CHAPTER 15

9.7K 456 48
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 15

New Name,
New Family,
&
New Life
---------------------------
--------------------------------------



"ITO DAPAT ang isuot ni Lady Crystal." usal ng babaeng katulong na may hawak-hawak na pink dress.

"Hindi iyan, masyadong pambata. Dapat itong bestida ang isuot niya." usal naman ng pangalawang katulong na may hawak-hawak na kulay dilaw na bestida na may malalaking laso (ribbon) sa harap at sa likod nito.

"Anong sinasabi mong masyadong pambata? Hindi ba't bata naman talaga si Lady Crystal?" taas-kilay na usal ng isa pang katulong na may hawak-hawak na kulay asul na bestidang may mga paru-parong disenyo.

Dalawang araw na ako dito sa mansiyon ni Jadeite at sa katunayan nagiging komportable na ako dito. Masaya at hindi boring di katulad ng ibang mansiyon na napuntahan ko. Ngayong araw ay nabalitaan namin na may darating na bisita rito kaya ngayon ay hindi magkaundagaga ang mga katulong na ito.

"Molly, Yolly at Tammy dalian niyo na! Naririto na ang magkakapatid na Orcus. Kailangan ay naroon na din si Lady Crystal!" dali-daling pagpasok ni Marinette sa kwarto.

Mabuti naman ay narito kana Marinette, kanina pa nagtatalo ang tatlong ito kung ano ang isusuot ko, pare-pareho namang baduy ang gustong ipasuot sa akin.

"Eto kasing si Molly puro pink na bestida gustong ipasuot sa bata, mas maganda itong asul." reklamo ni Tammy.

Sumasakit ulo ko sa kanila, tatlumpung minuto na silang ganyan, nagtatalo kung anong isusuot ko. Bakit hindi na lamang kayo ang magsuot ng mga iyan? Ang babaduy.

"Huwag na nga kayong magtalo! Mapapagalitan na naman tayo nito eh. O'sya yung bestidang kulay pula na iyon ang ipasuot sa bata para wala ng away." ani Marinette saka nagmadali naman ang tatlo na kunin ang kulay pulang bestida saka ipinasuot sa akin.

Matapos magbihis at ayusan ako ay kinarga na ako ni Marinette at saka kami bumaba at dumeretso sa sala, wala pa man kami sa sala ay dinig na namin ang mga boses na mukhang nagtatalo.

"You're insane! Why didn't you even tell us!?"

"Wow, just wow. Do you still consider us your brothers and sisters? You didn't even tell us that you had a child!?"

Pagpasok namin ni Marinette ay bumungad samin ang ilang taong nagsisigawan. Napahinto naman ang mga ito ng makita ako.

"Is that her?" ani lalaking singkit ang mga mata at kulay puti ang mahaba't tuwid nitong buhok hanggang likod.

Wait? Lalaki? Mahabang buhok?

"I think that's her, Kunzite." ani naman ng isang lalaking kulay kayumanggi ang kulot at mahabang buhok.

"So, Jadeite. Kaninong anak mo siya? Sa mga babae mo?" usal naman ng isang lalaki na kulay blonde ang naka-pony tail na kulot at mahabang buhok.

Langya! Blonde din ang kulot na buhok ni Jadeite pero maikli. Naaalala ko tuloy sa kanila yung pinanood kong anime na 'Sailor Moon' dahil sa mga pangalan at itsura nito. Huhulaan ko, yung kulay kayumanggi ang buhok, siya si Nephrite.

Ang galing ah, ang gaganda ng mga pangalan parang kinuha sa 'Sailor Moon' at sakto pang pangalan pa ng mga kalaban.

"Woah! Your daughter looks exactly the same with you, Jadeite. Totally the same except for the eyes. Is that silver? Blue? Silver-blue? What kind of color is that?" nakangiwing usal naman ng isang babae na kulay pink-violet ang mahaba at kulot nitong buhok na hanggang sa balakang. Huhulaan ko, siya si Beryl.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon