“Ano nang plano mo ngayon? Aside sa paglipat mo sa tabi ng unit niya?” natatawang sabi ni Neil.

Teka, alam niya na lumipat ako? “How did you know about that?” napaupo tuloy ako ng maayos.

“Nakalimutan mo na ba? Girlfriend ko si Jessy, di ba tito niya ang may-ari nung condo? Malamang sinabi niya sa akin.” sabi pa niya habang nakangiting-aso.

“Oo nga pala. Pero invasion of privacy yon ah! Dapat hindi niya sinasabi kahit kanino yon. Rule pa naman nila sa Raffles Residences yon di ba?”

“Alam naman kasi ni Jessy na magkaibigan tayo kaya nakwento niya sa akin. Balik tayo sa usapan, ano na ang plano mo?” Neil.

“I need to step up my game. Hindi na ako magpapabagal-bagal pa. Sisimulan ko na ang pagpapaibig sa kanya.”

“Ooh. Aabangan ko yan bro. Pero paalala lang, mahirap yan kapag nahulog ka din sa kanya.”

“I won’t.” sabi ko.

“Sige, sabi mo eh.” pero nakatingin siya na parang hindi naniniwala. Isa pa itong si Neil, nakakainis. “Before I forget, sana naman kahit ongoing yang plano mo na yan eh hindi mo mapabayaan yung trabaho mo. Remember, partners tayo dito. Hindi ko naman kaya lahat na ako lang. Magfocus ka rin dito sa company natin.” seryoso niyang sabi.

“I know that. Pasensya ka na talaga Neil. Di bale, ihihiwalay ko sa trabaho ang personal problems ko.”

“Okay lang. Oo nga pala, may napili na ako na partner company para doon sa new project natin. We’ll meet them next week. At eto pala yung bagong report about that project, pag-aralan mo na din. Sige, I need to go back to my office.”

“Sige bro. Thank you.” pumwesto na ako sa table ko at nagsimulang magbasa. Sa ngayon, I need to focus on my work. I need to pay attention on this. I’ll deal with you later Kathryn.

Sofia’s POV

Hindi ako makapagtrabaho ng maayos. Palagi ko kasing naaalala yung sinabi ni Khalil kahapon. Nakakawalang-gana naman kasi. Magkasama kasi kami kahapon, nakiusap kasi si Kath na samahan ko ang kapatid niya na mamili ng iba pa niyang kailangan para sa apartment.

Syempre enjoy na enjoy naman ako kasi kasama ko siya. Medyo nabadtrip lang ako nung nagdinner kami bago umuwi. Paano ba naman, all throughout the dinner, puro bukambibig niya yung babaeng nakita daw niya nung isang araw. Sabi pa niya, next time daw na makita niya yon eh hindi na daw niya papakawalan pa. Sa sobrang pagkairita ko eh nagwalkout ako. Siguro nagtataka si Khalil kung bakit ko ginawa yon. Hay, kung alam niya lang.

My Father's Other Woman (ON HOLD)Where stories live. Discover now