"Dapat i-update na rin natin ang wardrobe mo, Max. 'Di rin makagwapo sa 'yo suot mo, e!" dagdag pa ni Aljon na iiling-iling pa akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Mas bagay mo pa uniporme natin sa restaurant kaysa sa suot mo."

Umirap lang ako at hindi na nagkomento. Hindi ko planong mapansin ng kahit na sino kaya kontento na ako.

Saglit kaming ni-check ng security guard bago papasukin sa loob ng bar.

Jam-packed iyon gaya nang inaasahan. Kulang na lang ay walang madaanan sa dami ng mga tao.

"Guys!" Agad pang kumaway si Mutya nang makita ang iba naming kasama sa restaurant.

Kumaway pabalik ang mga iyon at itinuro ang mga bakanteng upuan.

Halos lumabas ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Ilang lalaki ang mga nakabangga ko at tinitigan pa ako, pero agad ding nag-iwas ng tingin ang mga iyon pagkakita pa lang sa porma at buhok ko.

Nakipagtalunan si Mutya sa iba pa naming kasama at ako naman ay naupo sa isang sulok kung saan hindi ako gaanong pansin.

Trumopa rin si Aljon sa ibang mga lalaki na noo'y abalang-abala sa pagmamasid sa mga babaeng nasa dance floor.

"Okay ka lang, girl?" tanong pa ni Mutya bago maupo sa aking tabi.

Tumango lang ako at tipid na ngumiti kahit na sa totoo lang ay mas gusto ko na ang umuwi.

"Relax ka lang diyan. Mas masaya mamaya kasi may mga guest na DJs na sobrang gugwapo!"

I roll my eyes. "Hindi ka mapapakain ng gwapo lang, Mutya."

"Ako naman ang kakain, so ayos lang!"

Pinaikot ko lang ulit ang aking mga mata. Alam kong bastos ang komento niyang iyon kaya mas pinili kong huwag na lang magsalita. Hangga't maari at iniiwasan ko ang bastos na usapan dahil hindi rin ako komportable sa ganoon.

Nang lumatag ang pagkain at alak sa table ay roon ko na lang muna itinuon ang aking atensyon. Hindi nga lang ako uminom ng alak dahil ayokong mahaluan ng alcohol ang sistema ko. Hindi sa lugar na ito.

Nagkanya-kanya nang punta sa gitna ang mga kasamahan ko sa restaurant at mga nagwala sa dance floor.

Naiwan akong nag-iisa sa table at kumakain ng pulutan. Hindi ko alam kung mas komportable ba akong nag-iisa or marami kasama sila. Gustuhin ko mang sumayaw ay parang hindi ko rin kaya. Hindi ko pa nasubukan kahit na kailan ang sumayaw. Pakiramdam ko ay nang-aakit ang dating niyon kung kaya hindi ko na sinubukan kahit na kailan.

Bahagyang nagkaroon ng komosyon nang pumasok ang ilang kalalakihan at maging ang mga babaeng nasa paligid ay di-magkamayaw.

At ganoon na lang din ang mangha ko nang mamukhaan ang mga iyon. Ang barkadahan nina Boss JT!

Naupo ako nang diretso at bahagyang yumuko upang ikubli ang aking mukha. Kahit pa hindi naman maliwanag sa loob, pakiramdam ko pa rin ay makikita ako.

Nang dumaan sila sa harap ko ay pasimple akong tumingin nang pailalim. Nakahinga ako nang maluwag nang matantong hindi naman nila ako nakita.

Wala ako sa sariling ngumiti nang makita si Boss JT na gwapong-gwapo sa suot nitong itim na long sleeves na nirolyo lang sa braso nito. Nakataas din ang buhok na kung titingnan ay parang basa pa. Sobrang fresh niyang tingnan at parang ang bango!

Pero agad din akong natigilan nang ma-realize ang ginagawa. Buong buhay ko, ngayon lang ako humanga sa lalaki dahil sa hitsura. At ito lang yata ang tiningnan ko nang ganoong katagal.

Kinagat ko ang aking labi at wala sa sariling pinanood pa ang bawat galaw nito. Kahit yata pag-inom ng alak ay sobrang lakas makagwapo!

"Hi, cutie. Want some company?"

Agad akong napaangat ng tingin sa nagsalita. Babae iyon na sobrang sexy ng suot at walang dudang maganda rin.

"Um, sure," napilitan kong sagot. Mas okay na babae na ang lumapit kaysa sa lalaki.

"Are you alone?" aniya sabay tabi sa akin.

"Nope. Nasa dance floor ang mga kasama ko"—sabay turo sa mga ito—"'yun, o."

"Ayaw mo bang sumayaw? I can teach you how," pa-cute pang aniya.

Nagkamot ako ng ulo at umiling-iling. "Parehas kaliwa ang paa ko. Sorry," sabi ko sabay ngiwi.

"I don't think that's a problem," nang-aakit pang aniya sabay haplos sa pisngi ko.

Ibig kong kilabutan.

"Sayang ang ganda mo...pero 'di bale, type ko rin naman ang mga gaya mo. I think you have a talented tongue," bulong pa niya na halos magpatayo ng mga balahibo ko sa balat.

Umaasta man akong lalaki ay hindi ko naman inisip kahit na kailan ang pumatol sa kapwa ko babae.

"I am taken. Sorry," palusot ko. Wala na akong maisip na puwede kong irason para lang lubayan niya ako.

"Sayang naman." Kunwari ay malungkot pa itong ngumuso. "Type pa naman kita."

"Ang ganda mo naman. Paniguradong nagkakandarapa rin ang mga lalaki sa 'yo," nahihiya ko pang sabi at wala sa sariling tumingin sa puwesto ni Boss JT na noo'y kunot ang noo habang parang minumukhaan ako.

Shit.

"Dito ka na lang muna at kuwentuhan mo ako," hirit ko pa sa babae na noo'y parang natuwa pa sa ginawa kong pag-akbay.

Para namang natuwa iyon sa ginawa ko.

"Tell me your name first," malambing pang aniya sabay haplos sa pisngi ko.

"M-Max... You are?"

"I'm Charity, but you can call me Cha for short."

"Nice name. Bagay sa 'yo."

"Talaga?" Kinikilig naman niyang sabi at hinampas pa ako sa balikat. "Bolera ka rin pala."

Ibig kong mangiwi sa sakit lalo pa nga't nabutuhan ako ng singsing niyang suot.

Nang muli akong tumingin sa direksyon ni Boss JT ay naabutan ko pa rin siyang nakatitig sa akin at parang nakaismid.

Muli akong nagkubli kay Charity na noo'y hinahaplos ulit ang aking pisngi.

"Nakaka-insecure ka naman, Max. Mas makinis pa yata ang mukha mo sa akin," aniya sabay hinaplos din ang pisngi nito. "Kung babae ka pa siguro baka pinagkaguluhan ka rin ng mga lalaki rito," dagdag pa niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa pisngi ko.

Hinawakan ko ang kamay nito at inawat sa ginagawa. Pakiramdam ko ay magagasgas na niya iyon sa sobrang himas.

"Nakakahiya...oily kasi," rason ko na lang.

Umismid lang siya at nakasimangot na umirap. "Buti na lang at lesbian ka. Kung hindi, maraming mai-insecure na mga babae rito."

Pinilit kong tumawa nang malakas kahit na nga parang hilaw ang dating niyon.

"Restroom lang ako, lover boy. Gusto mo bang sumama?"

Agad akong umiling.

"Wait for me, okay?"

Wala ako sa sariling tumango.

Mabilis itong tumango at agad nga'ng tinunton ang restroom na nasa kabilang bahagi.

Nang bumalik si Aljon sa table namin ay saglit muna akong nagpaalam na lalabas. Hindi naman na ito nagtanong lalo pa nga't naging abala na rin iyon sa bagong kakilalang babae.

Gusto ko na lang munang makalabas. Ang hirap mag-pretend na gusto kong makipaglandian sa kapwa ko babae.

Nang tuluyan akong makalabas sa bar at dumampi ang malamig na simoy ng hangin ay para akong naginhawahan.

Pinahaba ko ang aking leeg at naghanap ng puwestong walang gaanong mga tao.

Nang makakita ng puwesto sa ilalim ng puno na natatanglawan ng bahagyang liwanag ay doon ako naupo at nagmasid.

Tila walang tigil sa pagdating ang mga tao. Parang mas parami pa iyon habang mas lumalalim ang gabi. 

BABY, IT'S YOU (Baby You Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora