IASWAK20

769 81 3
                                    

Coleen's Pov

Napapansin ko this past few days na parang ang dikit na sobra nitong jaydee na to kay amy? Akala ko ba lilipat na siya ng school this semester?

Bakit nandirito parin siya , hays napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa may cellphone ko.

May nakita akong message na galing kay daddy pero hindi ko na iyun binuksan pa , baka kasi mainis lang ako at maitapon ko pa yung cellphone ko dahil sa galit sa kanya.

"Coleen? Mukhang ang behave mo this past few days ah! Ano wala ba tayong pwedeng gawin nabobored na ako sa ginagawa natin ngayon , wala ng excitement!" Sabi pa ni sheki , napatingin naman ako kay brei na nagsusulat ngayon sa notebook niya.

Napansin ko din this past few days na nagsisipag na si brei sa pag aaral at hindi na kagaya ng dati na hindi siya nagsusulat sa klase.

Well kahit troublemaker kami ay kabilang parin kaming tatlo sa top 10 of the class , hindi man halata pero ako ang pumapangalawa kay kaede na top 1 sa klase.

"Don't worry sheki! We'll make something fun later pero hindi dito sa classroom kundi sa labas ng University" napangiti naman siya dahil doon, balak ko ngang maghanap mamaya ng taong mapagtitripan namin sa kalsada mamaya.

Lunchbreak

Nagsilabasan na ang lahat ng mga classmates namin at tanging kaming dalawa nalang ni amy ang natira sa room agad na akong lumapit sa kanya dahil aamin na nga ako ng tunay kong nararamdaman sa kanya and i hope na pareho kami ng nararamdaman.

"Hi amy? Can we talk?" Nahihiya kong approach sa kanya tapos napahawak pa ako sa may batok ko sa sobrang hiya.

"We are already talking coleen , spit it now cause i don't have a time now , I'll need to go to the studio as soon as possible" walang emosyong sambit niya sa akin, wait galit ba siya sa ginawa ko nung nasa hospital kami? Pero parang ginusto niya naman yun eh umepal nga lang yung jaydee na yun.

"Ahm okay i can wait naman maybe we can talk to the rootftop later sa vacant time natin , I'll wait there for you" pagsa suggest ko pa sa kanya hindi naman siya tumitingin sa akin ngayon na siyang ikinalungkot ko.

"Gaano ba kaimportante yang sasabihin mo at hindi mo masabi ngayon? I don't know if makakapunta ako sa rooftop mamaya dahil may practice kami sa vacant time" medyo mataray na sabi niya at hinarap ako agad niya rin inalis yung tingin niya sa akin ng magtama ang aming mga mata.

"Its okay I'll wait parin na pumunta ka doon , anyway that's it" tugon ko sa kanya , I'll wait pa din kahit walang kasiguraduhan na pumunta siya doon.

Amy's Pov

Naiilang akong tumingin sa kanya ngayon , bumait yung awra niya at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sasabihin niya sa akin.

Umalis na siya at ako nalang ang naiwan dito sa classroom , isinukbit ko na yung bag ko saka naglakad papuntang studio , nauna na kasi doon sila laney at jaydee dahil aayusin pa nila yung instruments nilang dalawa.

"Tagal mo mandeng ah! Namiss kana agad ni Jaydeee ayiiiee! Kilig yarn dong!" Bungad na pangangantyaw sa amin ni laney , bahagyang namula naman si jaydee dahil doon at sinapak sapak ng mahina si laney.

"Baliw ka laney! Kukutungan na talaga kita napakaingay mong babaita ka! Anyway bakit nga ba ang tagal mo amy?" Nabaling naman ang tingin niya sa akin at lumapit upang kunin yung bag ko ibinigay ko nalang iyun at tinignan lang ako ni laney ng  may nakakalokong tingin.

"Ah wala siguro dahil nadin sa bagal kong maglakad kaya natagalan ako btw nasaan si Ms. Mae?" Pag iiba ko ng usapan sa kanila , baka kasi magtanong tanong pa tong si laney wala pa naman ako sa mood.

"Ah may pinuntahan muna siya pero wait lang may napapansin ako sainyong dalawa ah! Hmp may kakaiba sa inaakto niyo lalo kana jaydong!" Nagtatakang tanong ni laney at pasalit salit na ang tingin niya sa aming dalawa lumapit naman si jaydee sa akin.

"Sabihin ko na ba amy?" Mahinang bulong niya sa akin tumango nalang ako at tsaka nginitian siya.

"Im courting amy---" di pa man natatapos yung gustong sabihin ni jaydee nang biglang tumili ng malakas si laney.

"Omg congratulations to the both of you! For sure magwawala ang JayMynatics niyo pag nalaman nila ito!" Masayang sabi niya napangiti nalang ako at inaalala yung nangyari nung nasa rooftop kami.

Flashback 📸

"What is it amy? Bilisan mo nalang ang pagsasalita mo kasi baka gabihin ka pa sa pag uwi sa bahay niyo" walang emosyong saad niya sa akin sabay napatingin sa mga bahay bahay , ang ganda ng view dito sa rooftop nila

"Ahm ano kasi jaydee----im sorry" nauutal na sabi ko napatingin naman siya sa akin at ngumiti ng mapait.

"Its okay amy , wag kang mag alala dahil hindi naman ako aalis sa grupo dahil naiilang ako or what sayo , maybe this was the best way nalang to get rid of my feelings for you" diretsong sabi niya at inilihis ang tingin sa baba.

"Jaydee--" tawag ko pa sa kanya ngunit pinutol na naman niya yung sasabihin ko.

"Its okay amy alam ko naman na pagkakaibigan lang talaga ang maibibigay mo sa akin eh , i don't expect anything na and i hope na maging masaya ka" nakangiting sabi niya pero ramdam ko na nasasaktan siya deep inside , amy mag isip ka ng matino okay?

"Please don't leave jaydee , im here to tell you na pumapayag na ako sa sinabi mo nakaraan , just don't leave the group and don't leave us!" Mabilis na sabi ko bahala na, wala naman masama kung papayagan ko siya na manligaw sa akin at tsaka kilala ko naman na siya.

"What do you mean?" Kumikinang ang mga mata niya ngayon dahil medyo naluluha na siya.

"Pumapayag na akong ligawan mo ako! That's it kung bakit ako nandito"

"Omg talaga ba? Thank you amy! Im so happy to hear that!" Sabay lapit niya sa akin at niyakap ako , niyakap ko na din siya pabalik at napangiti nalang ako ng mapait argh bahala na.

End Of The Flashback📸

Nasa last subject na kami ngayon at wala dito sa classroom si coleen , tapos na ang vacant class kanina pero hanggang ngayon di pa siya nakakapasok ng room.

Bigla ko namang naalala na may usapan kami na hihintayin niya ako sa may rooftop dahil may sasabihin siya.

Nag aantay parin kaya siya doon? Pero imposible naman kasi ilang oras na ang nakalipas at mainipin yun si Coleen sa pagkakakilala ko sa kanya.

"Okay ka lang ba? Pansin ko na kanina ka pa nakatingin sa pintuan may inaantay ka bang dumating?" Mahinang tanong sa akin ni laney , umiling naman ako pero siniko niya ying gilid ko kaya bahagyang napatingin muli ako sa kanya at binigyan siya ng ano look.

"Si troublemaker inaantay mo no?Amy? May pag uusapan tayo mamaya ah pagkatapos ng klase" Dagdag niya pa argh laney bakit ba ang galing mo manghula? Tumango nalang ako at tumingin na sa may harap dahil kanina pa nag didiscuss yung teacher namin at itong utak ko ay kung saan saan lumilipad.







Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now