Chapter four: The offer

228 21 3
                                    

Guys, first of all, I was dedicated na gumawa ng chapter na 'to kasi goodness gracious, ang tataas ng grades na nakuha ko sa 1st sem!!! Huhuhu😭🙏 By the way, enjoy reading guys! Mema lang, pagpasensyahan niyo na😅

_

Ciel's POV

Time na ng recess at halos lahat ng mga estudyante ay sa isang gawi lang pumupunta---sa cafeteria. Nahihiya mang wala akong kasama o 'ni isang kakilala ay sumunod na rin ako sa pagpasok. Mahaba-habang pila ang aking nadatnan pero mabilis itong naresolba dahil nag-offer ang mga crew na sila na mismo ang kukuha ng kanilang gustong kainin. At dahil hindi na siksikan, mas pinili kong ako na mismo ang umorder ng pagkain sa counter. It takes less than five minutes bago ko ito makuha at umupo sa isang vacant seat, malayo sa mga nagke-kwentuhang estudyante.

Hindi ko makuhang maisubo ang nasa harapan ko dahil pinagmamasdan ko ang paligid. Biglang nag-flash sa aking isipan 'yung mga sinabi sa akin ni mommy na makihalubilo sa iba.

Pero paano?

Iniisip ko pa lang na hindi nila ako kikibuin sa oras na lumapit ako sa kanila ay parang ikamamatay ko na. Kaya naman, nag-conclude na ako na kung ayaw nila akong kaibiganin, then the feeling is mutual.

"Excuse me..."

Napatingin ako sa lalaking nakatayo ngayon sa aking gilid. Tumikhim muna ako bago siya sagutin.

"A-ano 'yun?" mahina kong sabi.

"Walang nakaupo rito?" turo niya sa katabi kong upuan.

Napangiti ako sa tanong niya. Mukhang ito na ang pagkakataon para makipagkaibigan sa iba.

"Wala." medyo lumakas kong banggit dahil nabuhayan ako ng dugo.

"Ayon, ayos! Pwedeng mahiram? Kulang kasi 'yung upuan namin 'don."

Ang kanina kong masayang mukha ay biglang bumagsak at bumalik sa neutral na ekspresyon. Sinundan ko ang tingin niya at doon ko nakita ang mga nagkukumpulang kasamahan niya. Ang ilan pa sa mga ito ay nakatingin sa amin.

"Oo. P-pwede---"

"Salamat, bro. Enjoy your lunch." sabi naman nito at nagmadaling pumunta sa kanilang pwesto.

In my 18 years of existence, this is the first time that I experienced false hope. I never imagine na ganito pala sa feeling na umasa sa isang bagay pero in the end, you and yourself will let down because of your high hopes.

Siguro...hindi nga para sa akin ang magkaroon ng kaibigan. Tama nang nandiyan sina mommy, daddy at mga kasambahay para may makausap ako. I'm going to set boundaries and limit my comfort zone para hindi ko na muling maranasan ang nangyari kanina. I know it's a lame reason but no one can understand how I feel.

I'm a loner. An introvert.

I better stay in my safer place so that I can continue the things that I always do.

A bitter smile formed in my lips habang pinagmamasdan ang mga estudyante na masayang kumakain.

And again, may biglang pumasok na mga tanong sa aking isipan.

What if may kaibigan ako?

What if I have the courage to make friends?

What if I am not living as Ciel Phantomhive na isang introvert?

That's my what ifs. But I guess in my current situation, hindi ko mahahanap ang tamang kasagutan. It's obvious na lahat ng mga tanong ko ay kabaliktaran ng pagkatao ko. Kaya imbes na isipin 'yon, idinaan ko na lang sa kain ang mga agam-agam ko at hindi na pinansin ang paligid.

Balak ko sanang hindi na tapusin ang carbonarang kinakain pero I was shook nang may biglang umupo sa harap ng aking table. I thought hihiramin lang ulit ang upuan but this guy is now sitting in front of me.

"Can I sit here?" tanong nito pero nakaupo na siya. How vague.

"Of course naman po, Sir Domingo."

Sir Alvin Domingo is my homeroom teacher. I don't know what to say at this moment. Kinakabahan ako na baka kaya niya ako tinabihan is because may nilabag akong regulation or what. Everything na mai-involve ako sa isang bagay, I was being paranoid at kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko. I always jump into conclusions kaya siguro mas nag-improve ang lack of communication ko.

"Ikaw lang?"

"Pardon sir?"

"I mean, bakit mag-isa ka lang kumakain dito? It's the first day of school, you need to make friends and communicate with others."

Napayuko ako sa sinabi niya. I know what he is talking about and I was aware to do that but I cannot. Hindi ko alam sa sarili ko pero deep inside, ang hirap gawin na simple lang para sa iba.

"I'm okay, sir. I-i was comfortable of being myself so I don't bother to communicate with others."

Lies.

Dito ako magaling...ang magtago ng sikreto. It's very redundant, isn't? Ilang beses ko nang naririnig ang salitang 'magtago ka ng sikreto' but we all know that secrets are bound to keep to ourselves.

Hindi naman talaga ako dapat maapektuhan kung makakita man ako ng ibang tao na may kasama silang tinuturing na 'kaibigan'. Nakasanayan ko na 'yon mula elementary hanggang highschool pero when my mom explained to me that having a person by your side, you can feel a wonderful feeling. And it's new to me. Hindi ako expert sa pakikipagkapwa. I wouldn't try that kind of action pero mapilit talaga si mommy.

Regardless of that theory, hindi ko sinasabing ayoko talagang may makilala akong ibang tao at ituring na kaibagan. It's just... it's just nasanay na ako na mag-isa lang. Mag-isang kumain kapag recess, mag-isang gumawa ng project kahit it's a group activity, at mag-isa sa lahat ng bagay.

Isa pa sa nag-udyok sa akin na subukang makipagkaibigan ay dahil natamaan ako sa sinabi sa akin ng daddy ko. He said na hindi ko makakamit ang tunay na kaligayahan kung walang tao ang tutulong sa'yo once na nadapa at nalugmok ka sa kalungkutan.

Feeling ko nga ipinanganak lang ako para mag-aral at matulungan ang pamilya ko sa business. 'Yung pakiramdam na ipinagkait sa'yo 'yung pansariling interes at fun sa buhay dahil you're just an instrument to continue your family's legacy. Ito 'yung masaklap sa isang tao pero it's my reality.

Nawala ako sa aking iniisip nang iipod ni Sir Domingo ang maliit na plato na may lamang black beans.

"Black beans used to be my least favorite food. You wanna know why?"

"Bakit po?"

"Ayoko sa itsura niya. Simply as that. But do you know kung anong nagpabago sa akin para kainin 'to?" Muli niyang tanong.

"A-ano po?"

"Na-curious ako kung ano nga ba talaga ang lasa ng black beans. Then one day, sinubukan ko siyang kainin and eventually nalaman ko na kung gusto ko ba talaga siya o hindi."

"Ibig sabihin nagustuhan niyo po?"

Tumawa naman siya sabay umiling.

"No. Hindi ko siya nagustuhan. Alam mo Ciel, sa isang bagay, kailangan mong mag-take risk at subukan ang mga possible options. Kung laging naka-set ang isip natin na hindi natin ito kaya, hindi natin malalaman kung magugustuhan ba natin ito. Nakukuha mo ba ako?"

Tumango ako kahit masakit sa part ko 'yung sinabi niya, not in a negative way. Tulad ng sabi ko kanina, hindi ko kayang mag-risk.

"I know na nahihirapan ka when it comes to socializing kaya Ciel..."

"Y-yes po?"

"Gusto mo bang sumali sa student council?"

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon