Lahat sila naka-uniporme, mukhang papasok na sila sa eskwela. Edi goodluck nalang sakanila. Hindi sana sila gumawa nang anumang gulo roon. Pero mukhang malabo mangyari iyon dahil sa mga itsura pa lamang ng mga ito.


Teka muna! Kung papasok sila sa eskwela hindi ba dapat ay kulay itim ang kanilang buhok!? Bawal sa school na may kulay ang buhok!



Sina Eleazar,Eros, Efraim at Efrain ay may kulay ang kanilang buhok dahil sa kanilang lahi na nakuha sa magulang.



Si Eleazar ay may kulay na natural na pulang buhok na nakuha sakaniyang ina na si Eleanor gaya din sa mga anak ni Rion na kaibigan ng ama namin. Si Eros naman ay may kulay platinum blonde na buhok na nakuha naman din sakaniyang ina. Gayon din sa magkambal na kulay kayumanggi ang buhok na nakuha sakanilang ina. Sa mga hindi ko nabanggit ay syempre kulay itim ang kanilang buhok gaya ng sa aming ama.



Nagawan ba ni Erden ng paraan para mapapayag ang principal ng school na pwedeng may kulay ang buhok ng mga batang binanggit ko? O baka naman ay na sa rules na yun ng school na pwedeng may kulay ang buhok tutal private school naman ang papasukan nila. Siguro iyon nga.



"Baby Eri! I'm going to school now! I'm only 4 years old but I'm going to school from now on!" masayang aniya.



4 years old? Kung ganoon ay sa Nursery ka.



"Don't be sad if we're not by your side okay? We will be back soon as well." nakangiting ani naman Eren.



Hindi naman siguro kayo mangingibang-bansa hindi ba? Kakaiba yung tono ng pananalita mo Eren para bang mag-a-abroad ka para makapaghanap ng trabaho para may pangkain tayo hutek---charot.



"Haist! What's even more annoying is that I can still be with my twin in the same section. So annoying!" syempre si Efraim ito. Siya lang naman ang mahilig magreklamo.



"Who would be delighted to be with you?" may sarkasmong ani Efrain na lihim kong ikinatawa. Walang-hiyang magkapatid na ito. Hindi pala magkasundo.



"What did you say!?" inis na usal ni Efraim.



"Enough!" saway ni Emir kaya hindi na muling umimik pa si Efraim. "We'll go home later at five o'clock in the afternoon. Don't worry, I'll bring you lots of sweets." seryoso ang mukha na wika ni Emir na deretsong nakatingin sa akin.



Ugh! Ang sakit na ng ulo ko kakatingala ko sakanila. And for your information mah brader bawal ako kumain ng matatamis! Hutek.


"Is it okay for her to eat sweets? She has only one tooth." usal naman ni Eros.



"Hmm." nanatiling na sa akin parin ang atensiyon ni Emir habang nag-iisip ito ng sasabihin. "All right, I'll just bring you some bread. How about cupcakes?"



Gusto kong tampalin ang mukha ko dahil sa walang kaalaman ng mga batang ito sa mga sanggol. Kahit gusto kong kumain ng matatamis at ng tinapay ay bawal parin ako sa mga pagkain na iyon dahil sa edad ng katawang-sanggol ko.



"She is still unable to eat those foods. What she should be able to eat is similar to baby food, such as Cerelac, which I watched in a tv commercial." wika ni Efrain.



"Oohh!" manghang sambit ng pitong bata.



"What is cerelac again?" ani Ermin.



Hutek, gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader.



"Tsk!" biglang singhal ni Eleazar kaya napatingin ako sakaniya.



Nanlaki ang mga mata niya nang tingnan ko siya.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedWhere stories live. Discover now