IASWAKS2C34

514 72 15
                                    

Author's Pov

Naghihintay lang si frances kay coleen na dumating at nakaready na din ang pagkain sa may lamesa , naroon na din si minho at nakaupo sa may upuan.

Hindi na alam ni frances ang kanyang gagawin sapagkat palakad lakad na lamang siya sa ibang sulok ng kanilang tahanan.

At nati threatened siya dahil lagi nalang magkasama sila coleen at syempre nandoon din si amanda na ex fiance nito.

Napatingin naman si frances anak niya nung tinawag siya nito dahil nga kanina pa ito nag aantay na kumain na sila sapagkat nagugutom na ito.

"Mommy? Im hungry? Can we just eat na po because daddi might spent her night with kuya cody in the hospital!" Saad naman ni minho na ikinainit ng ulo ni frances na dahilan upang lumapit siya doon at hawakan ang kamay nito nang mahigpit.

"Who told you to call them ate and kuya? Look minho! They are not your brother and sister at itatak mo yan sa kukute mo! They are our rivals!" Malakas na pagkakasabi ni frances sa kanyang anak bakas naman ang takot na nadama ng bata dahil sa inasal ni frances.

"Mommy? You're hurting me! Please stop Im getting scared of you na , stop acting like this mom. They did nothing wrong mom? They are nice to me so why would I avoid them? Daddi wanted me to be close to them!" Medyo naiiyak na sabi ni minho sa kanyang ina na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya at namumula na nga ang kanyang kamay dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa kanya ni frances.

"Talagang masasaktan ka talaga lalo na if ipagpatuloy mo yang pagmention sa anak sa labas ng daddi mo! Tandaan mo minho! Hindi mo sila kapatid! Kalaban natin sila sa atensyon ng daddi mo! Just listen to me! Stop defending them could you? I'm your mom and you must obey me!" Dagdag pang muli ni frances saka binitawan ang kamay ni minho na ngayon ay umiiyak na dahil sa takot na nadarama sa kanyang ina.

Bumakat din ang matinding pagkahawak nito sa kamay ng kanyang anak , napadako naman ang tingin ni frances sa may labasan nang may marinig siyang busina ng sasakyan at mukhang si coleen na nga iyun.

"Stop crying for pete sake! Naiirita na ako sa ingay mo minho! Pag hindi ka tumigil dyan makakatikim ka talaga sa akin!" Galit na sabi ni frances saka naglakad na upang pagbuksan ng gate si coleen.

Napapunas naman ng luha si minho dahil sa takot niya kay frances na baka saktan na naman siya nito , laging ganun ang ganap sa bahay nila sa tuwing sila lang dalawa.

At napapansin din ng bata na sobrang init ng dugo sa kanya ng kanyang mommy kahit wala naman siyang ginagawa na ikakagalit nito.

"Oh hon? Good evening pasensya at ngayon lang ako nakarating , traffic kasi eh kung kaya'y nalate ako ng uwi? Kumain na ba kayo ni minho? May dala akong lechon kawali ngayon tsaka cookies and cream na icecream na paboritong paborito niyong dalawa" masayang bati ni coleen sa kanyang asawa at binigyan ito ng halik sa pisnge , napangiti din naman si frances dahil sa ginawa ni coleen at niyakap niya ito.

"Uhm what's wrong hon? Tara pasok na tayo sa loob dahil malamig lamig na dito sa labas at matutunaw na din tong icecream" sabi ni coleen saka pumasok na sila ng bahay napadako naman ang tingin kaagad ni coleen sa kanyang anak na namumula ang mga mata.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now