Chapter two: Crossing lines

242 21 0
                                    

Ngayon ang unang araw ni Ciel bilang isang ganap na kolehiyo. Ginayak niya ang kaniyang sarili pababa para sabayan ang mga magulang sa pagkain ng umagahan.

“Good morning, Ciel. You look good in your uniform.” bungad ng kaniyang Mommy Trina at ipinagtimpla ito ng gatas tulad ng nakagawian.

“Good morning too, mom. Same as you dad.” mahinang banggit ni Ciel at tipid na ngumiti sa dalawa.

“Handa na ba ‘yung mga gamit mo?”

“Nalagay ko na po sa likod ng van. Ayos na po lahat.”

“Sorry anak, hindi ka namin maihahatid ng daddy mo sa university. Maaga kasi ang meeting namin ngayon.” Pag-aalala ni Trina kahit napag-usapan na nila ito kahapon.

“I totally understand, mom. Nandiyan naman si Mang Gaston para ihatid ako.”

“Salamat talaga anak. Alam naming magiging maayos ang pag-stay mo sa Lauren High dahil malawak ang pang-unawa mo. Isa pa, napakaresponsable mo at hindi ka mahirap pakiusapan. Paniguradong maraming estudyante ang gustong makipagkaibigan sa’yo.”

“Trina, huwag mo nga masyadong bine-baby ang anak natin. Malaki na si Ciel at alam na niya ang ginagawa niya. Basta anak, pag-igihin mo lang ang pag-aaral at huwag kaagad mag-boyfriend.”

Pinamulahan si Ciel sa sinabi ng kaniyang ama kaya ito’y nasamid sa kinakain. Kaagad namang nagsalin ng tubig si Trina at ito’y ipinainom sa anak.

“David!” saway ni Trina sa asawa.

“Bakit? Concern lang ako sa anak nating si Ciel. Hindi na ako magtataka kung pati mga lalaki ay mahumaling diyan. Kung bakit ba naman kasi sa’yo nagmana ang anak natin.”

Doon ay napagtanto ni Ciel kung bakit napaka-over protective ng kaniyang ama. Natatandaan pa nito noong high school pa siya ay may lalaking pumunta sa kanilang bahay at umaakyat daw ito ng ligaw. Nasaksihan niya kung paano ipinagtabuyan ng kaniyang Daddy David ang nasabing lalaki kahit anak pa ito ng isang mayor. Oo, anak ng mayor.

Sino ba naman kasing hindi mapapatingin at mahuhumaling sa kagandahang taglay ni Ciel? Makinis, maputi, slim body, limang talampakan ang laki, mapipilantik na pilik-mata at mapupulang labi. Kung lalagyan lang ito ng hinaharap ay baka pagkamalan na nga itong babae.

Bukod dito, kahit hindi man sabihin ni Ciel na isa siyang may pusong babae, alam at ramdam ng mga magulang nito ang totoo niyang pagkatao. Kung gumalaw kasi ito ay napakahinhin at makikita sa mata nito ang ningning kapag nakakakita ng koreano sa pinapanood niya. Kahit ganito ang orientation ng anak ay tinanggap nila ito nang buong puso at pagmamahal. 

“Anak, tawagan mo lang kami ng daddy mo if you need something or problem. Always take care of yourself, hah? Kumain ka rin nang tama at huwag lagi pag-aaral ang atupagin.” habilin ni Trina nang makasakay si Ciel sa kanilang family van. Tulad ng normal na sagot  ni Ciel, tango lang ang ibinigay nito.

“Atsaka anak, ‘yung pinag-usapan natin kahapon, try to be friends with others para mas ma-enjoy mo ang college life.”

“I-i’ll try my best, mom. Sige na po, baka mahuli rin kayo sa meeting niyo. Una na po kami.” Paalam ni Ciel at binigyan ng isang mahigpit na yakap ang ina. ‘Di kalaunan ay isinara na niya ang pinto ng sasakyan at umalis na sa bahay.

-

“Nandito na tayo, Master Ciel. Good luck po sa inyong pag-aaral!” sabi ni Mang Gaston na ikinatuwa naman ni Ciel. Halos lahat ng kasambahay at driver ng kanilanng pamilya ay close niya kaya sila ang kadalasang nakakausap nito. Kumaway si Ciel sa driver bago ito lumisan. Ngayon naman ay humarap siya sa malaking gusali at ipinikit ang mata. Nagdadasal na sana’y maging maayos ang pamamalagi niya. Nang matauhan, sumabay siya sa ilang estudyante sa pagpasok at hinanap ang magiging classroom. 

Nasa gitna ng pagbabasa si Ciel ng kaniyang school directory at class schedule. Habang naglalakad, hindi niya napansin na kumalas ang isa sa sintas ng kaniyang sapatos. Dahil wala itong malay, naapakan niya ito kaya nagresulta ng kaniyang pagkatumba. Napapikit siya pero ang ipinagtaka niya ay bakit wala itong naramdamang sakit. Sa halip, nakarinig siya ng isang ungol na tila nasaktan. Binuksan niya ang kaniyang mata at nagulat siya sa nakita!

Isang lalaki na nakahiga habang siya naman ay nakapatong dito.

“A-ahmm...Mister, I’m sorry---”

“Get out!”

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن