5 minutes nalang ang nasa countdown at makikita niya din iyun sa clock na nasa harapan niya , sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang pumasok sa kwarto niya na ikinagulat niya.

"Walang nagbago amanda? Napakaganda mo pa din talaga?" Bungad ng taong nasa harapan niya ngayon napatayo naman si amanda upang yakapin ito.

"I'm glad na nakarating ka Gabb! Akala ko talaga hindi ka makakapunta ngayon dahil sa busy sched mo sa school! Naks Harvard student iz real!" Aniya ni amanda kay gabb napangiti naman ito pero bakas sa mga mata niya yung lungkot na malaman na yung first love niya na hanggang ngayon ay mahal niya pa din ay ikakasal na sa ibang tao.

"Ang daya mo amanda! Sa tinagal tagal ng panahon na di tayo nagkita ay ito pa talaga ang magiging ganap? Sa kasal mo pa pala tayo muling magkikita!" Bati ni gabb habang kayakap si amanda napangiti naman si amanda dahil labis niyang namiss ang kanyang kaibigan na matagal niya na talagang hindi nakita.

"Pasensya gabb hihi , alam ko kasing busy ka kung kaya'y hindi na din kita nakamusta? Masaya ako na makita kang muli gabb!" Saad ni amanda hinawakan naman ni gabb ang dalawang kamay nito at nagiging emotional na siya.

"Ako din amanda? Masaya ako sa part na ikakasal kana ngunit masakit sa part ko na hindi sa akin amanda? Hmp maybe that's it talaga ano? Congrats! Napaka swerte ng magiging partner mo sayo!" Malungkot ngunit nakangiting sabi niya sa dalaga , pinipigilan naman ni amanda na maging emotional dahil baka masira yung make up niya kung sakali.

"I'm sorry if tinupad mo ang pangako mo sa akin na aantayin mo ako kahit anong mangyari gabb? Nasayang yung oras mo sa pag aantay sa taong iba ang inaantay na dumating" malungkot na saad ni amanda dahil noong mga bata pa lang sila ay nangako si gabb na hanggang sa pagtanda ay mamahalin niya pa rin si amanda ngunit kabaliktaran naman ang nangyari kay amanda.

Sapagkat sa naging puppy love nila ay nawala na din yun nung hindi na sila nagkita ni gabb.

"Wag kang humingi ng paumanhin amanda? Nakita ko na yung mga ngiti at pagluha mo? Pero ngayon? Kakaibang Amanda ang nakikita ko? Yung Amanda na masayang masaya sa piling ng taong mahal niya at ikakasal na din doon ngayon , yung version mo ngayon? Ayun yung version ng taong hindi mapapasa akin" tumulo na ang luha ni gabb habang sinasabi niya iyun na agad niya namang pinunasan , hindi niya maikakaila ang sakit na kanyang nadarama ngunit feeling niya hindi iyun ang tamang oras.

"Gabb? You'll meet someone din sa hinaharap na mas worth it pa sa akin?" Mahigpit na pagkakahawak ang ibinigay ni amanda kay gabb na naniniguradong makakahanap din si gabn ng taong magmamahal sa kanya.

"I'm rooting the best for you Amanda that's why pumunta ako dito ngayon? Hmp hindi na din ako magtatagal pa amanda sapagkat may aasikasuhin pa akong iba! Nung last na kita natin last 10 years ago ay hindi ako nakapagpaalam ng maayos sayo? Farewell! Sa taong minahal ko ng mahigit 17 years! Sana sa muli nating pagkikita ay masaya ka pa din at going strong ang relasyon niyo ni coco? Mahal kita amanda for the last time at mananatiling kang may malaking parte dito sa puso ko,. My first love but not my last love!" Pagpapaalam ni gabb saka binigyan ng  halik si amanda sa may noohan saka niyakap ito nang mahigpit.

"Before you go gabb? Can we take a picture muna? As a memories?" Aya ni amanda at tumango na lamang si gabb at tinawag yung photographer na nasa labas at kinuhanan na nga sila ng litrato.

Maya maya ay nailabas na agad yung picture at ibinigay ni amanda yung isang copy kay gabb bilang memorya na nagkasama sila sa kasal ni amanda.

"Take care of yourself gabb!" Huling sabi ni amanda nung nagpaalam na muli si gabb , naglakad naman na iyun patungong labas at kasunod nun ay ang tinawag na din si amanda dahil magsisimula na siyang maglakad patungong red carpet.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now