29

82 4 0
                                    

Jeremiah's

"akin na yung mamon ko, gab"

Inabot ni Gab yung mamon niya kay Kai. Sabay sabay kaming pumasok ngayon, ewan ko sa trip nila.

"may kukunin lang ako kay zeke, samahan nyo ako" si Leo.

"nasa amin ba paa mo? ikaw nalang, pre" ani Kai.

"pagkatapos ilibre eh noh?"

"eto na!" tumayo kaagad si Kai at sumunod sakanya ganon din si Gab.

"huy, gabriel saan ka?" tanong ko. Kay Kai lang naman nagpapasama ata eh kaya na nilang dalawa yun.

"sasama? wag kang kj, tara na. sisilay tayo sa bebe mo"

"bebe ni jeremiah o bebe mo? ulol mo, gabriel kunwari nalang wala kaming alam" sabat ni Leo.

Wala na din akong nagawa kundi ang sumunod sakanilang puntahan sina Zeke. Habang papalapit kami sakanila tanaw ko na ang tumatawang si Archer samantalang yung dalawa at parang wala pa sa sarili.

"lakas ata ng tama ng alak sainyo ni zion ah?" sabi ni Leo nang makalapit.

Tiningala kami nung dalawa at di naman nakaligtas sa paningin ko ang irap ni Archer.

Laki din ng galit neto eh noh? Di ko naman inaano.

"tangina, pre legit ang sakit ng ulo ko tas inagawan pa ako ni zion ng kape" kwento ni Zeke.

"uy kape daw, gab" rinig kong bulong ni Kai sa kaibigan namin.

Sakto kasing di pa nababawasan ni Gab yung kapeng binili sakanya ni Leo sa sb.

"gago, nahihiya ako" bulong pabalik ni Gab.

"tange hindi yan promise" tinulak tulak siya ni Kai palapit sa harapan nila Archer.

Pero pilit na umaatras si Gab kaya naglikot pa sila don.

"bobo mo, pre wag ka na magpabebe bigay mo na" napalakas ata yung tulak ni Kai kay Gab dahil halos mangudngod na 'to sa lamesa.

At natapon niya yung kape sa mukha ni Archer.

Di ko na napigilang matawa.

Gago kasi sapul sa mukha ni Archer yung kape pati yung mga yelo, buti nga iced coffee eh. Yari si Gab pag nagkataong mainit yung kape.

"putek! ano ba?!" sigaw ni Archer at napatayo.

Agad namang lumapit sakanya si Zion at pinunasan yung mukha niyang basang basa sa kape.

Umabot na yung mantsa hanggang uniform niya kaya tumulong na si Gab na punasan siya.

Nagulat ako nang magdabog siya sa lamesa kaya napalayo sina Gab at Zion.

"please pwede namang wag maglikot diba?" huminahon yung boses niya.

"sorry" napayuko si Gab.

Pero hindi siya pinansin ni Archer.

"i'm sorry, archer.. di naman namin sinasadya, pasensiya na talaga" si Kai pero di pa din siya nakinig at patuloy na pinupunasan yung damit niya habang masama ang tingin.

"hindi ka talaga marunong tumanggap ng sorry noh?" nainis na ako.

"jeremiah, please wag ka na makisali" hinila ako ni Leo papunta sa likod niya.

Tiningnan ako ng masama ni Archee pero di ako natinag.

"ganon ba kahirap para sayo tumanggap ng paumanhin? ganyan ba ugali nyo? ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo?"

Dinampot niya yung cup niya sa lamesa at lumapit sa'kin. Pagkatapos ay tinapon niya sa ulo ko yung laman ng cup.

"wala kang alam sa kung paano ako pinalaki ng magulang ko at wala kang karapatan na igaya yung ugali ko sakanila, kaya manahimik ka"

__

medj hot archer nyo 😭 want ko ng bardagulan ajajcwmvkoe

The night in Baguio | sunsunWhere stories live. Discover now