# 1

79 18 2
                                    

Ang sabi nila, walang maidudulot ang pagmamahal. Walang ibibigay kung hindi sakit lamang. Kirot sa iyong puso. Subalit, kung ganoon nga, bakit ang sabi nito ay hindi?

Na subukan ko raw.

Umiling ako. May pangarap pa akong dapat tapusin. Ang pangarap kong pangarap din ng aking mga magulang.

Ang makapagtapos at maabot ang aking gustong maging paglaki.

Nagpakapagod at ginawa ko ang lahat dahil ayaw ko silang dismayahin, ayaw kong masayang ang pinaghirapan at tingin nila sa akin. Ayaw kong matulad sa ibang kabataan. Ngunit, nagkamali ako.

Isang pagkakamali na minsang sa buhay ko ang dahilan kung bakit ako mas nagpabuti, dahil ito pala, yung sinasabing 'Take the Path You Want'.

Take The Path You WantWhere stories live. Discover now