IASWAK6

879 99 2
                                    

Coleen's Pov

Pagulong gulong lang ako ngayon sa aking kama hindi kasi ako makatulog dahil sa tuwing ipipikit ko ang aking mata ay si amy yung naaalala ko.

Bakit mo naman kasi siya hinalikan self? Akala ko ba hindi mo type yung babaeng yun? Ano nalang iisipin niya sa ginawa mo?

Hays kahit kailan talaga tatanga tanga ka coleen eh arrghh paano na to? Tsk bakit ba ako kinakabahan ng sobra ngayon? Yung puso ko hanggang ngayon sobrang bilis paron ng tibok feeling ko magkaka heart attack na ako.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko at nanuod nalang ako sa tiktok tapos panay scroll lang ako ngayon para naman dalawin ako ng antok ngunit sa kasamaang palad may nakita akong video na naghahalikan sa may ads ng tiktok.

"Putcha naman oh! Kinakalimutan ko na nga pero bakit naman may lumalabas pa na mga ganito!" Sabay sipa ko ng mga unan sa may paanan ko naiinis na talaga ako.

Hindi ata antok ang dadalaw sa akin kundi si kamatayan dahil mukhang babangungutin ako pag natulog ako.

Arrgh nagmumuni muni lang ako dito sa kwarto ko ngayon at inaalala yung lahat na nangyari kanina.

For sure babawian kami ng D.Y Gang dahil sa ginawa namin sa isang myembro nila at lalo na si Yzabelle hindi ako magtataka kung sugurin niya kami sa classroom bukas.

Kaya kailangan ko na talagang makatulog para naman magkaroon ako ng sapat na lakas para bukas, hays paano naman ako makakatulog nito eh yung amanda na yun yung naiisip ko sa tuwing pipikit ako.

Kinabukasan

"Coleen? Anong nangyari dyan sa mukha mo? Bakit mukha kang hindi nakatulog? At alam mo para kang nakasinghot ng droga dahil mukha ka ding sabog eh!" Napahikab nalang ako sa harapan ni brei at sheki na ngayon ay nakatingin sa akin.

Ewan ko ba inaantok na ako kagabi pero ayokong ipikit yung mata ko dahil ayoko nang maalala pa yung ginawa ko.

"Oo nga mukha kang zombie coleen! Pero ang harsh mo na sa part na yun brei di naman ata susubukan ni coleen tumikim ng drugs, Tsaka coleen parang bibigay na yang mga mata mo oh itulog mo nalang kaya yan , wala pa naman si Professor Ian kaya umidlip ka na muna" nag aalalang sambit ni sheki tinignan ko naman ng masama si brei dahil ngayon lang nag sync in sa utak ko yung sinabi niya.

"Hindi ayokong matulog baka bangungutin lang ako at tsaka for your information lang ah hindi ako nag da drugs ah sadyang di lang ako makatulog kagabi" seryosong saad ko napakamot nalang sa ulo si brei at umiwas na ng tingin sa akin, baka kasi dukutin ko pa yung mata niya.

Aminado akong bully at masamang tao ako sa paningin ng iba pero hindi ko naman inisip na tumikim ng droga no.

Masama yun sa katawan at nakakalikha ng pagka hyper at delusyon ng isang tao.

"Hmp i smell something fishy! ano ba kasing nangyari nung pinalabas mo kami ng cr kahapon?" Itong si sheki kailangan na atang patahimik laging may laman yung mga sinasabi eh.

"I wonder kung may nangyari exciting part sa pagitan niyo nung magandang member ng Heartless Angels" dagdag pa nito na sanhi upang mapairap ako gayung minamanmanan niya yung kilos ko sa ngayon na hindi masyadong mapakali.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now