IASWAK28

626 75 2
                                    

Coleen's Pov

Nakayakap parin si frances sa akin at umiiyak nga siya , pinilit ko nang tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin at tsaka pinunasan ang mga mata niya.

"Wag kana umiyak , mas sasakit yang ulo mo magpahinga kana lang muna , nakainom kana ba ng gamot?" Concern kong tanong sa kanya , ang bilis mamugto ng mga mata niya at nalulungkot ako na tignan siya lalo na at nag aapoy pa siya sa init.

"Yung puso ko yung mas nasasaktan coleen , sana ako nalang nilalaman ng sayo , sana nasa akin nalang yung atensyon mo tinatry ko naman eh pero sana naman bigyan mo din ako ng pagkakataon , alam mong mahal kita coleen at nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka din dahil kay amy" mahabang ani niya napayuko nalang ako , masyado ko na bang inabuso yung nararamdaman niya sa akin? Binaliwala ko nalang yun kasi hindi ko kayang suklian yun.

"Frances---" hindi na natapos yung sasabihin ko dahil lumapit niya sa akin bali sobrang lapit ng mukha niya at hinawakan niya yung dalawang kamay ko at inilagay sa may bewang niya.

"Let's just try okay?" Sabi niya bago niya ako isiniil ng halik , napaestatwa naman ako at nang medyo tumagal ang paghalik niya sa akin ay hinawakan ko na siya at inilayo sa akin.

"Frances stop , may lagnat ka ngayon tsaka baka mahawa din ako pag nagkataon" pagpapalusot ko dahil hindi nga ako tumugon sa mga halik niya ta tsaka sobrnag init ng katawan niya , hindi naman ako takot na mahawaan takot lang ako na baka mag expect siya sa akin.

"Grabe coleen , hindi lang dahil may lagnat ako kung bakit ka umiiwas at hindi tumutugon sa mga halik k-ko" sabi naman niya at bumuhos na naman ang mga luha niya sa mga mata , hindi ko siya mahawakan at magawang icomfort kasi baka mas lalo ko lang siya na masaktan.

"Its not that frances---"

"Bakit ba ang manhid mo ah! Bakit ba si amy nalang ang nakikita mo? Ako tong palaging nandito sayo coleen! Tignan mo naman ako kung paano mo tignan si amanda! Hanggang kaibigan nalang ba talaga ang maibibigay mo sa akin? Ang sakit ah! Tama nga sila hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka din kagaya ng pagmamahal mo sa kanila , sige na coleen umalis kana lang please" sigaw niya sa akin napatingin nalang ako sa kanya nalulungkot ako dahil sa akin pa talaga siya nagkagusto , madami pang tao na deserve yung pagmamahal niya.

At hindi talaga ako yun,. Once kasi na magkagusto ako sa isang tao ay hanggang dulo na talaga yun , wala man akong pag asa kay amy pero siya malaking ang pag asa para sa akin.

She's my love, my life , my beginning at siya lang talaga ang nakikita ko sa future na makakasama ko habang buhay , I can explain kung bakit siya ang napiling mahalin ng puso ko pero masaya ako na siya ang minahal ko.

"Magpagaling ka frances , ayun lang ang gusto kong hilingin ngayon alagaan mo ang sarili mo and im sorry dahil hindi ko kayang ibalik yung pagmamahal na deserve mo" nagpaalam na ako sa kanya and then lumabas na ako ng kwarto niya , naglakad na ako pababa at nagpaalam na din ako sa mommy niya.

Nakasakay na ako sa kotse ngayon at patungo na akong condo unit ko , napapaisip ako na bakit kaya kung sino pa ang minamahal mo ay siyang tao na wala kang kapag a pag asa or hindi ka din kayang mahalin?

Pwede bang magtagpo nalang yung taong nagmamahalan talaga? Yung pag mahal mo yun dapat mahal ka din niya para fair pero walang ganun dito sa mundo kasi nga unfair eh.

Unfair sa part mo na magmahal ka nang patago dahil nga walang gusto sayo yung taong gusto mo at hindi mo naman sila mapipilit.

Basta kahit anong mangyari ay maghihintay pa rin ako na ako naman ang mahalin ni amy hindi ako magsasawangag antay sa kaniya na mahalin din ako.

Maya maya ay nakarating na ako ng condo ko at naabutan ko na naman dito si ate abby , bakit napapadalas ang pagpunta niya dito ngayon? Tapos parang lagi siyang may gustong sabihin sa akin ngunit hindi naman niya nasasabi.

Ang weird lang ng kinikilos niya this past few days , inilapag ko nalang yung dala kong bag and then kumuha ako ng isang can beer dahil umiinom nga siya this time.

"Coleen? Take a sit"

"Bakit ang tamlay mo ate abby? Tsaka sabihin mo nalang kaya sa akin yung nilalaman ng isipan mo mukhang bumabagabag yan sayo eh , if you mind magkwento ka nalang sa akin at makikinig naman ako sayo" sabi ko sa kanya sabay bukas nung can beer na hawak ko ngayon , hindi pa ako nakakain ng hapunan pero nag beer na ako ngayon.

"Wag kang mabibigla ah , i found out something at sana kayanin mo tong sasabihin ko sayo" medyo natawa naman ako nang mahina bakit ang seryoso naman masyado ni ate abby , mabigat ba talaga yung dinadala niyang problema ngayon?

"Ang seryoso mo naman masyado ate abby ano ba yun? Sabihin mo na agad sa akin dahil nako curious na akong malaman yun" nilagok ko na muna yung beer bago tumingin muli sa kanya na naluluha na ngayon , anong meron?

"Nalaman ko na buntis pala si tita nung time na naaksidente sila ni tito at mukhang itinago nga sayo iyon ni tito" halos mailabas ko naman lahat ng ininom ko na beer sa bunganga ko dahil sa nalaman ko, what buntis si mom? So ibig sabihin kung hindi siya namatay ay may kapatid na sana ako?

"Ano?! Paanong nangyari na nabuntis si mom eh magkalayo naman sila ni dad?" Takang tanong ko ni minsan nga lang sila magkita eh tapos mabubuntis pa si mommy? Tsk impossible.

"Tita cheated on your daddy coleen , that's why nung nalaman ni tito baka nagalit siya and then na frustate tapos hindi na namalayan na may truck silang nakasalubong and then nung niliko niya iyun ay nabangga sila sa may poste" napakuyom naman ako no hindi kaya ni mommy na magcheat kay dad , baka si daddy oo likas na babaero na siya eh.

"No hindi yan totoo ate abby , mommy wouldn't cheat on dad kahit ganun yun ka tarantado si dad ay mahal na mahal niya padin iyun" pangangatwiran ko hindi magagawa ni mommy yun kilala ko siya at alam kong hindi niya kayang gawin yun.

"Its true coleen , here's the paternity test nung fetus na nakita sa mommy mo , its negative sa dna ni tito" halos manlumo naman ako sa nalaman ko , how come na hindi si dad ang ama? So mom cheated on dad? That's why galit na galit si daddy sa kanya?

"Then who is the father then ate abby? Kilala mo na ba kung sino?" Naiiyak na tanong ko tumango naman siya halos mabagsakan ako ng lupa dahil sa nalaman how come is this possible? I thought si daddy ang may kasalanan? Pero bakit nagawa ni mommy yun?

"Yeah actually kilala mo yung anak niya coleen , hindi lang kilalang kilala kundi kaklase mo pa siya" emotional na sabi ni ate abby at ininom na yung beer na hawak niya , nayupi naman yung can beer na hawak ko dahil sa galit ko.

Sinong kilalang kilala  na tao ang tinutukoy ni ate abby? Is this from my circle? Or sa kaklase ko? Pero sino sa kanila? Pag once na malaman ko hindi ko nalang talaga alam kung ano ang magagawa ko dun sa taong yun.








Don't forget to vote and feel free to comment down below your thoughts or anything 💕 coleenapuratrinidad ayan na mare sorry late cheer up🥺

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now