Chapter 6

24 7 6
                                    

mag sabaw muna tayo for 2deis videow
:)

Chapter 6

Nagpaalam ako kay Val na aakyat na ako para makapag pahinga na rin. He just nod and smile, babalik na rin daw siya sa kwarto niya.

Habang paakyat ng hagdan ay nakatanaw ako sa kaniya. Naglalakad pa rin siya sa dalampasigan pero ang direksyon ay papunta na sa building ng kwarto niya.

I looked straight my way and saw Ravi on his way to their room. Binilisan ko ang lakad ko. Saktong makalapit ako sa kaniya ay nabuksan na niya ang pinto ng kwarto.

"Hey, wait!"

I don't know where did I got that courage to call him out when I saw him stepping inside their room.

Huminto siya at lumingon sa akin.

"Huh? You have something to say?" Lumabas siya ulit at sinarado ang pinto.

"Hmm, saglit lang."

I'm so ashamed of myself. Pero mas lalo ko lang ikakahiya ang sarili ko kung ano pa 'tong magmamataas. Sometimes, we need to bow our head and be humble. At minsan din, hindi maling suwayin ang kung ano man ang paniniwala natin.

Dahil paano kung ang pag taliwas na iyon sa sarili nating prinsipyo ang makakapaglagay sa atin sa tama?

Sa tamang lugar, sa tamang tao.

Bumalik siya sa puwesto niya kanina, kung saan nakita ko siya nang magkasama kami ni Val sa ibaba.

"Bakasyon lang kayo rito, 'di ba? Hanggang kailan kayo?" Tanong ko sa kaniya na para bang matagal na kami magkakilala.

Honestly, I just don't know how to apologize to him. I know it's not that big, I mean my mistake. I shouted at him. I pushed him even though he was just worried about me.

There's no measurement on how small or big our mistakes are. There's no dimension on how consequential they are to the one's who got affected. What's important is that we acknowledged our own faults and apologize to the one's who suffered.

"We plan to leave maybe on Friday night or Saturday. May pasok na rin kasi, e. Hmm, why?" Walang malisya niyang tanong pero pakiramdam ko nang aasar siya.

Or maybe he's just really like that. I remember when we first met. Mapang asar ang tono niya kaya hindi ko siya pinansin. Ayoko kasi sa mga maloloko at pakiramdam ko noon ay gano'n siya.

But he proved me wrong kahit na ilang araw pa lang kaming magkakilala. Kaya na rin siguro naguilty ako noong unang beses niya akong kinausap at nilayasan ko lang siya basta.

"Don't leave on Friday night." Hindi ko napansin na parang ang agresibo ng tono ko.

Nang makabawi ay agad ko iyong dinugtungan, lalo nang mapansin ko ang titig niya sa akin.

"I mean, delikado kung gabi kayo bibiyahe, matarik ang daan." I suggested calmly.

Syempre, I'm worried. I know this place. Bulubundukin kaya hindi magandang bumyahe ng madilim.

"Yeah? We're a responsible drivers but, alright. I'll accept your suggestion since I know you're just worried." Imbes na kilabutan ako sa ngiti niya ay nag iwas lang ako ng tingin dahil nailang ako bigla.

The atmosphere got awkward. Walang nagsasalita sa pagitan namin. Tanging ingay lang ng mga tao sa baba ang dinig at mga alon sa dagat.

Hindi ko alam kung nalimutan na niyang may sasabihin ako. Kung hinihintay niya ba o sadyang wala lang talaga sa kaniya.

I sighed at matapang ko siyang tiningnan. "Honestly, I called you because I wanna apologize. Sorry.. sa naging attitude ko sa'yo last time." I didn't look away even when he turned his gaze at me.

Golden Hour #1: Her Cries Between Our WallsWhere stories live. Discover now