IASWAK32

678 84 2
                                    

Amy's Pov

Nakarating na kaming batanes fudge nakalimutan ko pala na iisang kwarto lang yung pinabook ko dahil nga akala ko si jaydee ang makakasama ko ngayon.

Argh anong gagawin ko? Iisang kama lang yung kwarto na nirentahan ko , hmp edi sa sahig nalang si coleen bakit ba?

"Hoy amy? Okay ka lang ba? Ano gusto no bang ako nalang ang magbukas ng room? Mukhang kabado ka sa paglalagay palang ng susi eh" sabi naman ni coleen napansin niya din pala na nanginginig yung kamay ko habang ipinapasok yung susi sa doorknob.

"Ah h-hindi ako na" sabi ko ipinihit ko na yung door know at bumukas na yung pinto , napangisi nalang siya ng bumungad agad ang isang kama lang na higaan.

Abay sa sofa ka matutulog at wag mong balakin na tumabi sa akin dahil hindi maaari sapat na pumayag akong sumama siya ngayon sa trip na to.

Badtrip kasi si laney eh ang hilig hilig gumawa ng way nag pi feeling cupid na naman si tanga hays sabagay hindi na ako magtataka alagang jake ba naman.

Kaya gustong maging masaya din kami kasi masaya na siya sa lovelife niya ngayon , sana all nalang talaga.

"Amy? Uso naman sigurong gumalaw no? Kanina ka pa dyan nakatayo sa may pintuan , maupo kana muna dito" sabay tapik niya sa may sofa , inirapan ko naman siya wala eh attitude ako eh.

Need kong hindi sabayan yung gusto niyang gawin dahil mahirap na baka maging marupok ako at may magawa na hindi kanais nais.

Nag aayos na ako ng gamit ko habang si coleen ay nasa cr ngayon , ang tagal niya namang lumabas? Nalunod na ba siya sa bathtub?

Hay nako amy eh ano naman kung malunod ka ano bang paki mo sa kanya? Ang babaw ng bathtub para malunod siya dun.

"Okay ka lang ba amy? Kanina ko pa napapansin na natutuliro ka may sakit ka ba?" Nabigla naman ako ng bigla siyang lumabas ng cr tapos naka tuwalya pa aiya ngayon at pumapatak pa yung tubig nanggagaling sa may buhok niya.

Why so hot mo naman coleen , natutuyuan ako ng laway habang tinitignan kita ngayon , nabigla naman ako nang hawakan niya yung noo ko.

Napabalik ako sa wisyo ko sabay tinanggal yung pagkakahawak niya sa may noo ko, damn it ramdam ko parin yung sparks sa tuwing nagkakalapat yung mga balat namin.

"Ah wala napagod lang siguro sa byahe wag mo akong intindihin coleen dahil ayos lang ako , magbihis kana nga doon dahil basang basa na yung sahig dahil dyan sa buhok mo" singhal ko sa kanya at inilihis nalang sa iba yung tingin ko hindi ko kayang tignan siya nang ganun dahil baka matempt pa ako.

Hays kumalma ka puso , baka gusto mong saksakin nalang kita kung hindi ka kakalma dyan ngayon.

Napahiga nalang ako sa may kama ko at ang iiscroll lang sa may facebook medyo nakaramdam naman ako nang antok kaya pinikit ko nalang ang mata ko.

Maya maya ay nagising ako at napatingin sa may paligid ko gabi na pala , nagpunta muna ako ng cr upang umihi and then maghilamos .

Napansin ko naman na wala si coleen ngayon dito sa room saan na naman kaya nagsisisuot yung babaeng yun? Hindi man lang nagsabi na lalabas siya or kung ano.

Bakit ano ka ba niya amanda para iupdate ka kung saan siya pupunta? Kaibigan niya ako malamang at kasama niya ako ngayon sa trip na to.

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahio nagtatalo na sa isipan ko yung utak ko , nagpapaligsahan at nagtatalo yung left brain at right brain ko fudge.

Ganito na ba ang epekto ng pagiging matalino? Nakakabaliw at nakakaloka ah , napagdesisyunan ko na lumabas nalang muna upang magpahangin alas 6 na din kasi at tskaa maganda ang tanawin sa labas.

Dahil malapit nga kami sa may beach , sa aking paglalakad ay hindi ko maiwasang tumingin tingin sa paligid ko.

Puno nang ilaw itong beach na to at sobrang daming tao dito ngayon , yung iba ay mga couple na naghahalikan pa dito sa tabing dagat.

May mga batang naghahabulan naman at yung halos lahat dito ay nag iinuman lang , isang babae naman ang nakaagaw pansin sa akin.

Si coleen nga iyun na may kausap na ibang babae at halatang nilalandi siya nung babaeng yun , abay sumama ba siya dito sa batanes para mangaliwa?

Anong mangaliwa pinagsasabi mo amy eh single naman siya at malaya niyang gawin ang naisin niya dahil hindi naman siya in a relationship.

Eh kahit na alam niya namang kasama niya ako tapos lalabas labas siya ng room para lang magliwaliw dito at magpalandi sa ibang babae?

Hay nako bakit ba ako naapektuhan bahala siya kong lumandi siya amy , wala ka na dapat pang maging concern doon.

Ewan ko ah pero hindi talaga nakikisama yung katawan ko sa mga sinasabi ko sa sarili ko kasi i find myself walking papunta sa kinaroroonan ngayon ni coleen.

"Hmp amy gising kana pala , anong ginagawa mo dito sa labas?" Bakit ikaw lang ba ang may karapatan na lumabas huh coleen, pinanlakihan ko naman siya ng mata.

"Tara na balik na tayo sa room ,nagugutom na ako at walang pagkain doon ngayon" walang gana kong sabi sa kanya saka hinila ko na ang kamay niya ngunit itong haliparot na babae naman na kaharap niya ngayon ay hinawakan din si coleen.

Bibitawan mo siya o kakalbuhin kitang babae ka na kulang nalang ay maubusan na ng tela yang suot mo ngayon.

"Sino kaba at ano ka ba niya? Hindi naman pwedeng hilahin mo nalang siya papalayo kita mong nag uusap kaming dalawa eh , ano to bastusan?" Kung ingudngud ko kaya ang pagmumukha mong mukhang palaka ka sa may buhanginan , walang matatawag na kami or kung ano man pero hindi ako pumapayag na entertainin ka niya.

"Ah miss pasensya na ah mauna na ako , baka magalit pa tong asawa ko eh" sabi ni coleen na ikinagulat ko , huh hano daw? Asawa mama ko pwede niyo na akong ipaubaya kay coleen charot.

Inirapan ko naman siya kunwari pakipot eh no at hindi nagustuhan yung sinabi niya pero deep inside ata sasabog na yung puso ko ngayon dahil sa sinabi niya.

Nauna na akong maglakad at pansin ko naman ang pag ngiti niya sa may likuran habang hinahabol ako ngayon.

Hindi ako nagseselos ano , baka ma mis interpret niya pa sinabi ko naman na nagugutom ako at hindi naman ako kagalingan sa pagluluto.

At tsaka sabi niya din kanina ay siya ang bahala sa pagluluto kaya malamang na sunduin ko siya sa labas para lang ipaalala sa kanya na na magluluto pa siya.

Nakapasok na ako sa may room at dumiretso ako sa may cr at tinignan ko yunh sarili ko na pulang pula na ngayon , argh bakit ba ako naiinis ah?

Kakagigil yung babaeng haliparot na yun , nagtanong pa nga kung ano ako ni coleen tsk asa ka pa na mapapasayo siya.

Naghilamos na muna ako upang mawala wala ng unti yung pamumula ng mukha ko at muling napahawak nalang ako sa may dibdib ko.

Argh ang bilis na naman ng tibok mong isa ka ding haliparot na puso ka ,kelan ka ba titigil sa pagtibok ay charot lang edi mamamatay na ako pag nangyari yun.




Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now