58

83 2 0
                                    

Jeremiah's

"may pupuntahan ka ba after ng mass, anak?" mom asked.

"opo, nagaaya po kasi si leo sa condo niya"

"basta uuwi ka kaagad sa condo mo wag kang masyadong magpapagabi ha? tsaka yung pinto lagi mong ichecheck pag matutulog ka na" paalala niya.

Tumango at nakinig na ulit sa misa. Hindi naman ganon nagtagal dahil isang oras lang naman yun.

Pagkalabas namin ay ang daming tao kaya sinubukan kong hanapin si Archer. Nakita ko siya kanina kasama family niya.

Mukhang sinuswerte nga naman ako dahil nakita ko yung kapatid niya na katabi yung mom and dad niya, may kausap sila.

Asan yun?

Hindi na nila kasama si Archer. Baka umuwi na.

"mom, una na po ako. ingat kayo ni dad sa biyahe" humalik ako sa pisngi nito at yumakap naman ako kay dad.

Naisip ko muna na dumaan sa 7/11 para bumili ng snacks para kila Leo.

Habang namimili ng chips may natanaw akong pamilyar na likod, nakaupo ito at kumakain ng noodles.

Habang papalapit ako sakanya napansin ko ang paggalaw ng balikat niya.

Hindi na ako masyadong lumapit dahil dito palang sa pwesto ko rinig ko na mga hikbi niya.

The night in Baguio | sunsunWhere stories live. Discover now