Chapter 4

337 102 49
                                    

Chapter 4
Happy Birthday

Hindi ko alam kung ano ang salitang ilalabas ko para makapag-umpisa ng conversation kay Romeo. He's being too quiet, and I don't want that. Minsan na nga lang mangyari ito, once in a blue moon, tapos ganito pa? Nooo! Hindi ako papayag na matapos ang araw na ito na hindi busog ang tainga ko sa maganda niyang tinig!

Natatakot lang talaga ako na baka kapag may nasabi akong hindi niya magugustuhan ay magalit nanaman siya sa akin. Alam ko naman na malala ang anger issues niya kapag kasama ako. Kaya ngayon, nagdadalawang isip ako kung magsasalita ba ako o hindi. Nabibingi na ako sa katahimikan.

Nakanguso lang ako habang nakatingin kay Romeo. Nangunguna siya sa paglalakad at ako naman ay parang buntot na nakasunod sa kanya. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero alam kong nakakunot ang noo niya ngayon dahil sa inis. Naglakad na lang kami dahil malapit lang naman ang bahay namin sa mall at wala rin kasi kaming pera. Parehas lang kami ng barangay kaya magkalapit lang ang bahay namin.

He became more furious when he realized that we don't have money to commute. Wala naman akong dalang pera kasi nagpalibre lang ako kay Klare ng pamasahe. Hindi ko naman alam na mangyayari ito, eh.

Hindi naman sa pinagsisisihan ko ang mga nangyayari ngayon. Honestly, I'm very happy but afraid at the same time. My emotions are all jumbled up. I don't even know what I should be feeling.

Magkasama kami ni Romeo ngayon at 'yon ang matagal ko nang gusto. I've been waiting for this moment for so long, but this is not what I wanted. I'm with him, yet I don't feel it. His gaze is always frightening and intense when he looks at me, and he remains silent when there's nothing important to discuss. I wish the time could stop so our moment together can be extended.

Ano ba ang tingin niya saakin, multo? Why does he need to make everything so awkward? Bakit ba galit na galit siya saakin na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema sa mundo? Masyado kaya akong maganda para maging isang problema.

Mas nanulis ang nguso ko. My feet were in so much pain, but I couldn't rest because he just kept on walking. He might leave me if I stopped for a moment to take a rest. I still don't know the way back home.

"Romeo, can we rest muna?" I asked him. My knees were getting weak because we've been walking for a while now. I might collapse if I don't rest for a bit. "Just a few minutes?"

Hindi siya huminto o sumagot man lang at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung mas bumilis ba ang lakad niya o bumagal lang ang lakad ko. All I see is him walking away.

"Hoy, Romeo!" tawag ko sa pangalan niya pero hindi pa rin siya sumasagot o lumilingon. Tatakbo sana ako papunta sa kanya pero bigla akong natapilok. The heck?! Ang pangit na nga ng scenario namin tapos bigla pa akong natapilok?

I groaned when I felt something painful on my right knee. Sinubukan kong tumayo pero sobrang nanghihina na ang mga tuhod ko. I tried to call Romeo's name for help again pero tuluyan na siyang nakalayo. I don't think I can reach him because he walks too fast. Nagsimulang tumulo ang luha ko dahil nasasaktan ako sa pagbabalewala niya sa akin. Does he really hate me this much? Does he think I'm just making all of this up to get his attention?

Feeling ko tuloy may mala heartbroken background music na nag-play sa paligid ko dahil sa sobrang drama ng nangyayari sa akin ngayon. Oo na, ang dramatic ko pero ano na ang gagawin ko ngayon? How can I go back home? I don't know the way.

I Saved Romeo Where stories live. Discover now