84

69 3 0
                                    

Archer's

"anong plano mo? sasama ka pa ba sa birthday party ni zeke?" tanong ni Zion sa'kin kakatapos ko lang kausapin yung mga kagrupo ko.

"xylo? oo naman, kay dad ako nagpaalam" sagot ko, "and.."

"and?"

"dad offered me na mag condo na daw ako and walang nagawa si mom don sa desisyon niya" nagtatatalon si Zion at yumakap sa'kin.

Kala mo nanalo sa lotto amp so oa.

"i'm happy for you! at least diba mas makakahinga ka dahil di mo kasama sa bahay yung pinakamamahal mong mama" inirapan ko lang siya.

Pero sa linggo pa yun, bukas na yung birthday ni Zeke.

"tulungan kita sa pagaayos?" tinanguan ko lang si Zion.

"uy archer" sabay kaming lumingon ni Zion satumawag sa'kin. Parang kilala ko 'to?

"santos? varsity player sa volleyball?" si Zion.

Nakangiting tumango sa amin yung lalaki, "at your service po!" inabot niya sa' kin yung paper bag.

Pagtingin ko ng loob ay jollibee.

"galing kay gabriel ace po yan" he said tas nagpaalam na siya. Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Seryoso bang para sa akin 'to?

Inabot ko kay Zion yung pagkain dahil sa pagkakaalam ko naman ay sakanya may gusto yung si Gabriel.

"huh bakit sa' kin?"

"para sayo talaga yan, i think namali lang ng pagkakaintindi si santos" sabi ko.

Tinanggap naman niya yon at sabay na pumasok sa first class namin.

The night in Baguio | sunsunWhere stories live. Discover now