa pagpasok ko.

Nagitla ako nang akbayan ako ni Joseph at ililibre na lang daw niya ako ng ice cream. Pampaluwag daw ng loob.

Pero hindi.

Ngayon ko lang naramdaman 'yung galit at ngitngit sa kaloob-looban ko. Para bang nagising 'yung another side ko dahil sa ugaling ipinapakita ng Sebastian na 'yan sa'kin.

Kung ang pagiging student council lang ang paraan para ma-overcome ang pagiging introvert ko, pwes hindi ko siya hahayaan na mahadlangan para mangyari iyon.

"Bakit ayaw mo?"

Tumahimik ang lahat nang magsalita ako. Hindi ko na rin alam kung ano ang pumapasok sa isipan ko pero kailangan kong malaman kung bakit sobra ang pagtutol niya.

"What?"

"Ang sabi ko, bakit ayaw mo 'kong maging parte ng student council?"

"Hindi ka ba nakikinig? Tapos na 'yung election kaya wala nang slot ang natitira sa'yo."

"Pero sa pagkakaalam ko, sinabi rin ni Sir Domingo kanina na ayos lang na magdagdag ng member ngayong school year. Hindi ka rin nakikinig."

Kung isa lang itong anime action movie, siguro may naglalabasan nang kuryente sa aming mga mata. Kung makatingin sa akin si Sebastian ay parang sinusunog na ang kaluluwa ko sa isipan niya.

"Hindi na kailangan. Atsaka, ayos na kami kahit wala ka. Hindi namin kailangan ang tulong mo!"

Ilang segundo at katahimikan ang namayani.

Medyo nasaktan din ako sa sinabi niya. It was below the belt knowing the fact na hindi pa niya ako kilala at hindi pa nila nakikita ang kaya kong i-offer.

Napapikit ako at humugot nang hininga para makayanan ang nangyayari ngayon. Wala akong choice kundi tanggapin na lang na hindi talaga para sa akin ang student council kung mayroong isang tao na makitid pa sa bundok ang utak para makaunawa.

"Sige, hindi na ako sasali."

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Sebastian na tila nagagalak sa narinig.

Lumapit ako sa kaniya at may kalakasang hinampas ang kamay sa lamesang kaharap niya. Nagitla siya sa ginawa ko at binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang taong katulad mo. Ang ayoko sa lahat, 'yung kagaya mong hindi makaunawa. Kung ayaw mo sa'kin, diretsuhin mo. Kasi kung ako ang tatanungin, hindi rin kita gusto!" Huling sambit ko bago ako lumabas ng head office.

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now