Chapter 3

374 104 51
                                    

Chapter 3
Church

****

"Pati ba naman sa simbahan sinusundan mo si Romeo? At talagang dinamay mo pa ako sa kalokohan mo?"

Ramdam na ramdam ko ang inis ni Klare pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. Patuloy kong pinagmasdan si Romeo na ngayon ay kasama ang nanay niya. Tumatawa siya habang kausap ito.

Kitang-kita ko pa rin ang ganda ng ngiti niya kahit malayo siya sa akin. Damn! Sobrang cute at guwapo niya talaga.

Nandito kami ngayon sa simbahan. Kasama ko si Boo at nagtatago kami ngayon sa may malaking halaman. Plano ko kasing kitain si Romeo at ipamukha na 'coincidence' lang ang pagkikita namin. 

Nang pumasok silang dalawa ng Mama niya, hinila ko agad si Klare papasok ng simbahan. She groaned in frustration, but she wasn't able to do anything about it. Pinilit ko lang kasi siyang pumunta rito kaya todo ang reklamo niya ngayon. Tinakot ko siya na hindi ko na siya tutulungan gumawa ng school works kapag hindi niya ko sinamahan at wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag. My best friend really hates doing school assignments.

Nalaman ko kasi na dito nagsisimba tuwing linggo si Romeo at ang nanay niya. Siyempre, gumawa agad ako ng plano para mapalapit sa kaniya. Mayroong hindi magandang nangyari saaming dalawa noong nakaraang araw pero hindi 'yon ang magiging dahilan para sumuko ako. Gusto kong gamitin ang chance na 'to para magkaayos kami.

Maraming tao ang nasa-loob ng simbahan. Buti na lang ay maaga kaming nakapunta rito kaya mayro'n agad akong nahanap na pweseto malapit kay Romeo. He's sitting in the third row so we occupied the vacant space on the fourth pew.

Maaga pa akong gumising para sa araw na ito. I wore the most expensive and pretty dress in my closet to make sure I would look good. A white off-shoulder dress that reached above my knees. Sinigurado ko ring mabango ako, bumili pa ako ng bagong perfume kahapon.

Mayroong lalaking nakatabi kay Romeo sa kanan niya habang niya naman ang nanay niya sa kaliwa. Nandito naman kami sa likuran niya at buti na lang ay hindi niya kami napapansin. Nakaupo lang siya habang nakatingin sa harapan. Gusto ko sanang tumabi sa kanya pero wala na, eh. Mabuti na nga lang nakahanap pa ako ng pwesto malapit sa kanya. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, nakikita ko naman ang likod niya. It's okay for me. Sanay naman na akong titigan siya sa likuran dahil never niya naman akong hinarap nang buong puso. It's better for me to stare at his back than meet his hateful eyes.

Nagsimula na ang misa at nakakikinig ang lahat kay Father na ngayon ay nagsasalita. All of them are listening and looking at the priest but I can't stop looking at Romeo while fighting the urge to grin happily. I can't see his face but seeing his back in front of me is enough to make me happy. His hair is a bit curly, it's cute, and his back is broad, it's attractive. Gusto ko naman talagang makinig kay Father pero hindi pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi niya dahil hindi maalis sa isipan ko si Romeo. Buti na nga lang ay nabasa ko na sa bible ang ibinabahagi niya sa amin.

Nandinto na rin kami sa simbahan, bakit hindi ko na lang siya yayain magpakasal dito?

"Boo, mukhang aalis na ang katabi ni Romeo, oh!" Tinapik ni Klare ang balikat ko kaya nabalik agad ako sa realidad. Masyado na kasi akong nakatulala kay Romeo kaya hindi ko napansin ang mga nangyayari sa paligid ko. Napatingin ako sa lalaking katabi ni Romeo at nakatingin ito sa cellphone nito. Mayamaya, umalis na ito habang may kausap sa telepono.

I Saved Romeo Where stories live. Discover now