CHAPTER 31

7.2K 355 18
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 31

First Day
---------------------------
--------------------------------------



NARITO ako ngayon sa kuna ko at nakaupong nakasandal sa malambot na malaking unan na nasa likuran ko upang hindi ako mauntog o mawalan ng balanse. Kaaalis lamang ni Primera sa kuwarto ko para kunin ang naiwan kong laruan sa playroom.


Ang aga ba naman akong dinalaw ng magkambal at nina Eren at Ermin para makipaglaro. Alas nuebe kaninang umaga pumasok sila sa kuwarto ko para makipaglaro sakanila dahil hindi ko raw sila nakasama kahapon dahil busy kami ni Primera sa ibang bagay, gaya nang pag-e-exercise ko.

Isang araw pa lamang ang nakalipas ay sinimulan na namin ng bago kong katulong na si Primera na kapatid ni Prescia ang pag e-exercise ko, at ang pagtutong paglalakad para masanay ang katawan ko. Pero syempre hindi parin ako makapaniwala na susubukin kong matutong maglakad kahit napakahina pa ng katawan ko. Wala eh, paladesisyon ako.


Hindi rin ako makapaniwala na naiintindihan ako ni primera sa kahit na anong sinasabi ko. Kahit random words at nabubulol ako sa pagsasalita ay naiintindihan niya ang gusto kong sabihin sakaniya, hindi ko alam kung paano niya iyon nagagawa.Iniisip parin niyang isa akong genius imbes na kakaiba o wirdong bata na naengkanto. 


Isa rin sa hindi ko inaasahan na napapayag niya ang ama kong bumili ng walker para sa akin. Grabe nagbago na nga talaga nang tuluyan ang pakikitungo sa akin ng ama ko. Ngunit ang hindi parin nagbabago sakaniya ang pag-uugali at pakikitungo niya sa iba pa niyang mga anak at sa mga tao rito sa bahay. Well wala tayong magagawa, iba talaga takbo ng utak ng tatay ko, napakagulo.


"Aburuu!" 'How boring!' bagot na ani ko.

Hindi parin ako sanay sa maliit kong dila. Gusto ko na talagang makapagsalita nang maayos. Isa ito sa malaking problema na kinahaharap ko.

Ano kaya ang pwede kong gawin ngayon? Nakababagot dito sa kuwarto at kuna ko. Napapaligiran ako ng mga pambatang laruan na ayokong laruin dahil hindi naman ako bata.


Bata ang panlabas na anyo ko pero ang pag-iisip ko ay 22 years old na. Hayss. Sobrang bagot na ako dito.


Kaya lamang ako dinalaw ng mga kapatid ko para makipaglaro sa akin nang napakaaga dahil ngayon ang pasukan nila sa eskwela.



Tanghali ang pasukan nila at malapit na nga mag alas dose para pumasok.



Napaigtad ako sa pagkakaupo ko nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at iniluwa nito ang walong mga nakatatanda kong kapatid. Oo, WALO!



Anong ginagawa nilang lahat dito!?



"Baby Eriii!" sabik na ani Ermin na patakbong palapit sa kuna ko.



"Hey lil' sis!" bati ni Estevan na ikinangiwi ko. Hindi parin kita gusto. Hindi parin ako nakakamove-on sa ginawa mo sa akin noon!

"Letty!" bungad ni Efrain. Kahit mag kamukhang-magkamukha sila ni Efraim ay si Efrain lang ang nag-iisang tumatawag sa akin ng Letty na may mala-anghel at inosenteng mga ngiti.

"Hey puppy!" syempre si Efraim na ito. Siya lang naman ang nag-iisang tumatawag sa akin na 'puppy' dahil hayop ang tingin nito sa akin. Grabe lakas talaga ng amats ng batang ito.

"Cute lil' sis!" sabik na ani Eren na patakbo na lumapit din sa akin.


Sina Eleazar,Emir at Eros lamang hindi nagsalita at lumapit na rin sa kuna ko. Pinalilibutan ako ng mga nagguguwapuhang mga batang nilalang at may kinang sa mga mata nila na tiningnan ang aking kabuuan.

The Mafia's Illegitimate Child (Book 1) (Completed) Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon