27

85 7 0
                                    

Archer's

"sakit ng ulo ko. penge nga niyang kape mo, zeke, di mo manlang ako binilhan"

Tumawa ako sa itsura nilang dalawa. Tulala si Zeke habang sapo sapo naman ni Zion yung ulo niya. Mukha silang bangag in short.

"inom pa" sabi ko.

"uminom ka din naman ah!" Zeke said.

"tumigil yan nung kalagitnaan! madaya!" sabat ni Zion sakanya.

Tumigil lang naman ako sa paginom nung nakita kong pumasok sa club sina Jeremiah kasama yung tatlo niyang kaibigan.

Yayayain ko sana silang lumipat ng table kaso mga lasing na sila. Ganon din, nakita pa din nila kaming tatlo.

"kung magpapakalasing din ako baka sa kalsada na tayo pag gising natin"

"zeke kape!"

"tangina naman neto ni zion, oh!" inabot ni Zeke kay Zion yung kape niyang pinabili pa sa'kin sa sb.

"eto gamot, kawawa naman kayo" sabi ko. Binili ko yun kanina dahil alam kong ganito sasapitin nila.

"ayun, may pakinabang ka pala?"

"oo, zion. actually, kagabi pa ako may pakinabang sa buhay nyong dalawa kaya wag nyo akong pikunin"

Nagbabasa ako ngayon dahil baka magpa suprise quiz yung mga pabibo kong prof, maganda na yung handa.

"buti nakaya mong kasama si jeremiah sa kotse?" si Zeke.

"tsk may magagawa ba ako? anong oras na rin kesa naman di tayo makauwi"

"edi pinagalitan ka?" Zion asked.

"lagi naman"

"ayos din yung nanay mo noh? daig pa  kapitan ng barangay pati ikaw may curfew. 8 pm pa nga" sabi ni Zion na tinawanan ko lang.

May point naman siya.

"anong ginawa sayo?" binawi ni Zeke yung kape pagkatapos niyang magtanong.

"gaya nung dati. puro sa salita lang naman yun si mom, sanay na ako"

"pero hindi ibig sabihin na sanay ka na, 'di ka na nasasaktan" sabi ni Zeke na di ko sinagot.

"ampunin kita pag namisikal na yang nanay mo sayo" Zion said which makes me chuckled.

"gago eh yung lunch mo nga inaasa mo pa sa libre"

"kahit na! siyempre mahal kita" sinang ayunan siya ni Zeke.

"ayos lang ako wag kayong magalala"

The night in Baguio | sunsunWhere stories live. Discover now