IASWAK21

673 82 7
                                    

Coleen's Pov

Ilang oras na akong nag aantay dito kay amanda , yeah nagcutting classes ako sa last period namin.

Kasi nga tinotoo ko yung sinabi ko na hindi ako aalis dito hanggang hindi siya pumupunta dito sa rooftop , pagtingin ko ng relo ko ay 5:30pm na at uwian na nga namin.

Napaupo nalang ako sa may cemento na may malapit sa edge ng rooftop  at inilaglag ko yung paa ko , kung may makakakita sa akin ngayon dito baka akalain pa nila na magsusuicide ako.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng may mag appear na notifications , text siya galing sa caretaker namin sa bahay.

"Youngmaster? Isinugod yung daddy mo ngayon sa hospital kailangan niyo pong pumunta ngayon dito" ayan lang naman ang text sa akin ni manang , napangisi nalang ako dahil yung karma ni daddy ay dumating na.

Sabi ko sa isip isip ko na deserve niya yun sana nga matuluyan na siya eh! i really hate him so much kasi napakawalang kwenta niyang ama at asawa.

Nagulat naman ako nang biglang bumukas yung pintuan ng rooftop at iniluwa nito si amy na naka serious mode ngayon.

"At talagang hinintay mo talaga ako dito eh no? Paano kung hindi kita sinipot? Mananatili ka parin ba at dito na matutulog?" Iritang tanong niya sa akin napangiti naman ako sa kanya dahil doon , ang lakas ng tama ko sa babaeng to.

"Pag sinabi kong maghihintay ako maghihintay talaga ako amy kahit gaano kaman katagal dumating dito" nakapamewang na siya ngayon at hinihintay nalang ata ako na sabihin ko yung nais kong sabihin sa kanya.

Napatahimik naman ako muna dahil kinakabahan ako hindi ko alam kung paano ko maibubuka yung bibig ko at magsimulang magsalita.

"Ano na? Tititigan mo nalang na ako? Kung wala ka naman palang sasabihin ay mauna na ako dahil sinasayang mo lang ang oras ko ngayon" iritang sabi niya sa akin habang seryosong nakatingin pa rin sa kinatatayuan ko ngayon.

"Ah a-amy di ko alam kung paano sisimulan pero i just want to tell you na i like you --- nope actually i love you amy! Simula nung makita kita ay nagbago ang mundo ko ngayon lang nangyari sa akin ito na sobrang bilis ng pintig ng puso ko sa tuwing nasa harapan kita." Nauutal na sabi ko sa kanya , wala namang pagbabago sa mukha niya ngayon , ni hindi man lang makikita na nagulat or kung ano.

"Ayun lang ba sasabihin mo coleen? Then aalis na ako? Dahil may nag aantay na sa akin sa baba" Sabi niya at akmang bubuksan na ang pintuan ng rooftop upang bumaba ng bigla akong magsalitang muli.

"What about your answer?" Kahit kinakabahan ako ngayon ay naitanong ko pa yun , gusto ko nang malaman kung may feelings din ba siya sa akin kasi yun ang napifeel ko sa kanya eh na may gusto din siya sa akin.

"Ah im sorry coleen , the feelings were not mutual , alis na ako dahil inaantay na ako sa baba ng driver ko" pagpapaalam niyang muli pero this time lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Why is this because na bully ako? Kaya hindi mo ako magustuhan? Kung ganun magbabago ako ,babaguhin ko yung sarili ko para sayo amy" medyo naiiyak na sabi ko sa kanya , wala parin siyang emosyon na nilalabas ngayon.

Kaya kong maging mabuting estudyante kung yun ang nais niya , lahat gagawin ko para lang sa kanya.

"Its not that coleen , its just that I don't like you the same way at hinding hindi talaga mangyayari yun kahit kailan" parang tinutusok naman yung puso ko dahil doon , is this because of jaydee? Sila na ba? Huli na ba ako? Hindi ko masasabing huli na ako kasi wala naman siyang pagtingin sa akin.

"Please give me a chance amy! Papatunayan ko sayo na magbabago ako! Payagan mo lang akong ligawan ka okay? Gagawin ko ang lahat para maging the best suitor mo" pagpupumilit ko sa kanya , nakaluhod na ako ngayon sa kanya at nagmamakaawa na , sobra ko siyang mahal at hindi ko ata kakayanin na makita siyang hawak na ng iba.

"Stop na coleen , si jaydee ang mahal ko at hindi ikaw , tama na siguro yung pagbabago na sinasabi mo ay gawin mo nalang para sa sarili mo hindi para sa akin or sa ibang tao" tinanggal na niya yung pagkakahawak niya sa akin at dahan dahan nang umalis pagkabukas niya ng pinto ay muli akong nagsalita sa huling pagkakataon.

"Im sorry for assuming that our feelings were mutual" huling sabi ko sa kanya napatigil naman siya saglit dahil sa sinabi ko at muli na siyang naglakad at tuluyang iniwan na ako dito sa rooftop.

______

Nasa bar ako ngayon na nag iisa lang , tinapon ko kasi yung cellphone ko kanina sa may pintuan ng rooftop nung panay tawag yung maid namin kaya nabasag at hindi na matouch.

"Ano pong order niyo ma'am?"

"Yung most recommended niyo nalang po na alak kuya! At tsaka pahingi na rin ako ng tubig" sagot ko sa kanya at tumango nalang siya at umalis na , tuloy parin ang pagpatak ng luha ko sa aking mga mata ngayon.

Ang sakit pala mabroken hearted no? Sa ilang taon kung nabubuhay ngayon ko lang naranasan to at sobrang sakit pala.

Yung feeling na umasa ako na magugustuhan niya din ako kasi ayun yung naramdaman ko nung magkasama kami eh  o sadyang assuming lang talaga ako.

Ganito na siguro yung karma ko sa dami kong tinanggihan dati at sinaktan , napapunas naman ako bigla ng aking mata ng may marinig akong boses na pamilyar.

"Oh coleen! Anong ginagawa mo dito? Aba aba hindi ka nagyayaya na magbabar ka ah! Umiiyak kaba? Anong problema mo?" Ani ni sheki at saka lumapit sa akin kasama niya ngayon si frances.

"Hindi no napuwing lang ako kaya ako naluluha anyway malamang sheki ano bang ginagawa sa bar edi mag iinom , kayo din naman ata ni Frances eh pumunta dito para mag inom" rebat ko sa kanya bahagyang natawa naman siya sa sinabi ko si Frances naman ay napaka seryoso ng mukha na nakatingin lang ng diretso sa akin.

"Baliw ka! Hindi no dadalawin lang namin si tito , yung daddy ni frances sila kasi yung may ari nitong bar nato kaya kami nandito" ah kila frances pala tong bar na to hindi ko napansin na Pinlac's Bar pala tong napuntahan ko.

"Ah ganun ba o sige na puntahan niyo na yung ipinunta niyo ngayon hayaan niyo na ako dito" sabi ko sa kanila dumating na rin yung inorder ko at tsaka naglagay na ako ng alak sa may baso at mabilis na iyong ininom.

"Frances? Tara na hayaan mo na muna dyan si Coleen , balik nalang tayo dito pagkatapos natin mapuntahan yung daddy mo" sabi ni sheki kay frances , napailing naman ito na ikinapagtaka ko.

"Susunod ako ate sheki! Mauna kana muna doon samahan ko nalang muna si coleen dito mukhang malungkot at bigo siya eh!" Tumango nalang si sheki ni hindi ko naman narinig yung sa huli niyang sinabi pero hindi ko nalang iyun inalala pa.

"Mahal mo talaga siya no?" Napatigil naman ako sa pag inom ko ng alak dahil sa sinabi niya , may alam ba siya sa nangyayari sa akin ngayon?





Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now