" Kuya.....Gising " sabi nya sabay ng bahagyang pag-yugyug nya sa balikat ko.

" Hmmm,ano ba Ash?" tanong ko kay Ash.

" Kuya,Gising ka muna.Kain muna tayo nagugutom ako eh "

Tiningnan ko ang orasan at Alas-tres palang ng madaling araw.

Tinignan ko sya ng masama pero ang loko naka-tingin lang din sakin habang naka-puppy eyes at naka pout habang naka hawak sa tyan nya.

" What do you wantttttt???" I asked.

" Kain tayo"

" Ano ba gusto mo kainin?"

" Donut kuya "

Donut?!Eh wala naman kaming donut dito.Kailangan pa naming pumunta dyan sa may 7/11 para lang sa donut na yan,haysstt.

Pumunta kami sa 7/11 at doon kumain sya ng kumain.Mukang gutom talaga sya.Hindi pa sya nakuntento sa donut nya at kumuha pa sya ng pre-heated Food.

" Takaw talaga"

Mag-aalas-kwatro na nung matapos sya kumain pero di pa kami umalis dahil mag papatunaw daw muna sya.

Habang ineenjoy ko naman ang kape ko ay lumapit sya sakin at tumabi sa tabi ko habang nasa balikat ko ang ulo nya.

" Wag kang matutulog ha"

" Hmmm" tanging naisagot nya sakin sabay thumbs-up.

Maya-maya ay naka-tanggap ako ng text mula sa teacher ko na wala daw pasok lahat ng 4th year students.

" Tara na uwi na tayo 5 na oh.Sabi din pala ng teacher ko na wala daw pasok ang mga 4th year"

" Hmm ok"

Pagkauwi namin sa bahay ay natulog nalang ulit kami balik.

Nauna akong magising kaysa kay Ash.Halos sakop nya na nga ang buong higaan ko eh,ang likot kasi matulog.

Hindi na ako nag abala pang maligo at magpalit ng Pajama ko.Nag toothbrush lang ako at Bumaba na ako para sana magluto ng agahan namin.Kaya lang pag baba ko ay nagulat ako nang makita kong may mga naka-handa nang pagkain sa lamesa.Una kong naisip na baka si kuya Dark lang pero pag tingin ko sa bintana sa kusina namin ay wala naman ang kotse ni Kuya.

Kita kasi sa Bintana ng kusina ang garahe namin.

" Good morning anak " sabi ni mommy?

" Mom.....I miss you" sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya.

" I miss you more anak " sabi ni mommy.Ang tagal na ulit noong naka pag bonding kami nila mommy.Palagi kasi syang nasa Business trip nya.

" Mommy ikaw po ba ang nag luto ng mga ito?" tanong ko kay mommy.

" Oo naman.Tara kumain na muna tayo at tirhan nalang natin ang kapatid mo.Muka kayong mga kulang sa tulog eh."

Habang kumakain kami ay hindi ko maalis ang tingin ko kay mommy.Ang blooming nyang tignan.

" Hindi kasalanan ng kapatid mo ang pagkamatay ng lola nyo" sabi ni mommy.Nagulat naman ako sa sinabi nya.Mag tatanong pa nga lang sana ako pero sumagot na sya.

" P-po?" sabi ko sabay subo ng kanin at ham.Ang Sarap.

" Muntik nang masagasaan ang lola mo noon pero iniligtas sya ng kapatid mo pero ang lola mo eh imbis na lumayo at iligtas ang sarili ay bumalik sya kay Ash at niyakap ito kasabay nang pagbunggo sa kanila ng truck.Hindi kasalanan ng kapatid mo ang pagkamatay ng lola nyo anak....Dahil mas pinili nyang iligtas ang sarili nyang apo kaysa sa sarili nya"

" Noong mga panahon na wala ako sa tabi mo ay palagi ako noong nasa trabaho.Habang ang kapatid mo naman ay iniwan ko sa t-tito nya.Wala din ako sa tabi ng kapatid mo noon.Masyado akong nag focus sa trabaho ko noon.Kaya pasensya na anak ha.Kung palaging walang time si mommy para sa inyo....Promise babawi si mommy." sabi ni mommy sabay hawak sa isa kong kamay.

Parehas lang pala kami ng kapatid ko.Pero bat sya nautal noong banggitin nya si Tito?

" May Good news pala ako sa inyo anak" sabi ni mommy habang naka-ngiti.

" A-ano po yun mom?"

" Buhay sya anak.Hindi nya tayo iniwan."

>---------------------<
TBC

Please Vote,comment,and Follow
Love lots
🎆HAPPY NEW YEAR🎆

The Princess Of Section Luna Where stories live. Discover now