IASWAK22

708 81 7
                                    

Coleen's Pov

Ilang araw na ang nakalipas nung simula nung ma reject ako ni amy at ang sakit lang sa part ko na makita silang sweet ni jaydee , nabalitaan ko din na sila na dahil kay frances.

Kasalukuyang naglalakad lang ako ng makasalubong ko ngayon si frances na may dala dalang mineral water at patakbong papunta ngayon sa kinatatayuan ko.

Maganda naman si frances ,kaso nga lang mas maganda parin sa paningin ko si amy , siya lang yung kayang magpabilis ng tibok nh puso ko na never ko pang naramdaman sa iba.

"Hoy! Gandang ganda kana ba sa akin at ganyan ka nalang makatitig? Wag kang ganyan dahil marupok pa naman ako pagdating sayo!" Pangangantyaw niya pa sa akin sabay inakbayan ako , inalis ko nga agad iyun dahil hindi ako sanay na may umaakbay sa akin pero kung si amy lang sana ay okay lang sa akin.

"Hay nako frances , nasaan na ba sila brei at sheki? Bakit ikaw lang mag isang naglalakad ngayon ah? Iniwan ka na naman ba nila ah? Mga loko loko talagang yung mga yun" Takang tanong ko sa kanya madalas kasi na silang tatlo na ang magkasama this past few days kasi gusto kong mapag isa eh kaya ayun hindi na muna ako sumasama sa kanila.

"Ah hindi naman nila ako iniwan coleen actually may date si ate sheki at pati si brei ngayon eh kaya ikaw nalang hinanap ko kasi for sure nag iisa ka din" nanlaki naman ang mata ko sa gulat dahil doon , tsk si sheki oo kasi natagpuan niya na si alice pero si brei?

"Si brei? May ka date na? Himala yun ah? Sino naman ang malas na taong iyun ah " natatawang tanong ko sa kanya napangiti nalang siya at ang cute dahil nakalabas yung dalawang maliit niyang dimple sa may bandang gilidan ng kanyang labi.

"Si Ate Lara ng women's soccer team! Di pa ba nababanggit ni brei sayo? Hmp sabagay ang pagkakaalam mo lang ata ay may gusto pa din si brei kay amy kagaya mo eh ha ha ha" napairap nalang ako dahil sa pang aasar niya pa sa akin , napadako naman ang tingin ko sa dalawang magkaholding hands ngayon na nasa hallway.

Its amy and jaydee , kung sinuswerte nga naman oh , wala na bang isasakit to? Parang tinutusok yung puso ko ngayon na makita yung taong mahal ko na hawak na ng iba.

Ang swerte ni jaydee dahil siya ang pinili ni amy sana naman ay hindi niya saktan si amy at kung ano man dahil malaking kawalan yun pag nagkataon.

Bigla naman akong nagulat nang bigla akong hilahin ni frances at niyakap , hinawakan niya yung ulo ko ay ipinayuko sa may bandang balikat niya.

"Wag mo na silang tignan pa coleen , masasaktan ka lang at ayokong makita kang ganun dahil lang kay amy , okay lang masaktan ngayon pero sana naman ma appreciate mo din yung taong nagmamahal sayo coleen wag lang yung taong minamahal mo na wala namang pagtingin sayo" hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko ngayon , lahat talaga ng lumalabas sa bibig ni frances ay malutong yung feeling na parang tagos sa puso mo at matatauhan ka pero bakit ako hindi?

"Iiyak mo lang yan coleen , lagi mong tandaan na nandito lang ako lagi sa tabi mo at hindi kita iiwan , hihintayin ko yung tamang oras at tamang panahon kung saan baka ako naman ang piliin mo" hindi na ako umimik pa dahil tuloy tuloy lang sa pag agos ang luha ko , alam ko naman na may gusto siya sa akin eh kaso nga lang hindi ko kayang suklian yun dahil nga si amy pa rin itong nilalaman ng puso ko at hindi ko alam kung hanggang kailan.

Si amy ang inaantay ko habang si frances naman ang nag hihintay sa akin , naalala ko tuloy yung kanta ni kz tandingan na mahal ko o mahal ako.

Kung ako papipiliin? Doon ako sa minamahal ko kasi nga okay lang ako na masaktan dahil siya ang pinili kong mahalin kesa naman piliin ko yung taong mahal lang ako , ayoko nang ganun ayokong manakit ng tao dahil lang sa mahal nila ako.

"Wala na sila coleen , tahan na dahil may pasok pa tayo ngayong oras at malilate na tayo , kakayanin mo coleen at tutulungan kita roon hayaan mo lamang akong iangat ka din" sabi pa niya sa akin napakalas na ako sa pagkakayakap din sa kanya at kumuha naman siya ng panyo at inalis yung kamay ko na nagpupunas ng luha ko ngayon.

Tinignan niya ako sa mga mata ko at hinawakan ng isa niyang kamay ang pisnge ko tapos yung isa namang kamay niya ay nagpupunas ng luha ko sa mata.

"Ayokong nakikita kang umiiyak coleen dahil nasasaktan din akong makita yung taong mahal ko na nagkakaganito , hmp anyway okay na yung mukha mo di na halatang umiyak ka tara na" sabi niya sabay hawak ng aking kamay at hinihila na ako para maglakad , wala na akong nagawa kundi ang magpahila na lamang sa kanya gayung wala din naman akong lakas para maglakad sa sarili ko..

I felt empty as well as dinudurog yung puso ko na para bang paminta sa ngayon, ang sakit sobra. First love at first heartbreak ko din ito ngayon.

Amanda's Pov

Kalat na nga dito sa University na may relasyon kami ni jaydee at madaming fans namin ang naging masaya pati din yung pamilya ko at pamilya ni jaydee ay masaya na naging kami.

Naglalakad lang kami ni jaydee ngayon dito sa hallway at magka holding hands kami , nag uusap lang naman kami ng mga bagay bagay at yung tungkol sa events nga namin sa susunod na buwan para yun sa Valentine's Day edition chuchu.

Napatingin naman ako ng diretso sa hallway at nakita ko sila frances at coleen na masayang nag uusap , napatingin naman ako bigla kay jaydee ng pisilin niya yung pisnge ko at sabay na hinalikan ako sa may labi.

Napangit nalang ako at pianghahampas siya sa may balikat sa sobrang pagkabigla ko nang ginawa niya.

Patuloy lang kami sa paglalakad at mukhang nakita na nga niya sila coleen at jaydee ngayon , nanlaki naman ang mata ko nang biglang hilahin ni Frances si coleen at niyakap ito nang mahigpit nakita ko ding niyakap din siya pabalik ni coleen.

Ewan ko lang ah may part sa akin na gusto kong itulak si frances papalayo kay Coleen ako  dapat yung kayakap ni coleen ngayon eh.

"Babe okay ka lang ba? Nagugutom kana ba? Tara sa canteen muna tayo for sure naroon na yung paborito mong pagkain" Sabi naman ni jaydee ng makita akong nakabusangot ngayon , argh nakakairita sila nasaan na ba yung mga guard dito sa school nais ko lang sana sabihin na may nag pi pda dito ngayon.

"Okay lang ako babe diretso na lang tayo sa may classroom dahil magsisimula na yung klase natin in just 5 minutes , mamaya na lamang tayo kumain sa hapon." napatingin naman ako sa may relo ko sabay binigyan ng matamis na ngiti si jaydee.

Sa pagkaisip isip ko sana may makakita sa kanilang guard at sawayin sila , tsk ang landi kitang nasa hallway sila at madaming makakakita dun pa talaga sila nag pda hays nakakainis!








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now