Chapter 8

264 98 30
                                    

Chapter 8
"Are you avoiding me?"
***


"This is embarrassing as hell," I mumbled as I closed my eyes. Narinig ko agad ang tawa ni Klare dahil do'n.

"You don't have to be shy. May sakit ka kaya binubuhat kita." natatawang saad ni Clyde habang naglalakad at buhat-buhat ako.

Napanguso na lang ako at huminga nang malalim. Mainit na ang katawan ko pero mas lalo pang nag-iinit ang pisnge ko dahil sa sobrang kahihiyan.

I can hear indistinct murmurs but I paid them no mind. Bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin. Nahihiya ako kay Clyde pero pinabayaan ko na lang siyang buhatin ako dahil masakit pa rin ang ulo ko. Naglalakad siya sa hallway ng school habang buhat-buhat ako sa likod niya. Sino ba ang hindi mahihiya? Mukha akong bata na karga-karga ng tatay!

At hindi lang naman ito ang rason kung bakit ako nahihiya. Hindi pa rin nawawala ang hiya na nararamdaman ko dahil sa nangyari kanina. I still can't believe that I acted that way in front of Romeo! Parang ayaw ko nang magpakita sa kahit na sino dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko.

Pero nakakaramdam rin naman ako ng saya at kilig. He carried me like that for the second time. He helped me again and it means that he's concerned for me. Hindi ko alam kung pinuntahan niya talaga ako kanina o coincidence lang 'yon, pero kahit ano pa 'yon ay sobrang saya ko pa rin. He even called me by my first name with his wonderful voice! Sana tawagin niya akong gano'n araw-araw.

"Ayaw kasi uminom ng gamot ng gaga." narinig kong sabi ni Klare. Sumusunod siya sa amin kasi pupunta rin daw siya sa bahay para alagaan ako.

"She really still hates drinking gamot?" mapanudyong tanong ni Clyde at agad naman sumagot si Klare para magreklamo tapos parehas nila akong sinermonan. Ngayon pa talaga sila mag-iingay kung kailan may sakit ako? Puwede namang mamaya na lang nila ako sermonan, eh!

I groaned to make them stop. "Wala kayong magagawa. Ayaw ko, eh. Huwag na lang nga kayong maingay at maglakad ka na lang d'yan, Clyde!" pagmamatigas ko habang nakabusangot.

"Wow. Ikaw pa masungit? Ang bigat mo kaya!" sabat naman niya kaya sumama agad ang tingin ko at malakas na hinampas ang likuran niya. "Aray!"

"Nakakairita ka,"

Malakas siyang tumawa. "Sorry na, Madam. Kumapit ka lang nang mabuti diyan kung ayaw mong mahulog. Sige ka, ilalaglag kita!" banta niya sa akin habang nagpipigil ng tawa. Alam ko naman na hindi niya gagawin 'yon pero nanahimik na lang ako at kumapit sa leeg niya.

Pagkalabas namin, bumungad agad sa'min ang driver ni Clyde na si Manong George at isinakay ako sa back seat. Katabi ko si Klare sa likod at nasa passenger seat naman si Clyde. Sumandal na lang ako sa balikat ni Boo at nagsimulang matulog.

I woke up because of the cold thing on my forehead. I slowly opened my eyes as I blinked to clear my vision.

"You're finally awake!"

Hinanap ko agad ang pinagmulan ng boses na 'yon. I thought it was Klare, but I'm wrong. It's Jasmine, looking worriedly at me. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ko nang makita siya.

"What are you doing here?" Mabilis akong napaupo habang nagiging alerto sa presensya niya. Nabigla siya sa bahagyang pagtaas ng boses ko kaya tumayo siya.

"S-Sorry! Did I scare you? I was just trying to take care of you because you're sick. Dinala ka rito ng kaibigan mong si Clyde at Klare kanina pero umuwi na sila kasi madaling araw na. Tito and his wife can't go home tonight because they still have something to do, that's why ako na lang ang nangako na mag-aalaga sa'yo," she explained quickly, parang nagpapanic siya dahil ayaw niyang ma misunderstood ko actions niya.

Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya. Hindi ko pa rin mapigilang makaramdam ng takot kapag nakikita ko siya.

"Why are you looking at me like that? Natatakot ka pa rin ba saakin? I told you, I'm not the person you knew before. Magkamukha lang kami. She's dead, isn't she? Sana naman ay 'wag mong isipin na ako siya..." She formed an assuring smile as if she wishes to eliminate the negative thoughts in my mind. "Sabi ko naman, dead people never come back."

Pilit ko na lang din ngumiti. She's wrong. What she believes isn't true. I was dead but was reborn in this world. I came back to life even though the girl who had the same face and name as her killed me.

I died but was reborn. Same as Romeo. Pati rin kaya siya?

Biglang nawala ang ngiti niya at nag-aalalang tumingin saakin. "Sorry. Alam ko naman na hindi gano'n kadali ang gusto kong gawin mo lalo na't hindi ko naman alam ang nangyari sa'yo. I can cover my face while taking care of you so you won't remember that dead person if you want. But please, let me take care of you."

Kinuha pa niya ng panyo na nasa side table ko at itinakip ito sa mukha niya. Natigilan ako dahil sa pagtataka, but when I realized what she was trying to do, I laughed out loud without even noticing it. Nakita ko kung paano siya nataranta dahil sa gulat at agad na tinangal ang panyo niya para itanong ako kung bakit ako tumatawa.

"Why?" Tiningnan niya pa ang paligid para alamin kung may ibang nangyayari na nagdahilan ng pagtawa ko. Her movements were clueless and innocent. It's making me feel guilty because I assumed that she was the Jasmine I knew in my past life.

"I'm sorry, nabigla lang ako kasi hindi pa ako masyadong familiar sa'yo. Dala lang din siguro ng lagnat kaya gano'n ang naging reaction ko, prro don't worry, I won't be afraid of you anymore." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti at mukha namang napanatag na ang loob niya. "Tama ka, hindi naman na babalik ang babaeng kamukha mo na kilala ko. Sorry for my rude actions until now. Salamat rin sa pag-aalaga sa akin. However, I can take care of myself now and you must take a rest na—"

"No!" Pagpuputol niya sa sinasabi ko. Natigilan ako dahil do'n. Did I say something wrong again?

"If you want me to forgive you, then let me take care of you. Sanay naman na akong magpuyat. I always stay up late because I always spend my time playing video games when I was in France. Alas-dose pa lang at maaga pa 'yon para sa'kin." she proudly said with a wide grin.

Napalitan ang expresyon ko ng pag-aalala. Nakakahiya dahil ginagawa niya pa 'to para sa'kin kahit hindi niya pa naman ako tunay na kilala. "But--"

"No more buts!" she cut my words short again. "You have to rest and please let me take care of you. And wait— I cooked lugaw! Tito told me that when your Lola cooks lugaw for you whenever you're sick tapos you'll get better na raw agad. Hindi 'yon kasingsarap ng luto ng Lola mo but I still tried my best. Teka, kukunin ko lang, ha!"

Hindi niya na ako hinayaan pang makapagsalita. Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon, tuluyan na syang lumabas ng kwarto. Patakbo pa itong bumaba ng hagdan kaya narinig ko ang mga yapak nyang nagmamadaling pumunta sa kusina. Napatawa ako dahil doon.

She just looks like the Jasmine I knew in my previous life, but that doesn't mean that she's really her. Siya ngayon si Jasmine Cassidy, my cousin who is innocent and caring. Maybe I can give her a chance. Maybe she's different.

...

"Ano, gulat ka 'no?" Taas pagmamalaki ni Klare pagkatapos nyang sabihin sa akin ang grade naming dalawa. May sakit ako kahapon kaya siya lang ang mag-isang nagpresent ng report namin. Who would have thought that we would have the highest grade? Hindi ko inaasahan na mataas ang makukuha naming score dahil sabi niya ay hindi daw niya na-review ang report namin kaya inaamin ko na medyo nagulat nga ako. Matalino naman talaga siya kaya may tiwala ako sa kanya. Tamad nga lang siya mag-aral at gumawa ng mga assignments.

Nandito kami ngayon sa cafeteria habang kumakain at iunagkwekwentuhan. Late na kasi ako nakapasok kanina kaya hindi na kami nakapagkwentuhan kaninang umaga. Napuyat ako dahil sa sakit ko. Buti na lang maayos na ang pakiramdam ko nung nagising ako, salamat kay Jasmine na inalagaan at binantayan ako kagabi. Ayaw nga sana ako papasukin ni Jasmine at Clyde pero nagpumilit ako kaya wala silang nagawa.

Natawa ako dahil sa sinabi ni Klare dahil kitang-kita ko kung gaano siya ka-proud sa nabuo niyang grades kahit wala ako. "Oo na. Pero alam ko naman talaga na kaya mo, eh. Hindi ko lang talaga ine-expect na tayo ang magkakaroon ng highest grade."

"Syempre naman, Boo! Duh, tamad lang ako mag-aral pero hindi ako bobo," Tumawa siya dahil sa sarili nyang sinabi. "Anyway, si Romeo at ang partner nya ang pangalawang nakakuha ng highest grade. In fairness, basta talaga si Romeo palaging second place." She gave me a meaningful smile which made my cheeks flush.

Napangiti din ako sa sinabi niya. I expected that to happen. Totoo naman kasing matalino si Romeo kahit naman noong past life namin. He is the smartest and most talented person in his nation and that's why he was the heart of their empire. Magaling siya sa lahat at isa 'yon sa dahilan kung bakit nahulog ako sa kanya. Doon nagsimula ang lahat.

Ngayon naman, ako ang rank one sa klase habang si Romeo ang pangalawa. Syempre, I have the memories of my past life kaya naman mas gumagana ang utak ko kaysa sa mga normal na-kaedad ko. I was a princess in my previous life, so it's normal for me to be smart. Binuhos ko kasi ang lahat ng oras ko sa pag-aaral noong panahon na iyon. It was important for a person who has royal blood or is a noble to have outstanding skills and knowledge. I used my knowledge from my previous life, so it was easy for me to understand some things ever since the moment I regained my past memories.

"By the way, Boo. Sino ang babaeng nasa bahay niyo kanina? Mukhang amerikano!" pagbabago niya ng usapan.

Muntik na ako matigilan dahil sa tinanong niya. Uminom muna ako ng juice bago siya sagutin. "Pinsan ko siya. Anak ng kuya ni Daddy. She was born and grew up in France but she's pure Filipina."

"Ah... kay," aniya habang puno ng pagkain ang bibig niya. Napailing-iling na lang ako dahil sa ginagagawa niya. Lagi nya sinasabi saakin na "Don't talk when your mouth is full" pero siya naman mismo ang gumagawa non.

"Mabait ba siya?" tanong niya ulit pero ngayon, nalunok niya na ang kinakain niya.

Ngumiti ako at tiningnan ang plato ko. Ngayon ko lang napansin na na-ubos ko na pala ang pagkain ko. Muli na lang akong tumingin kay Klare. "Yeah, I think so?"

Kumunot naman ang noo niya. "Anong you think so? Hindi ka sure?"

Umiwas ako ng tingin. Gusto kong iwasan ang mga tanong niya pero kapag ginawa ko 'yon siguradong mas lalo niya akong kukulitin hanggang sa masagot ko ang mga gusto niyang malaman. Huminga na lang ako nang malalim. "Feeling ko naman mabait siya. She took care of me last night and she even stayed up late for me. Kaya nga lang, hindi ko pa siya masyadong kilala kaya hindi ko masasagot nang sigurado ang tanong mo."

"Eh? Base naman sa kwento mo halatang mabait 'yang pinsan mo. Inalagaan ka pa nga, 'di ba? Bakit kung makapagsalita ka d'yan parang mayro'n kang trust issues diyan?"

Nagkibit balikat ako. "Hmm... it's hard to trust people easily. Pero mukhang magiging close and comfortable na rin kami sa isa't isa kasi magpinsan kami. It's just a matter of time to get to know each other." Kinuha ko ang baso ng juice ko at tuluyan na itong inubos.

Totoo naman kasi na may trust issues ako. Noon ngang nakipag-kaibigan saakin si Klare, hindi ko rin siya noon pinagkatiwalaan at halos iwasan ko siya dahil hindi naman talaga ako friendly. Pero no'ng nakilala ko siya, I gave her my full trust and it was worth it.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng pagdududa sa katauhan ni Jasmine. Hindi naman 'yon madaling maalis dahil sa sinapit ko noon pero gusto ko nang alisin 'yon sa isipan ko. These thoughts are worthless. Pinsan ko siya at dapat ay hindi ko siya pinagdududahan. I already told myself that I wouldn't judge her personality just because she looks like the person I hate the most, pero bakit ang hirap?

Sa ngayon, unti-unti nang gumagaan ang loob ko sa kanya. Unti-unti ko na siya nakikilala. She's a good person. Sigurado akong kapag nawala ang pagdududa at takot sa puso ko ay magiging normal na rin ang pakikitungo ko sa kanya. I just need to erase these negative thoughts from my mind.

"Klare, tara na. Balik na tayo sa classroom." pagyaya ko sa kaniya bago pa ako lunurin ng pag-iisip. Tapos na kasi syang kumain at gusto ko na rin kasing pumunta sa classroom. Maaga pa naman pero baka ma-late kami sa susunod na klase kung hindi namin bibilisan.

Inayos muna namin ang aming pinagkainan bago tumayo. Maglalakad na sana kami pabalik sa classroom pero nakita ko ang taong hindi ko inaasahang nasa harapan ko ngayon. the person who always makes my heart beat fast like a drum—Romeo. Nakatingin lang siya sa mukha ko at hindi ko maintindihan ang expresyon niya. Nakakunot pa ang noo niya at malalim ang titig sa akin. Galit ba siya? Did I do something wrong? Did I do something that made him mad again?

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang kabaliwan na nagawa ko kahapon. My cheeks burned because of embarrassment. I was sick yesterday and I was not in my right mind at that time! Nakakahiya naman! Iniiwasan ko nga siya dahil sobrang nahihiya ako at hindi ko siyang kayang harapin, tapos nandito siya sa harapan ko at mukhang galit pa?

My knees weakened because of his deep, confusing gaze. Muntik na nga ako matumba sa sahig pero buti na lang napakapit ako sa upuan na nasa gilid ko. Mas lalo akong mapapahiua kung nagkataon na nahulog talaga ako. Magpapakain talaga ako ng buhay sa leon kapag nangyari 'yon!

Umiwas agad ako ng tingin. "Hi, Romeo! H-How are you?" I asked and laughed awkwardly.

Muntik ko na masampal ang sarili ko dahil sa tanong na 'yon. 'How are you?' What kind of question is that? Mukha ngang galit, oh! Tapos tinanong ko pa kung kamusta siya? Matalino ako pero bakit nagiging bobo ako sa ganitong mga bagay?

"Tinatawag tayo ni Mrs. Velasquez. Punta daw tayo sa principal's office." Umiwas siya ng tingin pagkatapos niyang sabihin 'yon kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Akala ko papatulan niya ang walang kuwentang tanong ko sa kanya kanina. Pinapatawag lang pala kami ng Principal, pero bakit parang galit ang expresyon niya? Akala ko ba hindi niya ako kinamumuhian, pero bakit tinitingnan niya ako tulad ng pagtingin niya sa'kin noon?

Pero may iba. It's not a stare out of hate. Parang may kinaiinisan siyang ibang bagay kaya gano'n niya ako tingnan. Basta, hindi ko maipaliwanag. Kinakabahan tuloy ako dahil doon.

Tumingin ako kay Klare. Tumango siya na para bang sinasabing pumunta na ako doon. Ngumiti na lang ako at saka tumingin muli kay Romeo. Iba na ang expresyon niya. Kalmado na siya ngayon. Nabawasan ang kaba ko dahil doon.

"S-Sige, punta na tayo?" Mas nilawakan ko ang ngiti ko para hindi niya mahalata na naprapraning nanaman ako. Kahit gaano ko pa i-kontrol ang sarili ko, hindi ko pa rin mapigilang mautal kapag si Romeo ang kausap ko. Kailan ba ako masasanay na makausap siya nang hindi nauutal o nagkakamali? I'm afraid that my words and actions might annoy him again. 'Yon nga ang pinaka iniiwasan ko!

Hindi na siya nagsalita pa at tumalikod saka nauna nang naglakad paalis. Natulala pa ako dahil do'n, buti na lang siniko ako ni Klare kaya nabalik ako sa realidad.

"Heller girl! Nasa Mars ka ba?" pangangasar niya sa'kin.

Inirapan ko na lang siya dahil sa sinabi niya. "Mauna ka na sa classroom. Susunod ako." wika ko saka patakbong sumunod kay Romeo.

Naglalakad lang ako sa likuran niya. Hindi ganoon kalapit ang distansya namin pero naaamoy ko na ang bango niya. Lihim akong napangiti dahil dito. His smell is my favorite scent.

Muntik nanaman ako mahulog sa kawalan pero naalala ko nanaman ang kalokohang nagawa ko kahapon. Kinagat ko ang labi ko at naramdaman kong mas lalong uminit ang pisngi ko. I was happy because he carried and helped me, but those things I said to him were embarrassing! Ayos lang sana kung sa iba ko nasabi ang mga salitang 'yon dahil wala akong pakialam na mapahiya sa ibang tao. Bakit ba kasi si Romeo ang kasama ko sa panahong wala ako sa sarili? Sana binura niya na lang sa isipan niya ang pangyayaring 'yon.

Malapit na kami makarating sa Principal's office pero bigla na lang syang huminto sa paglalakad. What he did surprised me so I stopped walking, too. I stared at him, waiting for him to say or do something.

"Aren't you gonna ask why the principal called us?" seryosong tanong niya pero hindi pa rin siya humaharap sa akin.

Napalunok ako dahil sa boses na 'yon. Why is he being so serious?

Pero tama naman siya. I didn't ask him why the Principal called us. Dapat nga ay kinakabahan na ako ngayon dahil pinapatawag kami ng principal pero si Romeo kasi ang nasa isip ko kaya hindi ko na nagawang maisip 'yon. At isa pa, wala naman akong ginawang kasalanan kaya imposibleng papagalitan ako ni Mrs. Velasquez nang walang dahilan.

Napakamot ako sa batok ko at nahihiyang tumawa. "Hindi na ako nagtanong. Malalaman rin naman kasi natin kapag nando'n na tayo sa Principal's office."

Saglit siyang nanahimik. Natigilan ako dahil bigla siyang humarap sa akin at seryoso akong tiningnan. Umiwas ako ng tingin dahil kakaiba nanaman ang tingin nya. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa titig niya! Nanlalamig ang buong katawan ko at halos mawalan na ako ng hininga dahil sa kaba at pagtataka.

I want to ask him what's happening but I can't speak. Pinipigilan akong magsalita ng malalamig niyang mga mata.

"Juliet..."

Napatingin ako dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. It's not the first time he called my name but this time it was different. May kakaiba sa tono ng boses niya. Napalunok ako nang muling magkaharap ang mga mata namin. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Mas mabilis ito kaysa kanina. My heartbeat is deafening me but I can still hear how my breath has deepened.

"R-Romeo?" patanong kong binanggit ng pangalan niya. I thought he would look away like he always does whenever I stare at him, but this time is different. Sa halip na umiwas ng tingin, patuloy niyang ipinako ang mga mata niya sa akin kaya halos lamunin na ako ng kahihiyan at sobrang pagtataka.

His next move caught me off guard. Dahan-dahan syang naglakad papalapit sa akin kaya muntik na akong mataranta. Hindi ko alam ang dapat kong gawin kaya umatras na lang ako. Umatras lang ako nang umatras habang siya ay palapit nang palapit sa akin.

He walked closer and closer until I found myself with my back against the cold wall, leaving me feeling trapped and unable to continue moving backwards. Hindi na ako nakagalaw dahil dito kaya hinintay ko na lang ang susunod na mangyayari.

Pinanood ko si Romeo na palapit nang palapit sa akin. I couldn't think clearly and it felt as though my brain was on the verge of exploding.

Iiwas na sana ako para mawala ang awkwardness pero hinarang niya ang dalawa niyang kamay sa pagitan ko. He trapped me against the wall, causing my eyes to widen.

What the—isn't this cliche scene only supposed to happen in movies?

But it's impossible. Hindi ako nananaginip. I can sense the warmth of his breath as our faces are just inches apart. His jaw clenched and I can still feel the sharpness of his gaze. With a serious tone of voice, he asked,

"Juliet, are you ignoring me?"

I Saved Romeo Where stories live. Discover now