Nagbaba ako ng tingin nang makitang kumunot ang noo niya.

"Hindi ka rin naman mapapahamak dito sa loob ng resort. Kung gusto mo ay ipapa-ban ko ang pangalan n'on para hindi na makapasok dito. At 'wag kang mag-alala. Pinaayos ko na yung bakanteng kwarto sa itaas at plano ko talagang ilipat ka doon nang malamang nandito ang lalaking 'yon."

I am still hesistant but my worries lessened a bit. At least, I feel safe with the people I trust around me.

Bago sumapit ang tanghalian, wala akong nagawa kung hindi ang lumipat sa itaas na kwarto. Nahiya pa ako nang malamang iyon na lang pala ang kwartong bakante sa palapag na iyon at ang lahat ay ukupado na at may nag reserba na. Pero sa kaalaman na binabayaran ko rin naman 'yon ay hindi na rin ako nagpapilit at tumuloy na lang.

Nang saktong alas dose ay umakyat si Ate Mandy na may dalang pagkain. Sabay na raw kaming kumain. Laki pasalamat ko rin dahil kung mag-isa lang ako ay malilimutan ko ang pagkain at paniguradong magbababad lang sa pagligo.

"Ano kaya mo bang mag-trabaho ngayong araw?" tanong ni Ate Mandy habang kumakain kami.

Nagtataka ako tumingin sa kaniya. "Oo, ate. Bakit naman hindi?"

"Wala naman, naniniguro lang.."

Halatang gusto niyang banggitin ang nangyari kanina pero pinigilan ang sarili. Ngumiti ako.. thank you.

"Mauuna na 'ko, ah. Papasok ka na rin ba?"

Tumango ako. "Hmm, salamat sa pagkain."

"Teka, sa apartment ka ba naka-assign?"

"Oo, ate. Tsaka sa second floor ng villa, narinig ko kasing kulang daw sila r'on," nakangising ani ko.

Alam kong gusto niyang singhalan ako nang sumimangot siya pero dahil mukhang okay naman sa'kin ay wala na siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga na lang. Maya maya lang ay umalis na rin siya.

Sa paglilinis pa lang ng mga kwarto sa apartment ay nakakapagod na, ano pa kali sa mga villa na doble ang laki. Totoong nagpalista talaga ako sa mga maglilinis ng villa.

This is what I usually do. Kapag may bumabagabag sa'kin, itinutuon ko ang atensyon ko sa trabaho. Sometimes I over-worked myself just to escape this crazy feeling of anxiety. Pero may times na kahit sobrang nanlalata na sa pagod ang katawan ko, hindi pa rin umuubra ang topak ko.

Naligo at nagbihis ako ng uniform para sa mga assigned caretakers ng apartment. Isang maong brown shorts na mid-length 'yon at white sando top na tucked in sa shorts at saka pinatungan ng manipis na polo'ng pang beach at hinayaang nakabukas ang lahat ng butones. Sila mismo ang nag-style para raw preskong tignan at hindi naman kabastos bastos tignan lalo kung maayos ang nagdadala ng damit at ang mata ng makakapansin.

Hindi rin mawawala ang maliit na nameplate na tanging pangalan lang namin ang nakalagay at walang apelyido. Mine has just simply "Lue" on it.

Inuna kong linisan ang katabing kwarto ng tinutuluyan ko. And to my surprise, it's the biggest room in the whole apartment building with one common bathroom and four rooms. Let's just not talk how big the living area is.

Dahil nga malaki ang kwarto, dalawa kaming nagtulong. Ako ang nagpalit ng bedsheets at pillow cases sa bawat kwarto at nilinis ang dapat linisin including the bathrooms in each room. While my co-worker cleaned the space outside those rooms.

"Parang hindi pa naman nagagalaw 'tong kwarto, ah. May naka check-in na ba rito?" Tanong ng kasama ko nang makalabas ako mula sa ikatlong kwarto.

"Mamaya pa raw po yata. Reservation pa lang," ani ko.

Golden Hour #1: Her Cries Between Our WallsWhere stories live. Discover now