CHAPTER 9

10.5K 523 26
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 9

Escape
---------------------------
--------------------------------------

HINDI ko akalain na nakatulog ako ng napakahabang oras. Biruin niyo naman, alas singko ng hapon ako nakatulog kahapon tapos paggising ko ala una na ng madaling araw. Sobra akong na shocked! Mabuti nalang ay nakita kong nasa kwarto ko pa si Prescia na nakaupo at nagbabasa ng libro sa tabi ng kuna ko. Madaling araw na at gising pa siya ng ganoong oras. Ibang klase.

Kaya ayun napuyat ko siya at walang tulog sa kababantay sa akin si Prescia.

Nang mag aala-sais na ng umaga ay kinarga na ako ni Prescia para paliguan ako.

Syempre pupunta na naman ulit ako kay Kieran. Gusto ko ulit tuloy maglaro ng fruit ninja, nakakamiss naman yung cellphone ko. Ayan din kasi nilalaro ko sa tablet kasama ang bunso kong kapatid noong nabubuhay pa ako.

Matapos maligo at bihisan ni Prescia ay lumabas na kami ng kwarto para pumunta na sa dining hall. Kumakain na sila nang makarating kami, agad akong nginitian ni Kieran nang makita niya ako, ganun din si Rion pati ang mga anak niya.

“Baby! Come here!” Ani Kieran habang nakalahad ang dalawa nitong braso na gustung-gusto akong buhatin nang makatayo ito.

Ibinigay ako ni Prescia kay Kieran, maingat naman ang pagkakarga sa akin ni Kieran pero nang makaupo ito ay kinandong niya ako sa mga hita niya.

“Are you hungry baby?” Malambing na sabi ni Kieran.

“She just finished drinking her milk, Lord Valdovino. She woke up early in the morning “ Ani Prescia na nakababa ang tingin.

“Oh? Is that so?”-Kieran.

“Give the child to Prescia first so you can eat, Ran. “ Ani Rion habang kumakain.

“No!” Pagtanggi ni Kieran at sinamaan ng tingin si Rion. Napailing na lamang si Rion sa tinuran ng kaibigan at pinagpatuloy ang pagkain.

Nagsimula na ding kumain si Kieran habang karga-karga ako. Hindi ba siya nahihirapang kumakain? Hindi siya makakain ng maayos. Para talaga itong timang.

Habang nakatingala ako kay Kieran na kumakain ay napapaisip ako kung paano siya natutong managalog at sanay na sanay din itong manalita ng lengguwaheng pinanggalingan ko. Kung titingnan mo si Kieran ay makikita mo talagang isa siyang foreigner, hindi ko nga lang alam kung anong lahi niya. Ang mata nito ay kulay blue? Green? Ewan blue na green ang mga mata niya. Sa pagkakaalam ko dati noong nabubuhay ako ang tawag sa ganyang mata ay Dream eyes? Ewan!

Mukha namang matino si Kieran kung titingnan pero kapag nakita mo ang pag uugali nito, masa-shocked ka na lang. Like what the hell? May saltik ba ito?

“Mmm? Baby? You keep staring at me, do you want my hotdog?” Anito na nakapagpagising sa diwa ko. Pinapakita niya sa akin ang hotdog na nakatusok sa tinidor nito.

Napangiwi ako sa sinabi niya.

“Iiiwww.” Sabi ko.

“What? You don’t like it?” Malungkot na sabi ni Kieran.

Oo, hindi masarap kaya huwag na lang.

Iniwas ko ang tingin sakanya at iniba ang tingin. Napadpad kay Kei ang tingin ko na nakatingin na rin pala sa akin.

Bigla akong nailang ng matiim niya akong tinitigan. Bakit ba niya ko tinititigan?

“Uncle Kieran, can we borrow Eri from you? We just want to play with her for a while.” tanong ni Ermin na kumuha ng atensiyon ni Kieran.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedWhere stories live. Discover now