Malayo ang loob ko sa pamilya ko mag mula nang magka-isip na ako pero kahit na hindi sanay gumalang, I still forced myself to do so. Respecting others is one of the most common thing I can do to survive living a life alone. Kahit hindi ko na maka-close, basta't may pakikisama at respeto.

Dahil sanay na ang katawan ko sa mabilisang pag-kilos, medyo maaga kaming natapos sa apartment kumpara sa inaasahan kong oras dahil sembreak nga at maraming turista pag bakasyon. Alas sinco nang lumipat ako sa villa. May mga kasama pa rin akong higit na mas matanda keysa sa'kin pero dahil hindi ko gaanong kakilala ay nanahimik na lang ako. Besides, I'm good at being silent.

I thought they're at least hardworking since they're already of age but I was wrong. Na-badtrip ako dahil pa-chill chill lang sila at tamang ayos lang sa mga kwarto. Hindi sila mabusisi sa paglilinis. Tuloy kahit sila'y nakaupo at nagpapahinga saglit, ako ay todo kilos pa rin dahil may nakikita pa 'kong hindi ayos sa kwarto.

"Aba, hija! Baka naman maaga kang rayuma-hin d'yan sa sobrang kasipagan. Hindi naman tataas ang sweldo natin kahit anong sipag mo d'yan!"

Sabi ng sa tingin ko'y pinakabata sa kanila. Others laughed with her. Sumulyap ako sa gawi nila at nameke nalang ng ngiti para hindi mag-mukhang bastos sa paningin nila.

Mas magkaka-rayuma ata ako kung panay lang ako upo at hindi kumikilos. At hindi ako nagmamasipag lang para umasang tataas ang sweldo namin. I am doing this because this is my job and I am being paid here. Para na rin sa magandang reviews ng mga turista. Basically, I am doing this for myself and for the image of the resort. Dahil paniguradong matira matino kung mag tanggalan man dito. Hindi matira matibay.

Dahil badtrip pa rin ako ay nag prisinta akong maglinis mag-isa sa isang villa na hindi gaanong kalakihan. Eto ata ang pinaka-maliit. Pabor naman sa kanila at wala na ring nasabi pa.

I thought I could peacefully work alone with just myself around. Or so I thought.

The door was locked so I assumed there were still people inside. I was right when the door creaked open and a woman with a not-so-kind aura appeared. I could tell by her expression.

I gave her a small smile. "Room service," marahang usal ko at tuluyang nawala ang pinilit kong ngiti nang mapang-husgang bumaba ang tingin niya sa bitbit ko.

"Right. Come in."

Halatang masama ang loob niya kaya palihim akong bumuntong hininga. Agad din akong natigilan dahil sa babae.

"Just don't gossip around here," maarteng sabi niya, impaktang impakta ang datingan.

I can't say sure on that because I own my mind and ears.

"Of course, miss. Hindi naman po pangangalap ng chismis ang trabaho ko rito," nakatalikod siya kaya malaya akong ngumisi nang sarkastiko.

"Chismis? Oh, well. Usual language of squatters nga naman."

Nginitian ko lang siya bago magpaalam na una kong lilinisan ang kitchen at bathroom.

I already wished that. I wished I was born in a family of squatters. Kahit na magulo, mukha namang masaya. And I might get used to the unfateful happenings in my life if I came from squatters.

It can't come true. Because in this lifetime, I can only be born once, not twice. But funny how I can't be born twice even though I already died once and still dying thrice.

"You look young. Why do you work here?"
The woman asked. Napansin ko ngang sinundan niya 'ko pero hindi ko na lang kinuwestyon. May mga kagaya niya talaga.

"Sembreak, miss," walang gana kong sagot.

Wala gaanong linisin sa banyo kaya ang kusina naman ang pinagka-abalahan ko. Hindi ko nga lang inasahan na consistent ang babaeng 'to. Room service ang trabaho ko rito pero kung umasta siya ay parang siya ang boss at ako'y nakasalang sa final interview.

Golden Hour #1: Her Cries Between Our WallsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora