Chapter 8

968 30 0
                                        

Jennie's POV


"Yes, and alam mo ba na-Oh! Hi, Jen"

Ganun nalang ang pagtigil nila Lisa at Noze nang makita din nila ako. Hindi ko alam na hindi pa pala ako napasok sa gate namin.

"Jen"Sambit din ni Lisa sa akin"Hinatid ka ni Kai?"Tanong n'ya pa.

"Ahh..Yeah, yeah"Tumango naman ako sa kanya"Actually, papasok na nga sana ako sa loob"Napatingin naman sila sa akin at sabay na tumango"Kayo, saan kayo pupunta? Gabi na, ah!"

"Uhm..Nag crave kase ako sa ice cream so pupunta kami ni Lisa sa convenience store para bumili"Ngiti ni Noze sa akin bago tumingin kay Lisa.

"Kailan ka pa bumalik?"Tanong ko kay Noze.

Natigilan s'ya pero ngumiti din sa akin"Kanina lang tanghali, and babalik din ako sa amin Sunday night so.."At ganun nalang ang pagtingin ko sa kamay n'ya nang hawakan n'ya ang braso ni Lisa"I want to spend my weekend with Lisa"Napatingin naman sa kanya si Lisa at ngumiti.

Parang may tumusok sa aking dibdib dahil bigla itong nanakit. Hindi ko alam kung anong dahilan! The hell! What is this?!

"I see"Pinilit kong ngumiti sa kanila"Anyway, pasok na ako. Enjoy"Tumalikod na ako sa kanila pero napatigil din nang tawagin ako ni Lisa.

Hinarap ko naman s'ya"Why?"

"Take a rest, bukas ko na ibabalik si Kuma sa'yo"Sambit n'ya sa akin bago tumingin kay Noze"Let's go?"

"Yeah"Ngiti ni Noze sa kanya"Bye, Jen. Goodnight!"Kaway n'ya pa sa akin bago sila lumakad papaalis ni Lisa.

Wala sa sarili akong napatawa habang nakatingin sa dalawa. Hindi ko alam kung natatawa ba ako o naiinis. Tiningnan ko pa ang dalawa bago inis na pumasok sa loob ng bahay.

Padabog kong sinaraduhan ang pinto ng aking kwarto bago pumikit. Kumuha ako ng malalim na hangin bago napasapo ng aking noo.

Ito na naman ang nararamdaman ko. Ito na naman iyong sakit na nararamdaman ko. I thought, nawala na pero bakit bumabalik? Bakit?

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako habang nakahiga sa aking kama.

"Bakit ganito?"Umiiyak na tanong ko sa aking sarili"Please, ayokong maramdaman Ito. Bakit kay Lisa pa?"Napasapo ako ng aking mukha at doon umiyak nang umiyak.

"Wala lang Ito, please wag kang umiyak Jennie"Sabi ko pa sa aking sarili bago punasan ang aking mga luha"Please, be happy for them, be happy with Kai. Please..."Talagang pakiusap ko na sa akin sarili.

Dahil sa pag-iyak ay mabilis akong nakatulog. Masakit tuloy ang aking mga mata kinabukasan.

Hindi naman ako bumangon dahil wala naman kaming klase. Binalot ko nalang ang aking sarili sa kumot at pumikit ulit.

Nagising nalang ulit ako nang marinig ko ang tahol ni Kuma dito sa aking kwarto. Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata, at ganun ang gulat ko nang makita si Kuma na nasa aking kama na.

"Baby"Sambit ko pa at niyakap s'ya nang mahigpit. He licked my face and wiggle his tail.

"Sinong nagdala sa'yo dito?"Tanong ko pa sa kanya. Tumahol lang s'ya habang nakatingin sa akin.

"Dinala ko na si Kuma dito"At ganun nalang ang tingin ko sa pinto dito nang marinig ang boses ni Lisa. He's now carrying a tray while looking at me"I prepared breakfast. Kumain ka na"Sambit n'ya sa akin bago lumapit at nilagay ang tray sa akin.

"What are you doing here?"Tanong ko pa sa kanya.

"Dahil gusto ko..?"Sarcastic n'ya pang sambit sa akin, umirap naman ako at hindi na s'ya pinansin"Sinama ko na si Kuma'ng mag jogging. I'm with Noze actually"

Catch Me, I'm Fallin'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon