Chapter twelve: Omo! I'm embarrassed!

146 14 0
                                    


After that night, the awkwardness between me and Sebastian is officially ended. Two days passed at ngayon ay nakakausap ko na siya nang matino. I'm happier than ever dahil wala na akong kagalit, well paminsan-minsan nagsusungit sa’kin si Sebastian. Tinalo na niya talaga ang mga babae na akala mo araw-araw may period. Mas mabuti na rin iyon dahil naha-handle ko na siya at mabilis kaming nagkakaayos.

We’re now currently waiting inside the head council dahil may announcement na sasabihin si Sir Domingo. Habang wala pa siya, inilabas ko ang aking notebook sa bag at sinagutan ang assignment na nakalimutan kong tapusin kahapon. Kaya ito ako ngayon, gahol sa paghahabol ng oras. Kahit ba naging part ako ng student council, hindi ko pinapabayaan ang pag-aaral ko. Naka-focus pa rin ako sa acads kahit mahirap magbalanse ng oras at pagsabay-sabayin ang duty bilang estudyante.

“Ciel, anong ginagawa mo?” Inipod ni Krypton ang kanyang upuan sa aking tabihan sabay dungaw sa isinusulat ko.

“Ah, assignment lang sa isa kong subject. Hindi ko kasi natapos sagutan kahapon.” sagot ko rito habang nakatuon ang tingin sa isinusulat.

“Ah ganoon ba?” mas inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at nagbigay ng malaking ngiti. 

“K-krypton?”

"Let me help you. Ano bang subject 'yan?"

"P-principles of management. Pero okay lang—" hindi na niya ako hinayaang makatapos nang agawin niya ang notebook. Sandali siyang nag-isip bago sulatan ang mga blankong numero na walang sagot.

"Salamat." Tanging nasabi ko at unti-unting umarko ang ngiti sa aking bibig. Napatingin ako sa aking harap at laking gulat ko nang makita si Sebastian na nanlilisik na naman ang mga mata.  

Padabog niyang binuklat ang binabasang libro at halos mapunit na ang pahinang hinahawakan nito. Habang ginagawa ito ni Sebastian ay nakatitig lamang siya sa akin kaya halos mapatalon ako sa kinauupuan ko.

Jusko, ano na namang masamang espiritu ang sumanib sa lalaking 'to?

Mabuti na lang ay dumating si Sir Domingo kaya nakahinga ako nang maluwag. May isinulat ito sa whiteboard at nakangiting humarap sa amin. Ako naman ay hindi na nagbalak tumingin sa pwesto ni Sebastian at baka mahintakutan ako sa ikinikilos niya. 

"Lauren High's inventional trip?" itinigil ni Joseph ang paglalaro sa cellphone at binasa ang isinulat ni Sir Domingo.

"Bukas na siya gaganapin and I wanted each one of you to give assistance to all students in Lauren High. It's a three-day educational trip so we must inform everyone to pack their belongings. Is it clear?"

Tumango kaming lahat at sinunod ang ipinag-uutos ni Sir Domingo. Si Krypton ay pumuntang audio room para doon i-announce ang mangyayaring educational trip bukas. 

Para naman akong kiti-kiti sa kinalalagyan ko dahil first time kong maranasan ang bumiyahe kasama ang ibang tao. It's a new experience kaya mabilis akong pumunta sa dormitory para mag-impake ng mga gamit. 

_

"It's gonna be fun!" Sigaw ni Joseph sabay tanggal sa suot na shades. 

Nandito kami ngayon sa harap ng campus at ginagabayan ang ilang estudyante na pumasok sa bus. Nagsidatingan na rin sina Sir Domingo, Krypton at Sebastian na may dala-dalang kahon. Sumilip kami ni Joseph at tila kumislap ang aming mga mata nang makita ang mga pagkain sa loob nito.

"Okay guys, ayos na ba ang lahat?" tanong ni Sir Domingo habang lumilinga sa mga estudyanteng pumapasok sa sasakyan. 

Tumango lang kami rito at tinulungang magpasok ng mga kahon sa loob ng bus. Huli kaming pumasok bago umandar ang sasakyan. Dahil wala nang bakante sa unahan, saktong wala pang nakaupo sa dulo. Doon kami pumunta at inilagay ang bag sa itaas nito. Naunang umupo si Joseph sa tabi ng bintana habang pinaggigitnaan ako nina Krypton at Sebastian. I feel uneasiness lalo na’t kumikiskis ang balat ni Sebastian sa aking braso. Bumilis ang pagtibok ng aking puso nang may maramdaman akong bolta-boltaheng kuryente kapag nagdidikit ang aming balat. Napahawak ako sa aking dibdib at pinakiramdaman ang sarili.

Ito ba ‘yung sinasabi nilang spark?

Tss. Imposible.

Umipod ako nang kaunti sa tabihan ni Krypton na ngayo’y natutulog at patay-malisyang ginawa iyon. Nakatingin lang ako sa harapan at nagkunwaring doon lang nakatuon. Hindi naman nakatakas sa peripheral vision ko ang pagtingin sa aking gawi ni Sebastian. Napansin yata ang pasimpleng pag-iwas ko sa kanya. Hanggang sa may madaanan kaming lubak na lupa kaya nawalan ako ng balanse. Napahawak ako sa hita ng katabi ko na siyang ikinalaki ng aking mata.

“S-sorry.” nahihiya kong banggit sabay bawi ng kamay sa kanyang hita.

“Tsk! Pervert.” bulong nito na narinig ko naman. Hindi ko na pinatulan at baka magbulyawan pa kami nang wala sa oras. Pinalsak ko sa aking tenga ang earphones para makinig ng music. Pumikit ako at dinama ang kantang aking pinakikinggan. Unti-unting bumigat ang aking paghinga at tuluyan nang nakatulog sa biyahe.

Nagising ako sa bahagyang pagyugyog ng aking katawan habang tinatawag ang aking pangalan.

“Ciel, nandito na tayo. Gumising ka na, ang bigat mo!”

Kinusot ko ang aking mata at nakuha pang maghikab.

“Mamaya na mom, five more minutes. Kakain din po ako maya-maya.” matamlay kong sagot at muling inilingkis ang kamay sa kanina ko pang niyayakap.

“Argh! Ciel, wala ka sa bahay niyo, nasa bus tayo ngayon!”

Bigla akong napamulat at nagising sa aking kahibangan. Pinagmasdan ko ang aming pwesto at halos takasan na ako ng bait dahil sa kagagahang ginagawa ko.

Sinong matinong tao ang makakalimutan na nasa biyahe sila nang makatulog lang?

Nakayakap pa rin ako sa kanyang katawan habang nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Siomai! Kanina pa ba akong ganito?!

“Ano? Magtititigan lang ba tayo rito? Pwede mo na akong bitawan!” inis nitong banggit asa akin. Mabilis naman akong sumunod at sunod-sunod na lumunok ng laway. Kung may pagkakataon nga lang na bumuka ang lupa, kanina pa ako nagpakain dahil sa kahihiyan. Inayos ko ang aking sarili at muli siyang hinarap. Napansin ko na naman ang pagpula ng kanyang tenga na ngayo’y hinahawakan na niya.

“A-ah, nasaan na sila?”

“Kanina pang nakababa at pumunta nang venue.” maikli nitong turan sabay kuha ng sariling bag sa itaas.

“B-bakit hindi mo ‘ko ginising?”

“Ikaw pa talagang may ganang magreklamo? Ikaw nga ‘tong may pagkaagresibo at bigla-biglang yayakap! Nakuha mo pang tuluan ng laway ‘yung t-shirt ko!” galit niyang turan sabay pakita sa korteng pabilog na basa sa kanyang manggas. Napayuko ako at tinampal ang sarili sa kahihiyan.

“Sorry, naabala pa kita. Papalitan ko na lang bago ‘yung suot mo.”

“Hindi na bale. Sisingilin na lang kita sa ibang paraan. You’re willing to do it to save your face and reputation, right?”

“O-oo naman. Ano ba ‘yon?”

Inilapit niya lamang ang kanyang mukha sa aking tenga at ako’y binulungan.

“Basta. Mamaya mo malalaman.” nauna na siyang bumaba sa bus habang iniwan akong nakatunganga.

What’s happening to me?

LHS #2: Life as a Student Council [COMPLETED✓]Where stories live. Discover now