134

58 4 0
                                    

Archer's

Nandito na ako sa tapat ng pintuan ng condo ni Cyan. Tinawagan ko siya para tanungin yung code para buksan yung pinto.

Pagpasok ko ganon pa din naman yung itsura. Malinis pa din.

Nilapag ko muna sa coffee table yung dala kong med at pagkain bago ako lumapit sa kwarto niya.

"cyan, nandito na ako" kumatok ako.

Bumukas yung pinto at bumungad sa'kin si Cyan na balot na balot, may face mask pa! Tinaasan ko siya ng kilay dahil don.

"you're so extra, di ka ba nahihirapan sa itsura mo?" paano ba naman nakabalot siya ng makapal na kumot.

"baka mahawaan kita"

"hindi naman ako sakitin eh, tanggalin mo na yan" I said na agad naman niyang sinunod.

Naka sweater siya na navy blue, tinanggal niya na din yung face mask na suot.

Ang tamlay nga ng mukha niya.

"tara, i'll check your temperature. nakakain ka na ba?" tanong ko, umiling siya.

"wala akong gana"

Inalalayan ko siyang makaupo sa sofa atsaka ko inayos yung mga dala ko. Nakatingin lang siya sa'kin, ramdam ko kaya tumingin ako pabalik.

"wala ka bang ibang gagawin? ok lang naman ako" umiwas siya ng tingin sa'kin.

"wala. kung meron man, pwede ko dito gawin" chineck ko yung temperature niya at medyo mataas nga yung lagnat niya.

"nagdala akong lugaw. sabi ni zion ito daw ipakain ko sayo" ani ko, "wait sasalin ko lang para makain mo na"

Nilagay ko sa mangkok yung lugawna mainit pa, nagsalin ako ng tubig sa baso atsaka ko pinagsama sama sa tray lahat.

Pagbalik ko nakatayo siya at parang may hinahanap.

"upo ka lang ano bang hinahanap mo?"

"yung remote"

"ako na maghahanap, umupo ka na lalo kang mahihilo" he pouted at sumunod sa'kin.

Nilapag ko yung tray sa coffee table at hinanap yung remote, pagkatapos ay inabot ko sakanya.

"eat ka na habang mainit pa para makainom ka na din ng gamot"

Tumango siya na parang bata at nagsimulang kumain.

Pinapanood ko lang siya. Medyo nanginginig pa yung kamay.

Inabutan ko siya ng tissue, "so kalat naman kumain tsk" he chuckled.

"sorry naman master ang hirap eh"

Nilahad ko yung kamay ko.

"oh?" nagtataka siya.

"akin na tulungan na kita

"huh?"

"susubuan kita! aish ang slow"

__

The night in Baguio | sunsunWhere stories live. Discover now