IASWAK7

892 88 0
                                    

Amy's Pov

Natapos na yung first and second period namin at ngayon ay nag bell na dahil recess na , ito ang paboritong oras ng mga estudyante katulad ko since mahilig akong kumain.

Nakatingin lang naman ako sa harapan ngayon , hindi kasi mawala wala sa isipan ko yung ganap kahapon sa cr , para akong timang na hindi makapaniwala na nag eexist ang ganung eksena.

"Hoy mandeng! Ano wala ka na bang balak tumayo dyan sa upuan mo at mag ayos ng gamit mo? Pupunta na tayo sa cafeteria oh dahil nagugutom na kami ni jaydee!" Singhal ni laney sa akin pero nakatingin lang ako sa kanya ngayon na para bang walang iniintindi sa mundo.

"Amy? Nabingi kana ba? Bakit nakatingin ka lang saamin na para bang timang ah? Hoy amanda?!" Nag aalalang tanong sa akin ni jaydee bigla naman akong natauhan ng kurutin ni laney yung gilid ko.

"Aray! Bakit mo naman ginawa yun laney ang sakit ah? Makakurot wagas ah? Mapanakit ka talaga sañosa kahit kailan!" Daing ko sabay hawak ng tagiliran ko dahil sobrang sakit nito dahil sa kurot niya napatawa nalang siya dahil sa naging reaksyon ko.

"Ano ba kasing iniisip mo dyan! Kanina ka pa namin kinakausap ni jaydee pero panay ka lang tingin sa amin na pawang wala kang naririnig , ayan edi ngayon okay kana at ramdam mo na na may kasama ka pa pala , kaaga aga nagdi daydream ka na naman." seryosong tugon niya sa akin , napatingin nalang ako sa paligid at unti nalang yung natitirang kaklase namin na nandito pa.

Wala na rin si coleen dito sa room , ay wait bakit ko ba siya hinahanap? Arrghh nababaliw kana ba talaga amanda?

"Ah wala wala tara na nga sa cafeteria! Baka maubusan pa tayo ng upuan doon gayung madaming mga estudyante na ang nakaalis sa classroom." Sabay sukbit ko ng bag ko sa may likod ko at nag umpisa ng maglakad , hinabol naman nila akong dalawa at ngayon ay napapagitnaan na nila ako.

"Amanda? sure ka bang okay ka lang ah? May dark circles ka din which means hindi ka nakatulog ng maayos , may insomnia ka na naman ba?" Sabay akbay sa akin ni jaydee , tumango naman ako at nginitian siya dahil roon.

"Tama ka dyan hindi talaga ako masyadong nakatulog kagabi ngunit okay lang naman ako jaydee , I need rest lang siguro" mahabang litanya ko at napatango na lamang siya habang nilalakbay namin ang daan patungong cafeteria.

Nakarating na kami sa may cafeteria at as usual pinagtitinginan kami dito , napaupo nalang kami sa may bandang harapan at si laney na nga yung nag order ng pagkain.

Nakangiti lang ngayon si jaydee sa may gilid ko at di ko alam kung ano ang iniisip ng babaeng to.

"Hoy jaydong! Anong ngiti yan! Para kang timang kung may binabalak ka man na kung anong kasamaan ay itigil mo yan ngayon din!" natatawang saad ko sa kanya sa tuwing makikita ko siyang ganito ay ibig sabihin nun may naiisip siyang pantitrip sa akin eh.

"Wala naman akong binabalak gawin amanda pero baka ikaw meron kanina ka pa nakatingin sa akin eh!" Pang aasar niya pa sa akin inirapan ko naman ito dahil ang pi feeling na naman na tinititigan ko siya kahit hindi naman.

"Alam mo ang ganda mong babae jaydong pero paki bawas bawasan ang hangin sa ulo huh baka mabaliw ka eh! Mahirap na pag nawalan kami ng main dancer sa grupo at isang pang malakasang visual." pang aasar ko pa sa kanya , ngumiti naman siya ng nakakaloko sabay nilabas yung dila niya.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now