CHAPTER 6

11.4K 522 74
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 6

Unexpected Visitors
---------------------------
--------------------------------------

NARITO na naman ako ngayon sa study room ng demonyo kong ama. Akala ko papaupuin niya ako sa stroller at gagawin na niya ang mga naiwang trabaho, pero hindi. Bagkus ay nakakandong ako sa mga hita niya at nakaupo naman siya sa sofa.

Sampung minuto na kaming ganito nang makaalis na si Butler Forger at hindi parin siya nagsasalita, nanatili paring  matuwid ang postura nito at hindi gumagalaw. Patay na ba siya?

"You." Sambit ng demonyo kong ama. Ano ba yan akala ko patay ka na ba't nagsalita ka pa?

Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya tumingala ako para tingnan siya. Nakatingin din ito sa akin kaya bigla kong binaba ang tingin ko. Naiilang ako.

"I am going to Russia for a business trip. I don't know how long will I stay there. It may take a week or a month." wika nito.

Eh!? Ano naman sakin kung aalis ka? Mabuti nga yun eh. Happy safe trip nalang. Enjoy! Huwag ka nalang ring bumalik.

"Tonight." Sambit pa nito. Tiningala ko siya para tingnan. Nakatingin lang siya sa kung saan.

"I'm leaving tonight." Dagdag pa nito.

"S'il te plait ne m'oublie pas."

꧁THIRD PERSON's POV꧂

ABALA si Butler Forger sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin ni Erden sa trip niya papuntang Russia mamayang gabi. Pero di katulad ng ibang magbabakasyon, hindi mga damit ang iniimpake nito kundi mga baril. Iba't ibang uri ng mga baril.

Nalaman na ng isa sa mga espiya ni Erden kung nasaan ang hide out ng ibang miyembro ng 'Casted Shadows'. Ito ay isang organisasyon ng mga mamamatay tao o sabihin nalang nating mga assassin. Mahirap matunton ang mga ito sapagkat napakamaingat ng bawat galaw nila.
Ngayong nahanap na nila ang kuta ng mga ito, wala ng oras na sasayangin pa si Erden kaya kaagad na siyang naghanda sa pag atake na gagawin nila.

Habang abala si Forger sa pag aayos ng mga baril ay di niya maiwasan ang mangamba. Naalala niya ang mga sinabi ni Erden sakanya kaninang umaga.

"Tonight after I leave.... I'll send someone to kill that child. She can no longer stay here. She doesn't belong here. And even if she do, she's just going to be a burden."

Hindi maiwasang malungkot ni Forger lalo na't magaan na rin ang loob niya sa batang iyon. Nalulungkot siya at nangangamba rin sa mangyayari mamaya.

"Is this how you really want it to be, Lord Erden? Do you  want to kill her because she's just a burden...? Or you're just scared that the past will be repeated?"

"Why would I be? It's not like I care about that child. Killing her with my own hands or letting others kill her is just the same. The only difference is when will it happen. My past doesn't have anything to do with her."

Bumuntong hininga si Forger nang matapos na siya sa pag aayos ng mga dadalhin ng kanyang amo. Lalabas na sana siya ng mahagip ng mga mata niya ang isang larawan sa tabi ng kama ni Erden. Larawan ito ni Erden no'ng bata pa lamang siya kasama ang isang babae. Ito ang nakatatandang kapatid ni Erden.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon