Chapter 1

53 21 2
                                    

Chapter 1

Kumalabog ang dibdib ko. Sobrang kaba ang nararamdaman ko. Para akong masusuka na mahihimatay. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa sobrang kaba. This is not new to me. Hindi na bago 'to para sa akin pero heto pa rin ako, nanginginig, halos maiyak sa sobrang kaba. Naiiyak sa pakiramdam na halos kasama ko na mula nang magka-isip ako pero parang bago pa rin nang bago para sa'kin.

"Luean! Buksan mo ang pinto! Lumabas ka riyan, Luean! Umuwi na tayo!"

Nagmamadaling tinungo ko ang banyo. My knees are trembling. Hindi ko na kinaya kaya napaupo ako sa tiles ng banyo. Using my trembling hands, I tightly covered my ears. Hindi ko na marinig ang sigaw niya pero nandoon pa rin ang malakas na kalampag sa pinto. It might break in no time.

Ayaw kong umuwi.. ayaw ko sa kanila.. ayaw ko sa kaniya.. ayaw ko, hindi ko kaya.

"Dito lang ako.." mahinang usal ko.

Ramdam ko ang panginginig maski ng labi ko, pero buo ang boses ko. Kinuyom ko ang dalawang palad ko at huminga nang malalim. Tumayo ako at dahan dahang lumabas sa banyo.

I went straight where my cabinet is. Maingat kong inilabas ang mga damit at gamit ko. Ni isang ingay, kahit na maliit na ingay ay hindi ko ginawa.

"Lue? Luean.."

Isang maliit na tinig ang nagpatalon sa akin mula sa ginagawa. Lumapit ako sa bintana at mula sa kurtina, gumawa ako ng maliit na awang at doon sumilip.

Nakahinga ako nang malalim nang makitang si Ate Mandy ang tumawag, pamangkin ng may ari ng apartment na tinutuluyan ko dito sa loob ng resort.

Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Ate, pasensya na sa abala. Baka nakarating sa'yo yung nangyari.. ngayon ngayon lang.." mabagal na ani ko habang maingat na isinasara ang pintuan.

Pati ang mga kurtina't bintana ay dinoble check ko rin. Baka kasi mamaya nagtatago lang pala siya sa labas.

Bumaling ako kay Ate. I saw her looking at me with pity on her eyes. Umiling ako sa kaniya at magiliw siyang nginitian. I hate it when people look at me like that. But in her case, I can't just hate her. She's like a real ate to me.

"Ayos lang," she said, smiling while caressing my back.

Nahihiya man ay umiwas ako sa kaniya. It feels uncomfortable when someone's comforting me. Parang anytime, sasabog yung emosyon ko. I hate it. I'm used to being alone. I'm used to comforting myself alone.

She sighed. "Pinaalis ko. Sinabi kong hindi ka na tumutuloy dito, matagal na."

Napangiti ako sa kawalan. Tinignan ko ang sabog kong mga damit sa kama. Hindi pa rin safe.

"Thank you, ate. At.. pasensya ka na talaga, alam kong sobrang abala na 'tong ginagawa kong pananatili rito."

Pero sa ngayon kelangan kong kapalan muna ang mukha ko.

"Tsk, ayos lang nga ano ka ba naman. At saka hindi naman sobrang abala 'yon sa'kin. Isa pa, pinagta-trabaho-han mo naman ang pananatili rito," nakangiti pa ring tugon niya, ang tono'y pilit na nagpapa-intindi sa akin at umuunawa.

What she said is true. My stay here are being paid by me. Sa mga libreng araw at bakasyon ko ay nagta-trabaho ako dito sa resort. Ang may ari ng resort ay kapatid ng may ari ng apartment na tinutuluyan ko kaya naman madali akong na-irekomenda ni Ate Mandy. Malaki ang resort kaya minsan din ay iniikot ko ang lahat ng pwedeng trabaho rito nang sa ganoon ay maging maalam ako.

Hindi ko rin kasi masasabi kung hanggang kelan ako tutuloy dito kaya mabuti ng marami akong alam na trabaho.

"Ate, kasi ano, e.. hindi na safe kung magtatagal pa 'ko rito.." nag-aalangan man ay nasabi ko pa rin.

Golden Hour #1: Her Cries Between Our WallsWhere stories live. Discover now